Chapter 51 I found you

3.2K 108 14
                                    

Pierce POV -

Nag-aalangan akong tawagin ang pangalan nya dahil may kutob akong hindi maganda, oo excited na akong makita sya at mayakap pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag isip ng mga negatibo.


"Baket?"

"Kinakabahan ako." Napakamot naman sya sa ulo.


"Ngayon ka pa ba kakabahan eh nandyan na 'yung matagal mong hinahanap, nandyan na si Leaf oh! Ano." Pag pigil sa akin ni Roice na bumalik sa sasakyan, lumingon ulit ako dun sa babae sabay huminga ng malalim.


Kaylangan kong gawin 'to, kaylangan kong tatagan ang loob ko. Nandito na si Leaf, kahit na ano pang masasamang bagay ang sabihin nya sa akin, tatanggapin ko basta bumalik lang sya sa akin.

"Leaf?" Nung hinawakan ko sya sa may braso nya ay lumingon ito.


Una tumingin muna sya sa akin ng matagal, sabay sambit ng, "Sino ka?"


Inawat naman ako ni Roice na parang may pag aalangan, "Mali yata tayo pare." Kaya pala hindi ako mapalagay kanina pa kasi alam kong may mali at tama nga ako, hindi sya si Leaf. "Pasensya ka na miss nagkamali lang siguro kami."


"Okay lang, sino 'bang hanap nyo?" Pagtatanong nya.


Hindi pa rin ako makapag salita dahil sa sobrang bigla, "Ahh miss ano kase-- ahh nawawala kasi yung asawa ng kaybigan ko at may nakapag sabe na nandito daw sya."


"Ahh--- tama! Meron nga pong isang babae ang napadpad dito." Bigla akong nabuhayan ng loob dahil sa sinabe nyang 'yon.


"Nasan sya? Nasan!?" Excited kong sabe.

Dinala nya kami dun sa matandang babae na nakatira malapit dun sa dagat dahil 'yun daw ang naka kita kay Leaf sa tabing dagat, "Magandang hapon po. Itatanong ko lang po sana kung may natagpuan po ba ditong babae dyan sa dagat?" - Roice.


"Ay oo utoy! Meron babaeng palutang lutang dyan siguro ay magdadalawang linggo na rin simula nung makita sya sa tabi ng dagat."


At mas lalo akong nabuhayan sa sinabe nyang 'yun, para tuloy excited na excited akong makita ang tinutukoy nya. Sana lang talaga at this time, hindi na ako magkamali. "Ano po 'bang itsura nya?"


"Ahmm, maganda sya! Maputi, may kaliitan ang katawan, medyo may pagkakulot ang buhok nya. Baket? Kilala nyo ba sya?"


"E--eto po ba yung babaeng sinasabe nyo?" Pinakita ko yung picture namin ni Leaf nung kasal.

"Ay oo parang eto nga! Hindi ako sigurado, pero parang ganyan yung itsura nya. Hindi ko kasi mawari eh dahil ang dami nyang sugat sa mukha pati na rin sa buong katawan. Kapag tinatanong naman namin kung saan sya nakatira at kung anong pangalan nya, ay hindi ito sumasagot para 'bang malalim ang kanyang iniisip."


Nagkatinginan tuloy kami ni Roice at nakaramdam na naman ako ng pagka kaba.


"Nasan po kaya sya? Pwede po ba namin syang makita?" May iba sa reaksyon ng mata nung sinabe namin na gusto namin itong makita. "Ba--bakit po? May problema po ba?"



"Sumunod na lang kayo sa akin at dadalhin ko kayo sa kanya." Sinamahan lang kami nung matanda sa lugar kung nasan daw yung babaeng natagpuan nila sa tabing dagat, pag dating namin dun ay ang daming tao maging sa labas ng kubo. Nagtitipon tipon sila dun sa may isang kwarto dito sa kubo.

"Sya yun diba?"


"Oo nga sya nga."

"Nakakaawa." Yan ang mga naririnig namin sa mga taong nasa paligid habang naglalakad kami papalapit dun sa kwarto.


I'm His Babymaker (WBM Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon