FCGMFHG ~ ( hindi ko alam ang title )

4K 113 0
                                    


Chapter 10: ( hindi ko alam ang title )

Spring's POV

Naglalakad ako ngayon dito sa hallway. Gusto kong makita si Cloud eh. Maliban sa gwapo sya eh kailangan ko rin sya dahil sa paper works na gagawin namin.

"Cloud! Yuhoo! Yohhoo!" Sigaw ko habang naglalakad sa hallway. Hindi kasi ako pedeng pumunta sa domitory nila baka pagalitan ako. May nagi-inspection kasi ngayon.

Sa di kalayuan nakita ko si Cloud. Nakasandal sya sa pader at nakakunot yung noo. Lumapit ako sa kanya. "Hi?" Bati ko.

"Who are you?" Tanong nya. Tumayo sya ng matuwid. "Yeah. I know you. Ikaw yung isa sa apat na babae kahapon." He said.

Tumango ako. "Oo. At ako rin partner mo sa paper works. Gusto ko sanang tulungan mo ako. Pede ba?" Tanong ko naman.

He smirked. "Ayoko. May gagawin akong importante pa dyan." Sabi nya at tinalikuran ako.

Hinila ko naman sya. "Hindi pede. *pout* pagnagkataon wala akong grade." Sabi ko. Nagpapacute ako. May nagsabi kasi saking cute daw ako pag nag pa-pout. Tumalab ka... tumalab ka please...

"Okay. Here's my address." Sabi nya at binigay nya sakin yung isang papel. Pumunta ka dun kung gusto mo." Sabi nya at tuluyan akong iniwan.

*pout* hindi man lang nya ako sinabihan ng "ang cute mo pagnagpa-pout." Waaah!

Hindi na ako nagsayang ng oras at pumunta na agad ako sa dorm para kunin yung mga materials. Nadatnan ko si Winter na hinihila si Ice patayo sa sofa.

"Saan ka?" Tanong ni Winter. "Lalabas lang." Sagot ko naman.

"Saan?" Tanong nya ulit. "Sa pinto." Sagot ko chaka ako lumabas. Narinig ko pa yung sigaw ni Winter na papatayin nya ako.

Lalabas ako sa Montel. Pupunta ako sa address na binigay sakin ni Cloud. Hoho. Excited na akong makapunta sa bahay nila.

Pagdating ko dun sa address ay sumalubong sakin ang mataas na building. "Davis Empire Condominium." Basa ko sa nakasulat. Ano nga ba ulit apelyido ni Cloud? Cloud Drake..... Davis?

*takip bibig* ibig sabihin sya at ang pamilya nya ang may ari ng building na 'to? Waaaah! Ang yaman ng future husband ko ---- oppsss! Wala akong sinabi, hindi ko sinabi na future husband ----- waaaah! Pahamak ka talagang bibig ka!

Huminga ako ng malalim bago pumasok. Pagkapasok ko at binati ko si manong guard. "Hello po!" kumaway pa ako. Pero hindi ako pinansin. Meron ata si manong guard ngayong araw.

"Excuse me, ma'am. Alam nyo po ba kung nasan yung unit ni Cloud?" Tanong ko sa babae. Kumunot naman noo nya.

"Si Mr. Davis po?" Tumango ako. "Girlfriend po ba kayo?"

*U* si ate talaga, alam yung mga gusto ko, pero hindi nya ako girlfriend. Dadating din tayo dyan.

"Hindi po. Kaibigan nya po." Sabi ko.

"Sandali lang po." Sabi nya. May tinawagan sya sandali then tiningnan ako. "Sorry po ma'am. Mr. Clarkson is not expecting any visitors po."

*pout* ano ba yan! "Sabihin mo, Si Spring 'to. Yung partner nya sa paper work." Sabi ko. Kainis naman eh. Sinabi nya sakin punta lang ako dito tapos hindi pala sya nage-expect ng bisita.

Tumawag ulit yung babae pagkatapos ay tumingin sakin. "OKay na raw po. Nasa unit # 712 po sa may third floor."

Agad na akong umalis. Hanep! May elevator, hindi na ako mahihirapang maglakad.

Four Cold Guys Meet Four Hot GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon