Chapter 64 Clue

3.1K 88 9
                                    

Leaf's POV -

Ako muse? Tapos si Pierce ang escort? Hindi yun pupwede! Paano na lang pag nalaman ni Charles 'to lalo na ni Hayley, siguradong rambol 'to!

"Why parents? May problema po ba?" Sabe nung teacher. Ngayon ko lang nalaman na magkaklase pala si Linnea at yung anak ni Pierce at Hayley.

"Ah-- ma'am kasi po-- ahhh.."

"Bakit po? Bagay naman kayo nitong si Mr. Clotton." Hindi ba nabalitaan ng teacher na 'to na dati kaming ikinasal ni Pierce? Aish! Ang awkward ng mga pinagsasasabe nya.

"Wait lang po ma'am kami na po ang kakausap sa kanila." Nagtinginan yung dalawang bata at hinigit kami palabas.

"Mommy pumayag ka na, beside hindi po iba sa atin si Uncle. Right uncle?" Nginitian naman nya si Pierce.

Juskopo! Uncle? Kung alam mo lang Linnea na hindi mo sya uncle, dahil sya ang totoong Daddy mo at hindi si Charles.

"Please Daddy! Hindi naman po magagalit si Mommy eh!" Hindi magagalit? Eh baka nga sumabog pa yun kapag nalaman ang tungkol dito.

Nagkasalubong naman kami ng tingin ni Pierce pero tinaasan ko sya ng kilay. Parang may pass the message na nangyayare sa amin ngayon gamit lang ang pag tingin namin sa isa't isa. Hindi ko na namalayang, nakahawak na pala yung kamay ni Pierce sa kamay ko at dahil sa kagagawan nung dalawang bata.

"Please!!!" Sabay pa yung dalawa, habang naka beautiful eyes.

Kumalas kami sa pagkakahawak, "Okay!" Tuwang tuwa naman yung dalawang bata.

Pagkatapos nung meeting na yun at ng maihatid ko na si Linnea sa bahay. Tumawag naman sa akin si Celine, gusto daw nyang ipag shopping si Tyrone. Anak nila ni Roice.

"Eh teka! Ibig sabihin kayo ni.." Yung magkabilang index finger nya ay pinagdikit nya. "Partner kayo ganun?"

"Ganun na nga!" Sabay upo ko at inom nung coffee float.

"So, may spark ba?"

"Ano!? Spark ka dyan! Walang ganun at isa pa mag-aanim na taon na ang nakakalipas."

"Edi naka move-on ka na?"

"O--oo naman. Ngayon pa ba ako magpapakadalaga kung kaylan may anak na kaming dalawa at malapit na kaming ikasal, sa magka ibang tao."

Napa-isip naman sya. Hindi ko alam kung anong nasa isip nun basta malalim, "Te--te-teka. Diba kasal kayo ni Pierce?"

"Oo. Baket?"

"Sabe mo fixed marriage lang ang nangyare sa inyo?"

"Oo."

"Pero totoo yung marriage contract?"

"Oo naman, si Lola Elizabeth pa."

"Ibig sabihin!" Gulat na gulat naman sya. "Ibig sabihin, kasal pa kayo ni Pierce hanggang ngayon?"

"H--hah!?" Naalala ko may pinirmahan kaming kasulatan ni Pierce na ginawa ni Lola. Hindi na namin nabasa basta ang sabe ni Lola kapag nakipag hiwalay daw kami ay walang matatanggap na kahit anong mana si Pierce.

"Sabe mo rin na engaged ka na pati na rin sila Pierce at Hayley. That means, bawal kayong maikasal sa iba ni Pierce dahil mag-asawa pa rin kayo hanggang ngayon." Napatayo naman ako dun at bumalik na rin sa pagkaka-upo.

"Yun na nga eh. Kaya kami umuwi ni Charles dito ay para mag file ng devorce paper ng sa ganun maikasal na kami."

"Papayag ka naman?" Tinataasan nya ako ng kilay ngayon.

I'm His Babymaker (WBM Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon