Leaf's POV -
Pagka alis na pagka alis ni Pierce papunta sa opisina, umalis na rin ako ng bahay. Nagpaalam ako kay Pierce na pupunta lang ako kay Sarah pero...
"Bago ka dito?" Tanong sa akin nung isang babae.
"Oo. Ikaw ba?"
"Mga 1 month na rin." Nginitian nya lang ako tapos may tumawag sa kanya.
"Huy, tawag ka tapos na daw yung... Leaf? Ay! Leaf ikaw nga! Kamusta? Anong ginagawa mo dito?"
"Gusto ko rin kasing matutong magluto, ikaw din ba?"
"Oo eh alam mo naman. Kaylangan kong maging best chef para and best wife para kay Roice."
"Ako rin eh, gusto ko kasing ipagluto si Pierce kaya naglakas loob na akong pumasok dito." Miya miya lang ay nagsimula ng magsalita yung Teacher namin dito, tinuruan kami ng ilang technique's kung paano magluto at kung ano ano pa shempre lahat ng yun itinake down notes ko.
"Tara! Sabay ka na sa akin." Pag-aaya nya sa akin. Kaya sumakay na rin ako. Namimiss ko na tuloy yung sasakyan ko huhuhuhu. "Alam ba ni Pierce na mag-aaral kang magluto?"
"Hindi eh, wait niyaya nya kasi akong kumain ng lu.." Hinahanap ko yung phone ko sa bag pero wala.
"Baket?"
"Naiwan ko yung phone ko." Sinabe ko sa kanyang itigil yung sasakyan para makabalik ako dun sa pinag-aaralan namin.
"Are you sure na ayaw mong ihatid kita?"
"Hindi na, okay na ako. Sasakay na lang ako ng taxi. Sige salamat hah?" Dali dali akong lumabas ng sasakyan at naghintay ng taxi pero walang tumitigil na sasakyan, lahat may sakay yung iba naman naunahan na akong sumakay. "Ano ba? Baka tumatawag na si Pierce." Miya miya lang ay may tumigil na sasakyan sa harapan ko at dahan dahan nyang ibinaba yung salamin ng kotse.
"What are you doing there?"
"Oh, Charles!" Sumakay na ako sa sasakyan nya. "Pasensya ka na sa abala hah? Wala kasi akong masakyan eh."
"It's okay." Nginitian nya ako at itinuro ko lang sa kanya yung daan.
Pagkadating dun ay dali dali akong pumasok at hinanap agad yung phone ko. "Miss may nakita ba kayong phone dito?" Pero lahat ng pinagtatanungan ko wala daw silang makita. "Baka sa bahay kaya..." Pagharap ko nandun na si Charles pinakita nya sa akin yung phone.
May pinindot sya dun sa tabi ng phone ko kaya umilaw 'to, "I think it's yours." Pinakita nya sa akin yung picture namin ni Pierce dun sa phone. Kaya kinuha ko agad 'to.
"Paano napapunta sayo..."
"Oh kayo po pala Sir, bakit po?" Tanong nung Teacher namin kanina. "Kayo rin po pala Mrs. Clotton. Sir sya po yung isa sa mga bago nating estudyante."
"Ikaw ang.." Nagsign sya dun sa Teacher kaya umalis ito.
"Ako ang may ari nito but actually it's my wife's bussiness."
Biglang nagtext si Pierce, "Hindi na pala kami tuloy sa lunch. Gusto mo sabay tayong mag lunch?" Nag sign naman sya ng oo.
"Just wait for a minute magluluto lang ako." Tinanggal nya yung tie nya itiniklop yung polo nya at tsaka nag suot ng apron. "I'm sorry hindi kasi ako sanay ng naka polo eh."
"Ih ayos lang yun pwede ka namang maghubad eh walang kas..." Nanlaki bigla yung mga mata ko nung dahan dahan nyang inalis yung butones ng polo nya. Owshet! Ano bang mga nasabe ko? Letcheng buhay 'to oh! Woaaahhh!! Ang bato, ang daming bato. Huhuhuhu!
BINABASA MO ANG
I'm His Babymaker (WBM Book2)
Teen FictionWanted Babymaker Book 1 #2 Highest Rank in Teen Fiction. This is the continuation of the tragical love story of Leafy Sabrina Greigo and Pierce Viel Clotton.