Leaf's POV -
"Mommy, saan kayo pupunta?" Napatingin ako kay Charles, sa totoo lang hindi kasi ako sanay na tinatawag ako ni Ayumi ng 'mommy' lalo na sa harap ni Charles.
"Pupuntahan ko kasi ang da... pupuntahan ko kasi si Pierce. Birthday nya kasi ngayon, hindi ba kayo pupunta dun sa party sa opisina? Nagmigay kasi ako ng invitation sa buong kompanya hindi mo ba natanggap?"
"Natanggap ko pero..."
"Daddy, punta tayo please!" Nagmamakaawa na si Yumi.
"But Yumi.."
"Please Daddy!" Hindi na nakapalag pa si Charles kaya pumayag na rin sya sa gusto ni Yumi.
Ilang minutong oras sa biyahe ay natatanaw na namin yung sasakyan ni Pierce kaya itinigil na ni Charles ang pagdadrive at bumaba muna kami.
"Pierce?" Dahan dahan syang lumabas ng sasakyan nya. "Okay ka lang?" Para kasing hindi maganda ang mood nya ngayon. Mukha syang may sakit.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Nagtext ka sa akin diba? Kaya pinuntahan kita dito, ano? Okay ka nga lang?" Hinawakan ko sya sa kamay.
"Let's go!" Hinigit nya ako papasok ng sasakyan nya. Ano yun? Hindi nya man lang ba nakita si Charles? Hindi na tuloy ako nakapagpaalam kay Charles. Nagsimula na syang mag drive pero parang wala talaga sya sa sarili nya, parang galit sya na hindi ko alam.
"Okay ka lang ba tala.." Hahawakan ko sana sya sa mukha nya kaso bigla nyang hinawakan yung kamay ko ng mahigpit.
"I'm okay as long as you are okay." Pagod lang siguro sya sa trabaho ngayon kaya parang wala sya sa mood.
Ako lang siguro itong praning para isiping may kaka-iba sa kanya ngayon.
"Pierce daan muna tayo sa opisina, may ibibigay daw kasi sa akin si Lola." Kaya dumaretso na kami sa opisina. Tinext ko na sila Roice para mag ready.
"Nasan daw si Lo.."
"HAPPY BIRTHDAY!!!" Yan agad yung sumalubong sa amin pag bukas ng elevator, ang iingay nila, nagsisigawan, yung mga torotot.
"Suprise, happy birthday honey!" First time ko yata syang tinawag ng 'honey'
"Let's start the party!!!" Nagsimula na silang magpatugtog ng malakas na halos kulang na lang ay mabasag na yung mga bintana. Ibang klase rin 'to sila Roice eh napaghahalataang mahilig gumimik.
Hinigit nila Roice si Pierce nag sign na lang ako na okay lang. This is his day, kaya enjoy lang honey.
Hinigit naman ako ni Celine dun sa medyo hindi maingay na lugar, "Ano? Itutuloy mo pa rin ba yung big surprise mo kay Pierce?"
"Hindi na muna!"
"Ha!? Bakit naman?"
"I think this is not the right time at isa pa, let's him enjoy first. Pero huwag kang mag-alala bukas na bukas rin sasabihin ko din sa kanya!" Sa totoo lang hindi pa rin kasi ako mapalagay. Para kasi talagang may kakaiba ngayon kay Pierce. Ayoko namang magtanong kasi baka mawala lang sya sa mood.
Party dito, party dun. Halos lahat naman ay nag eenjoy.
"Nag enjoy ka ba pare!? Si Leaf ang may pakana ng mga yan!" - Roice.
Nagkatinginan lang kami ni Pierce. "Sabe ko nga kay Leaf sagot ko na ang mga girls kaso ayaw nya. Ngayon ko lang nalaman, selosa ka rin pa. Hahahahaha!!" - Soney, loko 'to ah! Binubuking ako.
"Hay nako! Basta, bawal muna ang mga girls sa party na 'to okay? No other girls are allowed. Buti na nga lang at hindi nyo niyaya dito yung Hayley na yun dahil i'm sure, may gagawin na namang hindi maganda ang babaeng yun." - Celine.
BINABASA MO ANG
I'm His Babymaker (WBM Book2)
Teen FictionWanted Babymaker Book 1 #2 Highest Rank in Teen Fiction. This is the continuation of the tragical love story of Leafy Sabrina Greigo and Pierce Viel Clotton.