☆ 23: Hit ☆

58 3 0
                                    


THIRD PERSON PoV

Qwertyuiop.

Humahangos na tumatakbo si Scarlet palapit sa waiting area na kinauupuan ni Blue.

Agad na hinanap ng mata niya si Red, pero bigo siya kase hindi niya makita ito.

Tumayo si Blue ng makita siya nito.

"Blue? Asan si Red??"

Humawak pa siya sa puso niya kase hingal na hingal siya.
Sa sobrang pagmamadali niya nakalimutan niyang gumamit ng elevator. Nasa third floor kase ang kinaroroonan nila Blue.

Naramdaman na niyang nasa likod na niya si Gray. Pero pinilit niya na huwag muna itong pansinin.

"Wait nga lang. Kumalma ka nga."

Sagot naman ni Blue sa kanya.

Binatukan niya ito.

"Paano ako kakalma ha?! Kanina ka pa ganyan e! Tapos pinagbabaan mo pa ako! Nakakainis ka na!"

Pasigaw niyang himutok dito.

"Blue, sabihin mo na kase. Pa-cliffhanger ka rin (gaya ni author) e."

Sabat naman ni Gray.

"Sorry naman. Hindi ko naman sinasadya."

Saad ni Blue.

"Fine. So ano na ngang nangyayari? Sabihin mo na bago pa ako---"

Natigil sa pagsasalita si Scarlet nang makita niya si Red na naglalakad palapit sa kanila.

Para siyang natitigan ni Lila Sari, nabato siya sa kinatatayuan niya.

"Oy Abo. Andyan na pala kayo? Kanina pa ba kayo? O ngayon lang?"

Nakangiti nitong tanong.

Nainis naman si Scarlet sa ginawa nitong pag-ngiti. Hindi ito ang inaasahan niya sa biglaang pagpunta nila dito.

"Kararating lang."
Tipid na sagot nitong si Gray. Maging ito ay parang binagsakan ng mabigat na bagay sa balikat. Nanghihina marahil dahil inakala nito na si Red ang naospital, at nasa kritikal na kalagayan.

"Ah. Tapos na ba ang party?"

Tanong ulit ni Red.

"Hindi pa."
Malamig na sagot sa kanya ni Gray.

Lintek. Sino ba naman ang gaganahan kung yung inihanda mong plano e napurnada? Not once, but twice.

Para bang nanadya na hindi matuloy ang kung ano mang mangyayari.

Mukhang nakaramdam si Red ng kakaiba sa atmospera kaya naman hinatak niya sa isang tabi si Blue. Naupo naman sa waiting area si Scarlet at Gray.

"Asul, bakit mo sila pinapunta dito? Ano bang pumasok diyan sa kukote mo? Baka isipin ni Abo na sinasabotahe ko siya.."
Pabulong niyang sabi dito.
Tumawa naman ang mokong.

Bumulong din ito sa kanya.

"Bakit hindi ba? Sa pagkakaalam ko kase, may kinalaman ka sa nangyari kanina sa auditorium."

Napatikhim ng mahina si Red. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan niya.

"Oh? Tama ako noh? Sinasabi ko na nga ba. Napaka-exciting nito e."
Makahulugan pang sabi ni Blue.

"Anong exciting? Gago. Umayos ka nga Asul! Dapat hindi mo na sila dito pinapunta."

Binigyan siya ni Blue ng nagdududang tingin.

Minsan talaga hindi na niya maintindihan kung anong bagay yung tumatakbo sa isip nito.

Sasagot pa lang sana si Blue nang bigla namang dumating si Ciana. Lumapit ito sa kanya at sinuri siya na para bang maysakit siya.

To Believe Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon