Chapter 17 Ex-lovers

5.7K 134 5
                                    

Pierce POV -

After 3 days makaka uwi na rin kami sa Pilipinas. Hindi ko man naibigay yung gusto nya pero masaya na rin daw sya kasi naranasan daw nyang manirahan sa korea kahit daw sa maikling panahon lamang.

Nagpaka trying hard ako para maging masaya ang Korean Trip nya. I'll try na gawan ng paraan para makita nya yung mga idol nya from Korea pero sadyang malupit sa amin ang tadhana, ni isa wala syang nameet. Halos lahat kasi ng mga idol nya, busy dahil na rin sa sobrang kasikatan.

"Okay lang kahit hindi ko sila nakita. Mapuntahan ko lang mga lugar na pinagshooting-an nila, masaya masayang na ako at isa pa bakasyon ang ipinunta natin dun at hindi sila." Yan lagi ang sinasabe nya sa akin nung nasa biyahe na kami pauwi.

Ilang minuto na lang makakarating na kami sa Pilipinas, sana lang talaga mawalan na ng problema. *Cross finger*

"Welcome back Ija!" Pagsalubong sa amin nila Lola, Mama at nung tatlo nila Cliff, Soney at Roice. "Kamusta?"

"Okay lang naman po Lola."

"Ah Lola, excuse pero pwede po bang bukas na lang po natin pag-usapan yan. Napagod po kasi si Leaf sa biyahe."

Alam ko kasing kanina pa masama ang pakiramdam nya, sabe nya nakakaramdam lang daw sya ng pagkahilo dala na rin siguro ng pagbubuntis nya. Nahihiya lang syang mag excuse kila Lola kaya ako na ang gumawa ng paraan.

"Totoo ba yun Apo?" Tumango na lang si Leaf. "Oh sya Leo ipagdrive mo na muna sila pauwi."

"Pasensya na po kayo Lola."

"Okay lang yun apo. Ano ka ba? Para yun sa ikabubuti mo at ni baby." Inaapa apa pa ni Lola yung tyan ni Leaf. "Dali na, isakay nyo na ang apo ko." Isinakay na namin si Leaf at inihiga.

"Eh paano po kayo?" Pagtatanong ko.

"Kaylangan naming bumiyahe papuntang Amerika, may sakit si Yumi. They need us especially your kuya Charles." Oo nga pala alam ko masama ang kalagayan ngayon ni Yumi.

"Sorry po kung hindi kami makakasama."

"It's okay apo. I'm sure maiintindihan ka naman nila, umuwi na kayo para makapagpahinga na kayong dalawa. See you soon!"

Kaya siguro tumatawag sa akin si Kuya nung isang araw dahil dito.

Sumakay na ako sa sasakyan habang inaalalayan ko si Leaf habang natutulog.

Pagkarating namin sa bahay ay agad kong tinawagan yung Doctor namin para maagapan agad si Leaf.

"Nagbakasyon nga kayo pero nagkasakit naman si Leaf." - Soney.

"Naibahan lang siguro sya sa panahon pati ang pagkakaalam ko sensitive ang mga buntis." - Roice, sumang-ayon na lang si Soney. "Nga pala kamusta naman ang bakasyon nyo? Okay ba?"

"Okay naman. We enjoyed!" Sabay inom ko ng kape, "Kahit na hindi ganun kaganda ang panahon."

"Eh yung sinabe ko sayo, ginawa nyo ba?" - Soney habang pa wink wink pa ang mga mata. "Aray ko! Baket na naman?" Pinalo ko kasi sya nung pang linis ng mga dumi.

"Alam mo bang sa ginawa mong yon halos hindi ako makatulog! Pinagpapawisan, hindi mapakale tapos... aish! Basta! Huwag mo ng uulitin yun." Naaalala ko tuloy ang mga kalokohang ginawa ko. Siguro kung may nakakita, nakakahiya lang.

"Eh bakit ka naman nagkakaganun!? Aish!" Soney na pahawak hawak pa sa braso kung saan ko sya pinalo.

"Baka naman nag-iinit ka na talaga ng mga oras na yun, pinipigilan mo lang kasi baka magalit si Commander!" Pagbibiro ni Roice.

I'm His Babymaker (WBM Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon