☆ 24: Betrayal ☆

60 2 0
                                    

RED

Sige, umiyak ka lang. Lagi akong nasa tabi mo sa tuwing iiyak ka. Hindi ko kase alam kung paano ka dadamayan na hindi nagmumukhang nakakailang. Basta, kapag nasasaktan ka, huwag mong isipin na nag-iisa ka, lagi akong nasa tabi mo.

Naramdaman ko ang malalagkit na titig nila Abo sa amin ni Scarlet.
Lumunok muna ako bago ako nagsalita.

"Tama na ang drama. Huwag ka ng umiyak."

Pagsuway ko.

Inirapan naman niya ako.

Lumapit ako kay Gray.

Kapag hindi ko sinabi yung tungkol sa nangyari sa auditorium, kapag hindi ko naipaliwanag yung side ko, sigurado ako, masisira ang pagkakaibigan namin.

"Gray . ."

Tiningnan niya naman ako.

Paano ko ba sisimulan 'to?
Paano ko sasabihin sa kanya sa paraang hindi lumalabas na sinasabotahe ko siya?

Ihahanda ko na lang yung sarili ko sa kung ano mang pwedeng mangyari pagkatapos nito.

"May mahalaga akong sasabihin sa'yo."
Panimula ko.

Wala siyang sinabi, tinititigan niya lang ako.

Tumingin ako sa sahig saka ko ulit binalik sa kanya yung tingin ko.

"Kanina, sa auditorium----"
He cut me off.

"Save it, Red. I don't wanna here it. I just want to know why. So tell me now, bakit mo ginawa yun?"

Ang lamig ng boses niya. Kinakabahan ako, hindi dahil natatakot ako sa kanya. Kundi dahil alam ko na nagpipigil siya ng galit sa 'kin. At alam ko na nahihirapan din siya dahil ako pa na pinagkakatiwalaan niya ang gumawa nun sa kanya. Pakiramdam ko, wala akong karapatang maging kaibigan ni Gray. Napakawala kong kwenta.

Nakikita ko sa peripheral vision ko na nanonood lang sila Blue, Ciana, at Scarlet sa usapan namin ni Gray.

"Sasabihin ko sa'yo, pero huwag dito."
Mahina kong sagot sa kanya.

Ayokong marinig ni Scarlet ang dahilan ko.

Umiling-iling siya. And this time, tumaas na ang tono niya.

"Bakit hindi dito?! Natatakot ka bang marinig nila yung rason mo?! Fuck man! A real gentleman can stand with his words and actions!"

Inabsorb ko muna yung sinabi niya sa'kin. Tama siya. Dapat marunong akong manindigan. Pero ang problema, hindi ako sigurado kung bakit. Basta, mahirap ipaliwanag.

"Ayokong mag-away tayo, Gray. Sa ngayon, umuwi na lang muna tayo."

Ayoko ng magsalita pa, dahil alam ko na hindi na nun mababawi lahat ng kasalanan ko. I'm such a fool. I betrayed him.

"There you go. Umiiwas ka. Let me change my question, may gusto ka ba kay Scarlet?"

"Sinagot ko na ang tanong mo na yan. Bakit mo ba kailangang ulit-ulitin?"

"Dahil hindi ako naniniwala sa sagot mo! You're saying that you do not care about her feelings, but bloody hell! Your actions are goddamn opposite!"

Para akong sinuntok ng buwan.

Ganon ba talaga ako?

Nalilito talaga ako.
And it does not really helping my situation, our situation.

Hinawakan ko siya sa balikat niya pero marahas niya iyong itinaboy.

"Fine. Magalit ka sakin kung gusto mo."
Pagkatapos ko yang sabihin, dire-diretso akong naglakad papunta sa exit ng hospital na'to.

To Believe Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon