Author's note:
Hello guys!! Last chapter na po 'to ng part one ng FCGMFHG. Magbabye na kayo kina Spring at Cloud. Choss! Meron naman silang exposure pag part 2 na pero you know, konti na lang dahil... SUMMER AT CHLYMATE NA! Hahaha. So bye guys! Enjoy reading! And sorry sa pangit na action dun sa previous chapter. Haha. Bare with me na lang.
***
Chapter 32: Inlove
Spring's POV
Nagising ako na puti ang lahat ng nakikita ko. Pumikit ulit ako para maiadjust ang mata ko sa ilaw.
"Salamat naman at nagising kana." Una kong nakita si Summer na nakaupo sa isang upuan katabi ko. Si Winter naman at si Autumn nakatayo. Nasa hospital yata ako, amoy gamot eh.
"Anong nangyari?" Naguguluhang tanong ko.
"Nawalan ka ng malay, kanina. Kaya dinala ka namin sa hospital." Sagot ni Autumn. Naalala ko na. Akala ko mamamatay na ako, akala ko katapusan ko na.
"Si Cloud?" Tanong ko. Anong nangyari sa kanya? Okay lang ba sya?
"Ah, Si Ulap ginagamot pa nang doktor dahil sa mga pasa nya, Si Vanessa ayun iniimbistigahan ng mga pulis. Binaril nya kasi si Red." Sagot ni Summer. Ngumiti naman ako, salamat at okay si Cloud.
"Eh kung ako yun naku!! Babalian ko pa yung Red na yun!! Psh! Kapal nya talaga! Mabuti na sa kanya yun! Pasalamat nga sya at buhay pa sya hanggang ngayon!" Sabi ni Autumn.
"Winter, hindi ka nagsasalita. Okay ka lang ba?" Napansin ko kasing tahimik lang si Winter. Nag-roll eyes sya tapos pumadyak-padyak sya sabay upo sa isamg upuan.
"Tinawagan ko yung sila tita at tito at sinabi kong nasa hospital ka. Pero alam mo kung anong simabi nila? Sandali lang daw dahil may ginagawa pa sila sa walangya nilang kompanya! Peste! Alam naman nilang nasa HOSPITAL ka. Pero ano? Inuuna pa nila yung bussiness nilang yan. Kung mamamatay kaba, maliligtas ka ng bwisit na bussiness nilang yan!!!" Kinamot nya yung cheeks nya na namumula na, mannerosm nya kapag naiinis.
Well, hindi ko naman sya masisisi. Kahit ako naiinis ako sa mga magulang ko. Kahit kailan hindi nila ako naging first priority. Yung iba na iniis-spoiled sila ng mga magulang nila dahil nag-iisang unica hija nila pero ako? Never. Hindi nila ako sini-spoiled. Kung ano yung gusto ko opposite ng sa kanila. Ganun ako pinalaki. Pinalaki ako while not considering what I want and what I need.
***
Padabog kung nilagay yung bag ko sa sofa ng bahay namin. Pinauwi nila ako mom and dad agad, hindi ko man lang nabisita si Cloud.
Sila Summer naman hindi pinayagan nila mom and dad sa sumama sakin dito sa bahay. Bwisit!! Padabog akong umakyat sa kwarto ko pero pinigilan ako nila mom.
"Kailan kaba titino, Spring? Palagi ka na lang nasasangkot sa gulo. Dun sa former school mo, nasangkot rin kayo ng mga kaibigan mo! Kailan kaba---
I smirked. At pinutol yung sasabihin ni mom. "And so what? May alam ba kayo? Ano bang alam nyo? Kahit nga noon na pagpunta lang ng school sa family day wala kayo. Tapos ano? Sasabihin nyo na nasasangkot ako sa gulo? Oh c'mon!"
"Yan rin ba ang tinuro ng mga kaibigan mo sayo? Yan ba ang tinuro namin sayo---
"What the hell, dad! May tinuro ba kayo sakin?! Ni hindi nyo nga ako mabigyan ng oras! Palagi kayong nasa pesteng bussiness nyo! Ni hindi nyo nga tinanong kung anong gusto ko, basta-basta na lang kayong nagdedesisyon without even consulting me, without even considering what I want. I really wish na sana hindi nyo na lang ako naging anak! Na sana nawala na lang ako dito! Dahil kahit anong gawin ko palagi kayong nandyan para kontrolin ang buhay ko. I hate this. I hate you!" Umiyak ako habang papasok sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Four Cold Guys Meet Four Hot Girls
HumorTHE HOT GIRLS Im Yoon Ah as Winter Snow Park Jessica Jung as Autumn Sunny Jung Chorong Park as Spring Sky Park Yoon Bomi as Summer Frost Kim THE COLD GUYS Oh Sehun as Ice Skyler Hilton Xi Luhan as Thunder Rain Clarkson Suho as Cloud Drake Davis Do k...