Chapter 7: Partners
Winter's POV
"Wow hah! Bilib akong mag-walk out yung si Summer. Akalain mong 1 oras na syang hindi bumabalik. Ano yun? Lalayas sya?" Naiinis na sabi ni Spring. Napailing na lang ako.
Kaaalis lang nila Kuya Ace at Hurricane. Tapos hinihintay naman namin ngayon si Summer na isang oras ng nawawala. Ang daldal naman kasi ni Hurricane. Sarap nyang ilunod sa sabaw na mainit pa.
Naiintindihan ko si Summer, ofcourse. Sinabi nya samin kung bakit nya iniiwasan si Kuya Ace. Takot syang magmahal? I can't blame her, nasaktan yung mommy nya because of her dad and she's afraid that she might felt the pain felt by her mother.
Takot syang magmahal ng todo at pagsisisihan nya lang sa huli just like her mother did. Iniwan sila ng daddy nya at sumama sa kabit nya. Sobrang nasaktan si Summer, she's a daddy's girl kaya sya ang mas naaapektuhan.
But, I know Kuya Ace. Hindi nya naman kayang gawin yun kay Summer. Minsan nga masungit si Kuya Ace at strikto pero pagdating sa kanya lumalambot si Kuya. Kuya Ace loves Summer that much. Kaya alam ko kung gano kasakit kay Kuya Ace na palaging iniiwasan at nilalayuan ni Summer.
Nagbago si Kuya Ace. Mas lalong naging mahirap syang kausapin. Minsan nga nakita pa namin sya ni Hurricane na umiinom ng alak. Nag-iisang anak lang kasi si Kuya Ace at wala din naman kaming Kuya ni Yuri kaya tinuring na namin syang parang Kuya.
Napailing na lang ako ng maalala yung mga sinabi nya nung nakita namin syang lasing ni Yuri...
"Why... why can't she love me back?... ganun ba ako kahirap mahalin?... damn, I love her, she kept on saying that she doesn't love me but I still want her?... she kept on saying that only she can give to me is just a friend... damn! I'm so hurt.. but my heart still shouting her name..."
Nagkatinginan kami ni Yuri chaka tumawa. Mahinang tawa lang. Ang cheesy nya pagnanalasing sya. Napa-isip ako bigla... Kuya Ace is crazy inlove with Summer na halos hindi na sya kumakain. Ewan ko, nagka-amnesia siguro at nalimutan ng kumain. But he changed nang pumunta sya ng states. Pag-uwi nya parang hindi sya yung dating Kuya Ace na kilala ko noon na patay na patay kay Summer.
Kuya Ace right now? Well, siguro naging mas seryoso at naging mas strikto. But still inlove with my bestfriend, Summer.
"Sa wakas! Naisipan mo ring bumalik kung saan ka nanggaling!" Sigaw ni Spring at pinagdikit yung dalawang palad at tumingin sa ibabaw. Like praising the lord.
I raise my eyebrow. "Tumigil ka nga, Spring. OA mo," sabi ko. Tumawa naman si Autumn. Nag-apir naman kami ni Autumn na makita kong nag-pout si Spring. Cute nya hah, infairness.
Kaso joke! Like duh! Muka syang bibe. Kulang na lang kaldero para isabit sa nguso nya!
"Umalis na sila?" tanong ni Summer sabay libot ng mata nya sa buong dorm. "Hello! Alangan naman hintayin ka nila dito! Isang oras kana kayang nag-walk out," asik ni Spring.
"Sorry naman. Nag-CR lang naman ako," palusot nya. Pumalakpak naman si Spring. "Grabe naman yan. Ganun ba talaga kadami yang laman nyan at umabot ka ng isang oras hah?!"
"O palusot mo lang?" dugtong ni Autumn. Napatigil naman si Summer at tiningnan si Autumn. "H-hindi ko sya iniiwasan," nauutal na sabi nya.
"Eh bakit hindi mo sinagot yung tanong ni baby Hurricane kanina?" I almost roll my eyes na narinig kong tanong ni Autumn. Can they just call Yuri by her name at wala ng baby? Like duh! Kadiri kaya, she's not a baby anymore.
"I...I.. don't know.."
"One question. One answer," nagulat sya sa seryoso kong boses. "Mahal mo ba si Kuya Ace? Aah! No, let me rephrase it. Minahal mo ba si Kuya Ace?"
BINABASA MO ANG
Four Cold Guys Meet Four Hot Girls
HumorTHE HOT GIRLS Im Yoon Ah as Winter Snow Park Jessica Jung as Autumn Sunny Jung Chorong Park as Spring Sky Park Yoon Bomi as Summer Frost Kim THE COLD GUYS Oh Sehun as Ice Skyler Hilton Xi Luhan as Thunder Rain Clarkson Suho as Cloud Drake Davis Do k...