Chapter 6: Ace and Summer
Summer's POV
Alam mo yung feeling na hindi ka makahinga? Feeling mo naso-soffucate ka? Kasi ako, ito yung feeling ko ngayon. Feeling ko allergy yung hangin sakin at ayaw lumapit.
Mas lalo akong naiilang dahil katabi ko pa sya ngayon. Ang dahilan kung bakit allergy sakin yung hangin.
“Okay ka lang, Ate Frost? Namamawis ka?” tanong sakin ni Hurricane. I smiled and nodded. Nakita ko naman sila Winter na todo ngiti. Nag-wink pa sakin si Spring.
Waaaa! Patayin nyo na ako!
“Kamusta naman ka naman dito, Winter?” tanong ni Ace kay Winter. Tumikhim naman ako, para kasing may bumabara sa lalamunan ko eh.
Ngumiti naman si Winter. Ngiting nang-aasar. Oh no! Ayoko nang ngiting yan ni Winter. “Ako lang ba talaga ang kinakamusta mo Kuya? How about, Summer?”
Pineke ko yung ngiti ko kay Winter chaka pinandilatan ng mata. Tumingin naman si Ace sakin at nginitian ako. Agh! Ano ba kasi yan! Bakit ba ang gwapo mo parin hah!
“Ofcourse. Makakalimutan ko ba sya?” nakangiting sagot nya kay Winter pero nakatingin parin sakin. Naiilang tuloy ako. Geh, ikaw na gwapo.
Dahil sa sinabi nya napuno na naman ng tuksuhan tungkol saming dalawa. Nag-init naman yung magkabilang pisngi ko, hindi ko alam pero kinikilig ako. Ano ba yan!
Pero... sino nga ba si Ace Flakes Park sa buhay ko? Oh well, noon parte sya ng buhay ko. Bestfriend ko kasi sya noon, maliban kina Winter. Close kami noon. Noon yun.
One time nasira yun friendship namin. Hindi ko alam kung ako ba talaga yung sumira nun. Sinabi nya kasing gusto — no, let me rephrase it. Mahal nya ako. Yun yung sinabi nya. I was caught-off guard. Nakaka-shock yung sinabi nya.
But, before I could react, sinabi nya saking liligawan nya ako whether I like it or not. That time wala akong naramdamang special sa kanya except sa pagiging good friend, but he doesn't want that. He wants more than that, that I can't give.
Hindi ko sya mahal. Yun ang alam ko sa sarili ko. Kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. No more. No less. Nung una ayokong iwasan sya pero yun yung ginawa ko. Ayoko nang commitment. Ayokong magmahal. Hindi ko alam kung bakit. Marami na kasi akong nakakasalamuha na nasasaktan pagdating sa love.
I don't want to hurt. I'm scared. I don't want to feel pain like my mother felt. Iniwan kami ni Dad because of her mistress. Can you believe that? My mom that is almost perfect left by dad?
Akala ko tama yung desicion kong iwasan at layuan si Ace. Kung pumupunta sya sa bahay at inaaya akong mag-date I always refuse and I always say;
"I'm busy"
"We have some projects to do."
And etc. But I'm wrong. Hindi ko pala kaya. I missed my bestfriend. Pero wala na akong nagawa. Iniiwasan nya narin ako. Pati sila Winter nagtaka na kung bakit, kaya sinabi ko sa kanila.
Akala ko nga hindi na kami magkikita pa. Nung 2nd year ako nalaman kung pumunta syang states. Hindi ko alam na bumalik na pala.
And he's here now. Yung dating bestfriend-turn-to-manliligaw-turn-to-pinsan ng bestfriend ko. Yun na lang. Hindi ko na kasi sya minahal. Pero kapag minahal ko sya edi turn-to-my love.
"Kamusta kana?" Tanong nya. I was caught-off guard sa tinanong nya. I saw longing on his eyes or.. feeler lang talaga ako? Tama! Feeler lang talaga ako, ang alam ko kasi galit sya sakin sa pag-iwas ko sa kanya noon.
"Hoy! Summer! Tinatanong ka ni Kuya Ace kung kamusta kana raw?" Sigaw sakin ni Autumn. Napakurap ako. Masyado ko na ata syang tinitingnan. "Uuy! Si Summer..."
"Ituloy mo susuntukin kita," sigaw ko kay Autumn. Nagulat ako ng biglang kumanta si Spring.
"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig.."
Feeling ko ang pula-pula ko na ngayon. Tumawa lang si Ace pero nahuli ko syang nakatingin sakin kaya mas lalo akong namula.
"Muling pag-bigyan ang pusong nagdaramdam.." dugtong nya.
Kinuha ko yung libro sa mesa at inihagis sa pagmumuka nya. Buti na lang nakaiwas sya. "Stop it right now, Spring. You're wounding my ears." Natatawang sabi ni Winter.
"Ate Frost," tawag sakin ni Hurricane. "Yes, baby?" Tanong ko. Ngumito sya sakin. "Diba nanligaw sayo noon si Kuya Ace? What happened?"
Naputulan ako ng dila sa tanong sakin ni Hurricane. Napatahimik lahat. Tumingin ako kay Ace, nakatingin sya sakin na para bang hinihintay yung isasagot ko.
I sighed. "S-sorry," sabi ko at nag-walk out. Hindi ko alam kung bakit. Nasaktan ko ba si Ace? Masakit ba yung ginawa ko sa kanya? Kung ganun sorry. Sorry dahil sa ginawa ko. At isa pang sorry dahil....
Hanggang ngayon hindi ko parin sya magawang mahalin..
***
Short lang po diba? Parang extra lang po kasi yan nila Summer at Ace.
Bagong character na naman si Ace. Marami pang lilitaw na characters dyan kaya stay updated.
Nagmamahal,
Asawa ni Sehun
BINABASA MO ANG
Four Cold Guys Meet Four Hot Girls
HumorTHE HOT GIRLS Im Yoon Ah as Winter Snow Park Jessica Jung as Autumn Sunny Jung Chorong Park as Spring Sky Park Yoon Bomi as Summer Frost Kim THE COLD GUYS Oh Sehun as Ice Skyler Hilton Xi Luhan as Thunder Rain Clarkson Suho as Cloud Drake Davis Do k...