Chapter 2 For Leaf's sake

11.3K 206 13
                                    

Pierce POV -

Pagkatapos akong gisahin nung tatlo ay tumawag ako sa bahay pero walang shmasagot. Hindi pa ba sya umuuwi?!

Magkakaanak na kami pero nag-aasal bata pa rin sya ngayon.

Calling My Wife...

Sya ang nagpangalan nyan hindi ako. ರ_ರ

Ang tagal pa bago sagutin, "Nasan ka? Hindi ka pa rin umuuwi?"

"Bakit naman ako uuwi?" Aish, pasaway!

"Dapat lang! Ipapaalala ko lang sa'yo na may asawa 'kang dapat uwian."

"Eh paano 'yan kung ayoko?"

(ノ`Д´)ノ彡┻━┻ kalma! Kalma! Buntis 'yan, buntis.

"Nasaan ka? Susunduin na lang kita---"

"Kaya kong umuwi mag-isa. Isa pa, nasa opisina ka pa hindi ba? Bawal gumamit ng cellphone sa oras ng trabaho."

"Inuutusan mo 'ko, sa sarili kong kompanya?"

"Humong gamitin ang posisyon mo para sundin na lang ang gusto mo, maging fair ka! Tao rin sila." Here we go again and again. "Maghanap ka na lang ng asawang marunong sa gawaing bahay. Bye!" Binabaan ako bigla.

"May nadedeveloped ng bata sa kanya pero hindi pa rin fully develope yung maturity nya."

Bigla naman tumunog yung phone ko. (Notification from Instagram)

Get well soon Athan :**

I track down her location at nasa hospital sya. Oo nga pala, naka confine pa si Athan.

"Ayaw mo 'pang sabihin, tsk!"

Tapos na ang trabaho ko kaya dumiretso ako sa parking lot ng may bigla namang humawak sa kamay ko, "we need to talk." Napasandal na lang ako sa kotse at ganun din sya.

"Anong pag-uusapan natin hm?"

"I told her on why you broke up with her," nabigla naman ako sa sinabi nya kahit pa inaasahan ko ng mangyayari 'to. "I'm sorry hindi ko lang talaga matiis na hindi magsalita lalo na't nakikita kong miserable si Hayley pero huwag 'kang mag-aalala I didn't tell her all the details, ang alam lang nya ay may involved na babae pero hindi yung kinasal ka na at wala na syang alam na si Leaf."

"Okay lang, dapat pa nga akong magpasalamat sa'yo para magkaroon ng lakas ng loob na sabihin sa kanya. Alam ko rin naman na darating yung araw na 'yun, na kailangan kong magtapat sa kanya."

"Kapag nalaman na ni Hayley ang lahat, paano na kayo ni Leaf?"

"I will protect her and our baby at all the cost. Whatever happend, she's still my wife and it will never change."

"Nasasabi mo na ang mga 'yan ngayon, mahal mo na ba sya?"

Napa-isip na naman ako sa tanong nya, "oo at kontento na ako sa kung anong mayroon ako ngayon."

"Pero--- paano si Hayley? Mukhang desidido na talaga syang maibalik ka."

"I have to stay with Leaf and let go Hayley because that's the right thing for me to do. Sa ngayon, hayaan na lang muna natin si Hayley alam kong mahihirapan sya but eventually matatanggap din nya. Ito lang yung tamang paraan para maitama ko yung pagkakamali sa kanilang dalawa."

Paalis na ako ng hawakan nya yung braso ko, "if you really want to correct your mistakes, let them go, both of them. Hiwalayan mo rin si Leaf ng sa ganun wala masyadong masaktan."

I'm His Babymaker (WBM Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon