Suot nila Rain, Ice at Chly sa ball at the media. Hindi ko na nilagay yung kay Cloud kasi nakita nyo na yun sa previous chapter.
Enjoy reading :)
Chapter 26: Lost
Spring's POV
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hanggang ngayon nagtataka parin ako sa sinabi ni Cloud kanina. Hindi ko talaga sya maintindihan. Tinanong ko naman sya kung sino yung him na yun hindi nya ako sinasagot. Nagsu-sungit sya.
Hindi pa tapos yung ball. 11:30 pm na pero marami paring students. Kanina ko pa din hinahanap sila Winter. Dun na muna ako. Wag ko na muna isipin ang sinabi sakin ni Cloud. Mababaliw ako nun, panigurado.
Agad kong nakita sila Winter sa table nila. Lalapit na sana ako ng may biglang lumapit sakin. "Spring!"
Napahinto naman ako. "Oh, bakit?"
"May tumatawag sayo."
"Huh? Sino?"
"Hindi ko alam. Nandun sya sa labas. Hihintayin ka lang daw nya." Sagot nya at iniwan ako. Sa labas? Bakit kailangan sa labas? Ang ginaw-ginaw kaya? Tsaka sino ba yung tumawag sakin?
Kahit nagtataka na ako ay lumabas ako ng gym. Hinanap ko yung tumawag daw sakin pero mukang wala naman. Pinagti-tripan lang siguro ako. Ang ginaw pa naman dito.
"Ikaw ba si Spring?"
"Ay! Kabayo!!" Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. May isang lalaki kasi ang tumabi sakin. "Ikaw ba yung tumawag sakin?" Tanong ko. Tumango naman sya. "Kuya, maling ball 'ata 'tong napuntahan nyo. Valentine ball po 'to hindi masquerade ball." Natatawang sabi ko. Nakasuot kasi sya ng maskarra. Naka-tuxedo rin sya.
"Ganun ba?" Tumingin sya sakin kaya halos manindig yung balahibo ko sa kakaibang ngiti nya. "Oh, bakit parang natatakot ka?"
Napaatras ako ng wala sa oras. "Ah, kuya kailangan ko ng umalis hinihintay na siguro ako ng mga kaibigan ko---
"Wag ka munang umalis. Hindi pa nga tayo nagsimulang mag-usap ng masinsinan eh." Hinawakan nya yung braso ko na ikinabigla ko. Agad kong tinabig yung kamay nya. Tatakbo na sana ako ng bigla nya akong hilahin.
Bigla nyang tinakpan ang ilong ko ng panyo. Nanghihina yung dalawang tuhod ko, nanlalabo yung paningin ko. Unti-unti akong nanghihina. Bago pa magdilim ang paningin ko ay may narinig akong isang boses na sobrang pamilyar sakin.
"Gotcha, Spring Sky Park."
***
Winter's POV
"Nasan naba si Spring? Ano ba yan!! Aasarin ko pa yun eh! Ano kaya yung meaning ng payakap effect ni Cloud sa kanya?!" Kanina pa daldal ng daldal 'tong si Autumn samin tungkol sa ginawa ni Cloud kay Spring kanina.
Ako naman 'tong hindi mapakali. Ewan, basta may something. Something is not right. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit.
"Autumn, tawagan mo nga si Spring. Saang lupalop na pumunta ang babaeng yun." Naiinis na tanong ni Summer. I know, even Summer feel the same way as mine. Kanina pa sya hindi mapakali.
BINABASA MO ANG
Four Cold Guys Meet Four Hot Girls
HumorTHE HOT GIRLS Im Yoon Ah as Winter Snow Park Jessica Jung as Autumn Sunny Jung Chorong Park as Spring Sky Park Yoon Bomi as Summer Frost Kim THE COLD GUYS Oh Sehun as Ice Skyler Hilton Xi Luhan as Thunder Rain Clarkson Suho as Cloud Drake Davis Do k...