Pierce POV -
Halos humagulgol na ako sa pag-iyak sa mga nalalaman ko ngayon, "Kun--kung ganun baket hindi ka man lang gumawa ng paraan? O sabihin sa kanyang sya si Ate Ayumi!?"
"Hindi ko naman ugaling manira ng relasyon, kapag ba sinabe ko sa kanyang sya ang asawa ko sa tingin mo ba may mababago dun? Wala! Hindi ko na mababago na ikaw na ang asawa nya at nabura na ako sa alaala nya."
Ilang minuto yata ang nakalipas at napahinahon nya na ako kaya nakakapag-usap na kami ng maayos.
"Bakit ba nangyayare ang lahat ng bagay na 'to?" Naka upo na kaming dalawa sa bench sa labas ng hospital.
"Hindi ko rin alam. Sabihin na lang natin na sadyang napakamapaglaro ng tadhana sa buhay natin."
"Eh kung-- kung sya nga talaga si Ate Ayumi baket hindi ka man lang tumutol nung ififixed marriage kami ni Lola?"
"Yun nga eh. Lagi akong busy sa trabaho kaya hindi kami nagkaroon ng time ni Leaf na magkakita, unang beses na nakita ko yung mukha nya ay nung ikinasal kayo at nasa amerika ako. Nakita ko lang ang mukha nya sa screen, sa tingin mo ba may magagawa pa akong pigilan yun lalo na't wala namang kasiguraduhan na sya nga talaga ang asawa ko."
Nararamdaman kong napakahirap rin para kay Kuya ang mga nangyayare ngayon.
"Kaya ba nung nagkasama na kayo, inaalagaan mo talaga sya lalo na nung wala ako?"
"Nagkakataon lagi na kapag malungkot sya, nag-iisa at nagugutom ako ang nakakasama nya." Yung mga ngiti nya na ngayon ko lang ulit nakita. "Alam kong ginawa ko ang lahat para makalimutan ko si Ayumi, binuhos ko sa trabaho ang panahon ko para hindi ko sya maalala pero simula ng makita ko si Leaf nagbakasali akong sya nga ang asawa ko pero wala akong nagawa. Kasal na kayo, ikaw na ang asawa nya."
"Anong balak mong gawin ngayon?"
"Ituturing ko si Leaf na bilang asawa mo at hindi asawa ko, hindi ako gagawa ng paraan para magkahiwalay kayo pero once na saktan mo ulit sya gaya ng ginawa mo ngayon. Sorry kapatid man kita pero handa akong agawin sya sayo at itama kung ano ang dapat."
Yung mga tingin sa akin ni Kuya talagang desidido na sya sa mga sinabe nya. Ano bang dapat kong gawin?
Allycole's POV -
"What happend to Pierce? Sigurado ba kayong okay lang talaga sya sa lagay nyang yan?" Kanina pa kasi nasa sulok ng condo ni Soney si Pierce, nakatingin lang sa may bintana parang ang lalim ng iniisip, "Baka naman maisipan nyang tumalon dyan at magpakamatay huh?"
"Sus! Hindi noh! Ikaw talaga Ally mga nasa isip mo, alam mo yang si Pierce malalim yang tao pero may utak naman yan. Mas nangingibabaw pa rin yung asawa't anak nya kaysa sa problema nila ngayon." - Soney.
"Eh ano ba kasing problema nya?"
"Hindi ko ba alam, basta kagabe lang nasa hospital si Leaf at nandun din yung Kuya Charles nya tapos lumabas sila nag-usap yata tungkol kay Leaf at pagbalik ni Pierce ganyan na yan, hindi nga namin sya maka-usap ng maayos." - Soney.
"Si---si Charles?" Hindi 'to pupwede.
Agad akong tumayo at nanakbo palabas. Pakadating ko sa parking lot bubuksan ko na sana yung pintuan ng hinawakan naman ni Cliff yung kamay ko, "Where are you going? Kay Sarah ba?"
"Cliff pwede bang..." Pero hindi nya pa rin binibitawan ang pagkakahawak sa kamay ko at mas lalo pa itong hinigpitan. "Bitiwan mo ako."
"Alam ko na ang lahat and I think Sarah knows too. Akala ko ba mahal mo si Pierce? Bakit hindi mo na lang sya damayan kaysa sa makigulo pa sa issue na 'to!"
BINABASA MO ANG
I'm His Babymaker (WBM Book2)
Teen FictionWanted Babymaker Book 1 #2 Highest Rank in Teen Fiction. This is the continuation of the tragical love story of Leafy Sabrina Greigo and Pierce Viel Clotton.