Pierce POV -
Nandito kami ngayon sa school ni Kalil, kasama ko sila Allycole at Hayley. Eto kasi ang plano ni Soney eh ang libangin muna namin si Hayley para hindi ito makahalata na may planong magpropose ang mokong.
"Nagpaalam ka naman ba kay Leaf na dito ka pupunta?" Pasimple nyang sabe habang may kausap hindi kalayuan si Hayley.
"Oo, ewan ko lang kung maiintindihan nya. Alam mo naman yun matindi din ang pagkabaliw."
"Then, GOODLUCK!"
"What's the goodluck for?"
"Ahmm, payo ko lang sayo Pierce. Bago ka pumasok ng pintuan ng bahay nyo siguraduhin mong protektado ka. Okay?" Tsk!
"Daddy!? Daddy!!? Daddy!!!?" Napalingon na lang ako at nakita kong tumatakbo si Kalil papunta sa akin, sabay akong niyakap ng mahihpit. "I miss you Daddy!"
"Kalil? Don't call him Daddy, nakakahiya." Nag sad face naman yung bata.
"No! It's okay. Ahmm, how's the lesson young handsome?"
Hindi sya nakasagot ng biglang kumunot ang noo nito at umaktong masakit ang tyan, "Sor---sorry Mommy and Tita but I need to go to the restroom right now. Excuse us!" At higit higit nya ako papunta sa banyo pag pasok namin ay hinintay muna nyang lumabas ang lahat ng tao sabay sinaraduhan ang pintuan.
"Pee now!"
"Hindi naman po yun Daddy eh!"
"Surprise!!" Bigla namang sumulpot sa kung saan si Linnea. Tuwang tuwa pa ito.
"Oh, baby? What are you doing here?" Lumapit naman sya sa tabi ni Kalil at tinusok tusok ito sa braso na para bang may gusto silang sabihin sa akin. "What's the problem? Tell me." Pero hindi sila nagsasalita, "I won't tell to your mommies." At lumapit na nga sila sa akin sabay bumulong. "What!!?"
Leaf's POV -
Kanina pa ako tumatawag kay Pierce pero hindi nya sinasagot.
"Utang na loob Pierce kapag hindi mo pa sinagot ang tawag ko, malilintikan ka talaga sa akin!" Hindi pa rin nya sinasagot. "Aish! Kung alam ko lang talaga na mangyayare 'to edi sana pinutulan ko na ng kaligayahan si Pierce pagka anak ko dun sa kambal eh! Nako nako Pierce! Mahuli lang talaga kitang kumakabet sa Hayley na 'yan, nako! Sinisigurado ko sayong magsasama kayong dalawa sa mental!"
Para na akong nakikipag car racing sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ko sa sasakyan.
Celine's calling....
"Hello? Oh baket!?"
"Oh! Easy hahaha. Parang galit na galit ka ah! Anong problema?" Si Roice pala yung tumatawag.
"Nasan yung magaling mong kaybigan hah!?"
"Hah? Sino? Si Pierce?"
"Oo sino pa ba!? Nako nako! Roice sabihin mo sa akim yung totoo kung nasan sya, kung hindi pagsasama samahin ko kayong tatlo! Kasabwat pa kayo sa panloloko nya sa akin eh."
"What!? Hohohoho---- chill Leaf! Relax! Okay, magsasabe na ako ng totoo pero pwede ba munang maghinay hinay ka sa pagdadrive baka kung mapaano ka pa eh."
"NASAN SABE SI PIERCE!!?"
"Aww---" Napalayo pa sya sa telepono tapos parang nag-uusap yung dalawa ni Celine hindi ko maintindihan kung ano. "Okay, si Pierce ay nasa school ni Kalil kasama si Hayley. Inaayos nila yung kasal---- nila---"
"Ano!!?" *BOOOGGGGSSSHHHH!!!* At ayun na nga, nabangga ako at sa sasakyan pa ng police. Aish! Malas naman oh!
Kumakatok sa salamin yung isang police, "Miss okay lang po ba kayo!?" Tumango naman ako. "Ahh pwede po bang lumabas kayo ng sasakyan para po malaman namin kung okay lang kayo." Lumabas naman ako kahit na medyo nahihiya pa ako. "Okay lang po ba talaga kayo?"
BINABASA MO ANG
I'm His Babymaker (WBM Book2)
Teen FictionWanted Babymaker Book 1 #2 Highest Rank in Teen Fiction. This is the continuation of the tragical love story of Leafy Sabrina Greigo and Pierce Viel Clotton.