Cliff's POV -
"Bakit hindi ko man lang naisip yun noh? Hahahaha, baliw na nga yata ako!" Lasing na si Pierce naka ilang bote na rin sya ng alak, pinabayaan na lang namin kaylangan nya rin yun. "Araw ng check-up ng asawa ko kaya dapat ako yung kasama nya, para naman malaman ko kung okay ba sila ni baby.. ano nga bang pangalan nun? Ahhh... ayun! Baby bear! Ni baby bear!"
"Ano ba yun?" Pabulong na tanong sa akin ni Soney.
"Eh nasan na si Leaf kung iniwan mo sya dun?"
"Hindi ko alam pero bago ko naman sya iniwan dun, tinawagan ko si Sarah para masundan sya." At ngayon patungo tungo na sya. "Pasensya na kayo hah? Wala eh, ang saket saket lang kasi di ko kinaya. Pero kahit ganun, mahal ko si Leaaaffff..."
"Hay salamat, after 4 hours natin dito na knock out na din sya." - Roice.
"Baket ka ba kasi nagmamadali? 11pm pa lang naman ah!" - Soney.
"Gunggong! Hindi na ako binata, kinasal na ako, may asawa na ako para namang wala ka sa kasal ko. Kaya kaylangan ko ng umuwi dahil lagot na naman ako kay Celine neto! Basta maiwan ko na kayo dyan hah? Ingat!"
"Huy!! Roice!!? Bumalik ka! Patay ka sa akin!" Nanakbo na kasi si Roice kaya etong si Soney todo sigaw. "Eh teka nga kanina pa ako naguguluhan dito, ano bang problema nila ni Leaf hah? Kanina lang ang ganda ganda ng mood nyan tapos ngayon magka-away na naman sila?"
"Kay Pierce mo yan itanong, sige na umuwi ka na. Ako na mag-uuwi kay Pierce."
"Ihh ikaw hah? Napaghahalataan na kita. Baka naman type mo si Pierce hah? Bromance ba?" Pa wink wink pa sya ng mga mata.
"Gagong 'to! Sira ulo! Lumayas ka na nga sa harapan mo, ipapakaladkad kita sa mga gwardiya eh!"
"Aish! Oh sige na nga, ingat kayo! Waaahhhh!!" Humihikab pa syang naglakad palabas.
Inalalayan ko si Pierce na makalabas ng bar isasakay ko na sya sa kotse nya para ihatid sya ng dumating si Leaf kasunod si Ally.
"Anong nangyare sa kanya!? Uminom na naman ba sya ng marami!? Pierce!? Pierce!?" Mukhang nag-aalala talaga si Leaf.
"Sorry ayaw nya kasing magpapigil eh." - Allycole.
"Sumakay ka na rin ihahatid ko na kayo." Bubuksan ko na sana yung pintuan ng pigilan naman ako ni Leaf.
"Hindi na Cliff, marami ka ng naitulong. Kaya ko na 'to marunong naman akong magdrive." Kaya inayos ko na lang si Pierce, "Salamat." Umalis na sila.
Pagka alis nila tumingin naman ako kay Allycole. "Mahal mo pa rin ba sya ngayong nakita mo ng nagkakaganun sya dahil kay Leaf?"
"Diba bar mo 'to?" Tumango na lang ako, "May alak ba dyan na pang pa manhid ng nararamdaman ko ngayon?"
"Wala kaming ganun dito. Ginagawa namin ang mga alak namin para sa mga taong gustong magsaya at makalimot kahit papaano ng mga problema, at hindi pang pamanhid sa nararamdaman mo ngayon."
"Wala ka pa rin pinagbago. Ang KJ mo!" Maglalakad na sana sya pero hinawakan ko yung kamay nya dahilan para mapatigil sya at mapatingin sa akin.
"Pang pamanhid ba gusto mo?" Bigla ko syang hinigit at hinalikan. Nakapikit ako kaya di ko nakikita ang reaction nya ngayon, kahit kaylan hindi pa rin pala nagbabago yung nararamdaman ko sa kanya. "Ngayon manhid ka na? Hindi mo na kasi nararamdaman o nakikita na hanggang ngayon... mahal pa rin kita." Nakatingin lang kami mata sa mata.
Charles POV -
"Anong ibig sabihin nun? Bakit kayo magkasama ni Leaf?"
"Bakit pati yun kaylangan mo pang alamin?" Habang nagdadrive ako, ihahatid ko na sya sa bahay nya.
BINABASA MO ANG
I'm His Babymaker (WBM Book2)
JugendliteraturWanted Babymaker Book 1 #2 Highest Rank in Teen Fiction. This is the continuation of the tragical love story of Leafy Sabrina Greigo and Pierce Viel Clotton.