Chapter 1 Beginning?

28.1K 284 21
                                    

Leaf's POV -



Ilan araw na ang lumipas simula ng magtapat si Pierce ng nararamdaman nya para sa akin. Hindi ko ineexpect na ganito ang mangyayari dahil sa mga panahon na magkasama kami, mas madalas yung pag aawayan namin kaysa doon sa parte na nagpakita sya ng pag tingin sa akin. Siguro kasi, palagi syang nagsusungit, na as time goes by ay nasanay na rin ako.(ー_ー゛)


Akala ko magiging one sided ang love story namin pero nagkamali na naman ako. As usual ano pa nga 'bang bago?



Bumalik kami sa bahay nila Lola at hindi na nya ako pinabalik pa ng condo unit ko. Marami daw kasi akong dinadalang lalake doon, eh si Charles at Athan pa lang naman ang nakakapunta dun. Naiisip ko tuloy na seloso sya. Hahaha!


Sa first week ng pagsasama namin as a real couple wala naman masyadong nagbago. Bangayan pa rin kami ng bangayan, halos walang araw na hindi natatahimik ang buong bahay dahil sa aming dalawa. Pero ayos lang, kung saan kami komportableng dalawa edi dun kami. Hindi naman namin para baguhin pa ang nakasanayan.



May nagbago rin naman sa amin kahit 15% lang. Tinatawag pa rin nya akong bird brain pero marunong na syang humingi ng tawad, yung sincere. Nagiging sweet na rin sya tipong napapadalas na ang pagyakap nya sa akin na halos hanggang sa pag gising ay ayaw na nya akong paalisin. Kung minsan nga ay nahihiwagaan na ako sa mga kinikilos nya pero hindi na lang ako nagrereklamo tutal its for own good din naman. (◠‿◕)


Sa mga nakalipas na araw na 'yun ay punong puno ako ng kaligayahan na sa sobrang saya ay wala na akong hihilingin pang iba...


"Leaffff?!!! Anong ginagawa mo sa polo ko!!!?"



"Saglit lang Pierce! Nasa banyo pa ako!"



"Ang baho Leaf buhusan mo nga 'yan!"



Nagmadali na lang akong lumabas ng banyo, "ang arte mo! Ano 'bang problema mo at nagsasalubong na naman 'yang mga kilay mo!?"



Hinarap naman nya sa mukha ko yung sunog na kwelyo sa polo nya at butas na pants, "huwag ka ngang mamalansta kung hindi ka rin lang naman maalam."



"Hindi na pwedeng i-consider mo na lang 'yan as trial and error? Bago pa lang ako natututo sa gawaing bahay, pag pasensyahan mo na."



"Hindi na 'to trial and error Leaf! Ilan damit ko na ang halos hindi ko na magamit ng dahil da disgrasyang ginawa mo. Kapag hindi sunog o butas, may stain naman kasi pinagsasama mo yung decolor sa hindi. Yung ilan sa mga medyas ko lumuwag na ang garter dahil hindi ka marunong mag washing. Commonsense na lang Leaf, paki gamit naman yung utak mo."


(눈‸눈) "Hindi ba nga sabi mo, bird brain ako?!" At this time parang gusto kong bawiin yung mga sinabi ko sa intro.


"Hindi kasi 'yun ang problema Leaf! Nasa tamang edad ka na, may asawa na at any time soon bubuo ka na ng sarili mong pamilya. Dapat kahit simpleng gawain lang sa bahay ay magawa mo ng maayos, hindi yung palagi na lang tayo magtatalo pag bungad sa umaga ng dahil lang sa hindi mo magawa ng maayos yung mga gawain mo. Grow up Leaf! Hindi ka pa ba nagsasawa sa pag-aaway natin noon?"



Naibato na lang nya sa kama yung bitbit nya at naghanap na lang ulit sa cabinet.



"Bakit ba palagi mo na lang pinagdidiinan sa akin na bird brain nga ako?" Bulong ko sa sarili sunod na kinuha ko yung wallet ko.


"Saan ka pupunta?!" Sigaw nya.



"Wala akong naririnig, bye! I love you." Dire diretso lang ako sa paglalakad.


I'm His Babymaker (WBM Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon