Chapter 63 Muse and Escort

3.7K 101 14
                                    

Leaf's POV -

Pagka alis ko sa hospital hanggang sa makarating ako ng bagay, hindi pa rin tumitigil yung mabilis ng pag tibok ng puso ko.

"Woo! Ano yon?" Sabe ko habang nakahawak sa dibdib. "Bakit ang bilis ng tibok ng puso mo? Huwag mo sabihing na in-love ka na naman sa lalaking yun? Tsk! Sira ulo ka ba Ayumi? Bakit mo mamahalin ang isang taong matagal ka ng pinatay sa isip nya."

"Ayumi?"

"O---ohhh! Charles!? Kanina ka pa dyan?" Sana hindi nya narinig yung mga sinabe ko. Sana! Sana!

"Ahmm hindi naman kadarating ko lang din, nagpalit lang ako ng damit. Baket? May nangyare ba?"

Buti naman. "Ahh wala naman!" Pumulupot ako sa braso nya tapos ngumiti. "Anong gusto mong kainin hah? Ipagluluto kita!"

"Hindi ka pa magaling magluto ah."

"Ih, kaya ko yan! Nandyan ka naman para tulungan ako eh diba?"

Tumigil naman sya kaya napatigil din ako, "Okay ka lang?"

"Hah? Ako? Okay lang? Ahh oo naman! Baket?"

"Kanina lang halos hindi ka mapakale dahil sa nangyare kay Pierce tapos ngayon ang saya saya mo--- nakadalaw ka na ba sa kanya?"

"Ah--eh-- napadaan lang ako. Sorry!"

"Okay lang!" Sabay ngumiti sya. "Tara na, ano bang gusto mong lutuin? Tuturuan kita." Bakit parang okay lang sa kanya na pinuntahan ko si Pierce ng walang paalam? Bakit ganun? Hindi ba sya nasasaktan o nagalit man lang sa akin?

Pierce POV -

Pumasok sya sa loob ng salubong yung kilay nya, "Hindi naman ako hinahanap nung Doctor ah!" Napapa isip nyang sabe. Kahit kaylan itong si Ally paniwalain din kahit matalino.

"Ahh hindi ba? Nagkamali lang siguro ako ng dinig kanina." Sabay lipat ko dun sa page ng magazine na binabasa ko. Lumapit naman sya at ibinaliktad yung magazine.

"Baliktad na ba ang paningin mo ngayon kaya pa baliktad ka na rin kung magbasa?" Umupo sya sa tabi ko. "Aminin mo! May kasalanan ka noh?" Nanlilisik naman yung mga paningin nya.

"Hala! Wala noh! Makakagawa pa ba ako ng kasalanan eh nandito ako sa hospital! Tingnan mo nga oh, hindi ako makagalaw ng maayos dahil sa sugat ko. Kasalanang sinasabe mo dyan!"

"Sus! Eh bakit kanina yung ngiti mo abot hanggang langit eh nandito ka na nga sa hospital, at ang saya saya mo pa? Aminin mo nga! Anong dahilan ng mga ngiti mong 'yan hah? Hindi naman siguro dahil sa nasaksak ka dahil wala pang nasaksak ang nakangiti pa."

Meron, ako! Dahil kung hindi pa ako nasaksak hindi ako magiging maligaya ngayon. Hihihi! Nababaliw na ako.

"She--shempre! Pahinga naman ako sa work." Lumusot ka! Lumusot ka.

"Okay!" Tumayo na sya, salamat naman talaga at naniwala sya. "Nga pala nakita ko kanina si Le--Ehem! Ahh Ayumi kanina, dito ba sya galing?" Nanlaki naman bigla ang mga mata ko dun at parang nagkaka gulo ang mga dugo ko sa buong katawan. Ano 'yon!?

"Hah!? Sa--saan?" Pasilay silay ko pa sa likod kong sabe. Kunwari wala akong alam.

"Tsk!" Humarap ulit sya sa akin. "Sinungaling! Paarte arte ka pang hindi mo alam, eh alam ko namang kaya mo 'ko pinalabas kanina kasi nandito si Leaf. Ano? Tatanggi ka pa!? Tatanggi ka pa? Eh huling huli na kayo sa akto. Style mo nga po bulok na bulok! Pwede mo namang sabihin sa akin ang totoo hindi naman kita isusumbong."

I'm His Babymaker (WBM Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon