FCGMFHG ~ Jealousy Game

4.1K 117 2
                                    


Summer at the multimedia.

Ang cute talaga ni Summer.

Guys, pansin nyo bang wala masyadong exposure si Winter? Well, ako rin eh. Sorry, wala kasi akong maisip na moment nila.

***

Autumn's POV

Linggo ngayon. At dahil wala kaming magawa ay sumama kami kay Summer sa practice ng band nila. Oh yeah, sila daw kasi magpe-perform sa foundation day. Kahapon hindi kami nakasama kaya ngayon sasama na kami.



Naglalakad na kami ngayon sa hallway papunta sa music room. Dun daw yung practice room nila Summer.



"Ah, Spring magkwento ka sa nangyari sayo sa FRIENDLY date nyo ni Red." Sabi ni Summer sabay tingin kay Spring.




Tumawa naman si Spring. "Wag na uy! Tatawa lang kayo."




"Gusto kong tumawa, Spring eh." Sabi naman ni Winter.



"Nandito na tayo." Sabi ko nang makarating na kami sa tapat ng music room. Binuksan naman agad ni Summer yung pinto.



"Hi guys!" Masayang bati ni Summer at pumasok sa loob. Napahinto naman ako kasi yung tatlong kumag nandito. Expect ko naman na nandito na si Klima kasi part naman sya ng band.




Pero si Ice, Cloud at WALANGYANG RAIN?! ANONG GINAGAWA NG HINAYUPAK NA YAN DITO?!



"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ni Summer. Tiningnan naman sya ni Chlymate.



"They are my friends. It's okay if they are here. Problem with that?" Mataray na tanong ni Klima sabay taas ng kilay.



"Wala naman. Kung ganun, okay narin kung nandito yung mga kaibigan ko. They are my friends. It's okay if they are here. Problem with that, too?" Mataray ding sagot ni Summer. Narinig ko yung mahinang tawa ni Winter. Summer talaga oh.



Bigla na lang kami hinila ni Summer.




"KIAN?!!" Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Winter sabay turo dun sa guy na nasa tabi ni Klima. Teka... familiar sakin 'ting lalaki na 'to. Tama, sya yung kausap ni Winter at sinabing destiny nya. Tsk.



"WINTER?!" Pabalik-balik yung tingin namin sa kanila. Okay, muka silang tanga na hindi nagkita ng ilang years. "Woah. Kaibigan mo pala si Summer."





"At member ka pala ng Summerband. Ang galing naman." Sabi ni Winter pero halatang kinikilig sya. Okay, maknae namin yan kaya kailangang pigilan. Bawal pang mag-bf. Hinila ko na lang si Winter sa tabi ko.



"Ehem. Kailangan muna naming magpakilala sa inyo mga magagandang dilag. I'm Archie Ortega, ang pinakagwapo sa kanila. *wink*" sabi ng lalaking hmm. Pede na, gwapo sya tapos ang cute ng dinple nya.



"And I'm Kian Arevallos. Pinakacute." I agree with him. Cute nga sya, may dimple din sya pero mas malalim yung dimple ni Archie. Chinito sya and maputi. Honestly, bagay sila ni Winter.




Sinamaan ko nang tingin yung ulan na yun! Ang kapal nang pagmumuka nyang magpakita sakin pagkatapos ng ginawa nya!!



Nakita ko yung babae na katabi nya. Ngayon ko lang napansin na may nakabigkis na ahas--- este babae pala sa braso nya. At kung makaflip sa buhok nya 'kala mo kung sinong babaeng commercial ng shampoo.

Pinapainit talaga ng lalaking 'to ang ulo ko. Kasasabi nya lang na gf nya ako tapos heto nakikipaglandi pa sa iba. Don't get me wrong hah, hindi ako nagseselos. Definitely not. Naiinis lang ako kasi feeling ko pinapahiya nya ako, like pinapakita nya sa lahat kung pano nya ako paglaruan. Peste!




Four Cold Guys Meet Four Hot GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon