Pierce POV -
Pagkatapos ng pangyayareng 'yun sa elevator ay hindi na muling nagpakita pa sa akin si Leaf. Kahit pinupuntahan ko sya sa bahay nila ni Kuya ay ayaw nyang magpapakita sa akin. Ang dami nyang excuses para lang hindi ako makita.
Hindi ko maliwanagan kung ano ang totoong dahilan ng pag-iwas nya. Siguro galit sya sa akin dahil sa ginawa ko. Alam ko naman na mali 'yun pero hindi ko lang talaga maiwasan. Ang tagal ko syang hindi nakita, ang tagal nyang nawala, ang tagal kong nasabik sa kanya kaya hindi ko na nakontrol pa ang emosyon ko.
"Parang nung isang araw lang ang saya saya mo tapos ngayon naman para 'kang nakipag away kay Leaf." Roice.
"Bakit naman nadamay si Leaf dito?" Cliff na nagkakain ng potato chips.
"Sus! Nagkakaganyan lang naman ang hulma ng mukha nyan kapag magka-away o may problema sila ni Leaf pero sa sitwasyon ngayon, mukhang ikaw lang ang namomroblema. Ang hirap ng one-sided love diba?" Roice na ismot nang-aasar pa.
"Teka, ano ba ang nangyare sa inyo ni Leaf nung dinalaw mo sya sa hospital? Pag dating mo kasi sa opisina, pansin ko na hanggang sa maka-uwu tayo ay nakangiti ka." Cliff.
Tumayo ako, "Sandaling sandali lang 'yun." Bigla namang naibuga ni Cliff yung kinain nya kay Roice na ngayo'y nagkakape.
"Aish! Ang samlang mo Cliff!" Pero nagtatawa lang si Cliff. "Anong ibig sabihin mo ng, sandaling sandali lang? Pakiramdam ko kasi, may kakaiba sa term na 'yun." Roice na nagpupunas ng tissue.
"Wa--wala. Nasira lang yung elevator na sinasakyan namin."
"Kayo lang dalawa?" Roice.
"O---oo." Biglang lumiwanag yung mukha nung dalawa lalo na si Roice, si Cliff naman ay napapadyak na lang sa pagkaka-upo.
"Tapos? Anong nangyare? Nasira yung elevator tapos namatay ang ilaw at kayo lang dalawa ganun?" Roice.
"O--oohm, ganun na nga!"
"Oh tapos?" Cliff, sabi ko na nga ba sa kabila ng pagiging tahimik nya. May kalaswaan din ang pag-iisip nya, mukha lang talaga syang inosente at shy type guy but he's totally not.
"Naglaro kami."
"Anong laro!?" Sabay na pag tayo nung dalawa.
"Yung larong----- ah! Basta, sa amin na lang dalawa 'yun." Hindi na nila kaylangang alamin pa ang naiimbento kong laro kapag kasama si Leaf.
"Yiieeeeee!" Kinukuhit kuhit naman ako ni Roice sa tagiliran. "Ano 'bang klaseng laro 'yun? Baka naman pwede mong i-share, besides we're your bestfriends." Pa wink wink pa ng mata.
"Basta nga! Sa amin na lang 'yun, huwag mo ng alamin. Napaka chismoso mo! I have my own privacies na hindi na kaylangang sabihin pa sa inyo."
"Ano nga kasi!? Eto ba yung tinatawag na---- SEX GAME!" Roice na nanakbo nung bigla kung dinampot yung folder sa table ko. "Hahahahaha ayaw mo pa kasing sabihin, dami mo pang paligoy ligoy eh alam ko namang umiscore ka lang kay Leaf."
"Bahala nga kayo!" Lumabas na ako ng pintuan at sa saktong sa pag labas ko ay may nadunggil akong babae na may dala dalang kape at tumapon ito sa damit nya, kasalukuyan namang naka-upo sya para ayusin ang nakakalat. Nakapalda syang mahaba siguro below the knee, kaya naman nagagawa pa nyang ma-upo ng katulad ng ginagawa nya ngayon. "Miss, miss okay ka lang!? Okay ka lang!?" Binigyan ko sya ng tissue at nagpunas sya ng damit nya kaso napansin kong bakat yung panloob nya dun sa damit na natapunan.
BINABASA MO ANG
I'm His Babymaker (WBM Book2)
Teen FictionWanted Babymaker Book 1 #2 Highest Rank in Teen Fiction. This is the continuation of the tragical love story of Leafy Sabrina Greigo and Pierce Viel Clotton.