Pierce POV -
Maaga pa lang ay ready na kami para sa flight.
"Okay na lahat?" Tumingin muna sya sa mga dala dala namin.
"Mukha namang okay na lahat."
"So let's go." Nilagay na namin yung mga gamit sa sasakyan at nagsimula ng magdrive si Soney.
"Hoy pasalubong namin huh?" - Soney.
"Hindi pa nga kami nakaka alis pasalubong mo agad."
"Excited lang kayo namang dalawa oh." - Soney.
"Buti na lang at buntis si Leaf, hoy! Huwag nyo munang susundan." - Roice.
"Mga sira!" Ang papasaway. "Ikaw, hindi ka ba muna tutulog?"
"Hindi na." Pinakita nya sa akin yung phone nya, "Excited na akong makita sya."
May pinakita syang picture ng isang lalake. "Sino naman yan?"
"Hindi mo sya kilala? Sya si Song Joong-Ki isa sya sa mga sikat na actor sa korea. Eto pa, sya naman si Lee Jong-Suk oh diba ang gugwapo nila? Isa pa, sya naman si..."
"Tama na nga yan! Dami mong alam, dapat pala hindi na lang sa korea tayo pupunta." Isinuot ko yung headset sa tenga ko at tsaka nag suot ng sun glasses.
"Nagseselos lang yan hahaha." - Soney, isa pa nga po! Sasapukin ko na sya.
Pagkadating namin sa airport 5 mins at aalis na ang flight namin papunta sa Korea. Tamang tama lang pala, hindi na namin kaylangang maghintay.
"Huy Pierce saan ba tayo magsstay muna? Sa Seoul, Gwangju o sa Incheon?"
"Bakit ba ang dami mong alam sa korea?"
"Shempre ako pa ba? KPop Fan kaya ako. Hihihihi!" Halata naman. Pag ng nanonood kami. Hindi ko maintindihan yung mga sinasabe nung mga tao sa palabas, mga korean ang hirap intindihin ng mga salita nila samantalang si Leaf naman ay enjoy na enjoy.
Tinawag na yung flight namin kaya pumasok na kami, pag pasok nag ayos lang kami at tsaka nagready. Papatayin ko na sana yung phone ko ng may nareceived akong text message.
From Hayley,
I'm back! Where are you? I need to talk to you.
"Baket? Sino yan?" Agad kong binuro yung text.
"Wala si Soney lang."
"Okay! Tulog muna ako hah?" Isinuot ko sa kanya yung jacket habang nagsusuot sya ng medyas. Hindi kasi sya nakakatagal sa mga may aircon, lamigin sya at sakitin.
Sa ngayon ayoko munang mag-isip ng mga problema. Nag plano akong magbakasyon para naman makapag pahinga sa mga problema, bahala na kung ano na lang mangyayare sa pag-uwi namin. Sana maayos ko agad yung gulong 'to.
Cliff's POV -
"Where is Pierce!? I need to see him! I want to talk to him!" Kanina pa sya sumisigaw habang inihahagis yung mga makita nyang gamit.
"Relax nga muna Hayley." Pag pigil ni Roice.
"No, I don't! As long as hindi nyo sya pinapakita sa akin hindi ako matatahimik."
Kaya pumagitna na ako, "Pierce is not here. Totoo yan! At nasa bakasyon sya ngayon."
"Sinong kasama nya!? Sino!?"
"You know Hayley, wala ka ng karapatan pa para alamin pa ang mga bagay bagay tungkol kay Pierce ngayon. Wala na kayo! Wala na syang pakelam sayo, tama na. Masaya na sya! Hayaan mo na lang sya."
BINABASA MO ANG
I'm His Babymaker (WBM Book2)
Teen FictionWanted Babymaker Book 1 #2 Highest Rank in Teen Fiction. This is the continuation of the tragical love story of Leafy Sabrina Greigo and Pierce Viel Clotton.