Pierce POV -
Para na akong tanga dito, paikot ikot sa buong kwarto. Hindi mapalagay, pinagpapawisan, nanginginig pa.
"What happened to you Pierce!? Nababaliw ka na ba? Alas tres na ng madaling araw! Maawa ka naman sa sarili mo, matulog ka na."
Biglang tumunog ang phone ni Leaf kaya naman mas lalo akong hindi mapalagay baka kasi makita nya ako. Kaya dumapa ako sa tabi ng kama, ramdam ko kasing gumagalaw galaw sya hanggang sa maramdaman kong tahimik na ang paligid kaya dahan dahan akong sumilip at tulog na nga talaga sya habang tumutunog pa rin yung phone nya. Dali dali ko itong kinuha at tumakbo papasok ng banyo.
"Woo! Muntik na ako dun ah."
Binuksan ko yung notification na dumating kay Leaf at naging dahilan yun para mas lalo akong hindi mapalagay. Isinend sa kanya yung mga post sa photo shoot, naka swim suit lang sya, yung iba naka short na maikli at kitang kita yung tyan nya sa suot nyang damit.
"Susmaryosep!" Inilayo ko yung phone nya. "Ano bang gagawin ko para naman matahimik na ako."
Leaf's POV -
Pag kagising na pag kagising ko wala si Pierce sa tabi ko, siguro maaga syang nagising at nagluto na o umorder na sa labas ng makakain.
Pumunta ako sa banyo dahil nakaramdam ako ng pag wiwi. Nakapwesto na ako ng maaninag ng mga mata ko si Pierce na ngayo'y mapungay pungay pa ang mga mata habang nakatingin sa akin.
"Waaaaaaahhhhhhhhhh!!!!!!" Kahit hindi pa ako tapos ay naitaas ko na agad ang short ko. "Kyaaaaahhhhh!!!" Dali dali akong lumabas ng banyo pero hindi sya lumalabas. "Jusko! Ano yon!? Anong ginagawa nya dun sa banyo? At bakit ganun ang itsura nya!?" Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko at ng mahimasmasan ay sumilip ako sa banyo, naabutan ko syang nakasandal ang ulo habang nakapikit ang mga mata. "Pierce?" Dahan dahan akong pumasok. "Pi---pierce?" Hindi sya umiimik, bagkos biglang tumagilid ang ulo nya dahilan para mapahiga sya sa sahig. "Pierce!!? Huy! Pierce gising!" Inaalog alog ko na sya pero ayaw pa ring magising ng mapansin kong may mga natapon na gamot dahilan para manginig ako sa takot at mapaluha, "Pierce? Pierce!!? Gising! Pierce! Pierce! Pierce!" Niyakap ko na sya ng mahigpit at humagulgol sa pag-iyak. "Pierce!!? Anong dahilan para iwan mo kami ng ganito hah!? May anak ka pa, pero bakit winakasan mo agad ang buhay mo Pier.... aray!!" Biglang may pumitik sa noo ko. "Pierce?" At umayos na sya sa pagkakahiga, umupo sya at tiningnan lang ako. "Pierce bu--buhay ka?"
"Leaf naman eh! Ngayon na nga lang makakatulog yung tao, ang ingay ingay mo pa."
"Eh akala ko kasi..."
"Akala mo patay na ako? Nagpakamatay ako?"
"O--oo. Ayaw mo kasing gumising tapos may mga gamot..." Napatingin sya dun sa mga gamot na natapon at kinuha ito.
"Sleeping Pills. Sleeping pills lang 'to, huwag kang OA." Dahan dahan syang tumayo at inalalayan ko sya hanggang sa makarating kami sa higaan at inihiga ko sya dun.
Ang laki ng eyebags nya at halatang puyat na puyat sya. "Ano bang ginagawa mo sa sarili mo hah!? Anong ginagawa mo dun!? Bakit dun ka natutulog sa banyo!?" Hindi sya nagsasalita. "Hindi mo ba alam na halos hindi ko na alam ang gagawin ko ng makita kitang walang malay dun sa banyo, hindi mo ba alam na humagulgol na ako sa pag-iyak dahil sa ginawa mo! Hindi mo man lang ba naisip na baka..." Bigla nya akong hinigit dahilan para mapahiga ako sa higaan at niyakap nya ako ng mahigpit.
"Ang ingay ko, hindi ako makatulog."
"Pi---pierce naman eh..." Mas lalo nya akong niyakap ng mahigpit.
"Diba sabe ko sayo hinding hindi naman kita iiwan." Namalayan ko na lang na nakayakap na rin pala ako sa kanya, "Patulugin mo muna ako." Sabay halik nya sa akin sa noo. Kaya pinabayaan ko na muna syang matulog.
BINABASA MO ANG
I'm His Babymaker (WBM Book2)
Teen FictionWanted Babymaker Book 1 #2 Highest Rank in Teen Fiction. This is the continuation of the tragical love story of Leafy Sabrina Greigo and Pierce Viel Clotton.