Chapter 4 Poor Charles

7.7K 161 13
                                    

Pierce POV -

"Mali Pierce, mali! Itagilid mo pa ng konti sa kanan tapos ibalance mo ng konti sa kaliwa. Mali, mali nga! Konti nga lang yung sinabi ko!"

Nakakainis na 'to ah! Kanina pa ako nakaka ilang ayos dito pero hindi ko pa rin mahanap yung gusto nya. Kanina pa sya sumisigaw, ang sakit na sa tenga. Kung hindi nga lang sya buntis baka nahila ko na sya palabas ng bahay o i-lock muna sa kwarto.

"Ayoko na! Ikaw kaya dito!" Sabi ko habang naliligo na sa sariling pawis.

"Ayan! Perfect na!" Gusto nya pala ng nakatagilid sa kaliwa yung painting eh bakit sa kanan nya pinapa ayos? Bwisit! "Gusto mo ako ang mag-ayos? Oh sige, ako dyan at ikaw ang magbuntis." Pasaway! "Kanina ko pa sinasabi sa'yo na ako na pero ayaw mo dahil nga buntis ako tapos ngayong nahihirapan ka sa akin mo ibubuntong yung galit mo!"

Bumaba na ako sa hagdan at umupo, "Oo na ako na yung mali, hindi ko makuha yung sinasabi mo. Kasalanan ko na, ang dami mo pang sinabi." Inabutan naman nya ako ng tubig.

"Pierce naisip ko lang. Ang lawak ng bahay na 'to, ang ganda at mukhang matibay ang pagkakagawa. Magkano mo nabili 'to? Mga ilan milyon?"

"Hindi mo na kailangan pang malaman ang lahat. Matuwa ka na lang dahil nakamit mo na yung dream house mo, ito yung nasa wishlist mo di 'ba?"

"Masaya naman ako, sobra sobra! Ang pinagtataka ko pa ay bakit naman nya pinagbenta pa 'to? Eh ang ganda ganda."

"Hindi ko rin alam basta ang tanging alam ko, namatay yung asawa nung may ari ng bahay na 'to kaya sya umalis at pinagbenta na lang 'tong bahay."

Panay naman ang pag ikot nya sa bahay.

"Sa bagay, mahirap mamuhay sa bahay na puno ng alaala ng yumao mong asawa. Nakakalungkot naman." Dinamdam naman nya masyado yung sunod na napatigil sya sa pag iikot at lumingon sa akin, "hala! Narinig mo ba 'yun?"

Automatic na nagtaasan yung balahibo ko.

"Ang alin?" (ꏿ﹏ꏿ;)

"Ginugutom na si baby bear!" Pag harap nya sa akin at nakahawak lang sya sa tyan nya.

(ノಠ益ಠ)ノ

"Who the hell is babybear!?" Padabog syang lumapit sa akin sunod na kinurot ako sa braso.

"Bibig mo baka marinig ka ng anak natin! Si babybear, anak mo. Hindi mo kilala?" Naglakad naman sya papunta sa kusina kaya sumunod ako, "hindi pa nga pala tayo nakakapamili."

"Bakit babybear? Yun ba ang ipapangalan mo sa anak natin?"

Inilabas nya yung ubas sa ref, "Hindi. Wala pa akong maisip na ipapangalan sa kanya, isa pa hindi pa natin alam kung babae ba 'to o lalaki kaya sa ngayon babybear na lang muna. Gusto mo?"

"Hindi pa kayo mabubusog ni baby dyan. Papa deliver na lang ako," hindi pa kami makakapag luto dahil wala 'pang stocks at pagod na rin kami sa paglilinis ng bahay.

Iniwan ko muna sya sa kusina na nagkakain habang ako naman ay kinuha yung phone ko para mag deliver ng maalala ko yung tinawag ni Leaf sa baby namin, babybear.

"Ano kayang magandang pangalan? O kahit nickname pa lang sana."

Charles POV -

Simula pa kahapon hanggang sa ngayon ay hindi pa rin mapalagay ang isip ko. Napakaraming tanong ang gusto kong masagot, naguguluhan din ako sa mga nangyayari yet I felt so happy.

"May paki suyo sana ako sa'yo na kung pwede ikaw na ang mag abot nitong script kay Leaf. Malapit na syang sumabak sa tapping."

"Okay," isinilid ko na agad 'to sa bag ko. "Lawrence?"

I'm His Babymaker (WBM Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon