Chapter 38 Relationship Goals!

4.5K 131 14
                                    

Pierce POV -

Pagkatapos ng dalawang araw na pagpaplano at isang buong araw kong pagtulog. Finally! It's done.

Actress/International model Leafy Greigo got engaged for the second time around with her husband Pierce Clotton! The sweetest proposal caught the attention of many citizen and they loved it.

"Kayo na naman ang laman ng dyaryo!" Ipinatong ni Roice yung dyaryo sa mesa. "Ibang klase ang dami na agad nagtatanong sa opisina kung ano na daw nangyare. Kung paano ka daw nabuhay?"

"Yun nga! Isa pa sa gumugulo sa isip ko paano ka nakatulog ng isang araw at napaniwala mo talagang patay ka na." - Roice.

Nagkatinginan kami ni Cliff. "Sinasabe ko na nga ba may sikreto na naman kayong dalawa!" - Soney at umupo sya sa gitna namin ni Cliff. "Ano yon? Male, paano pala nangyare yon? Ayun magic? O baka naman... patay ka na talaga?" Lumayo sya sa akin.

"Hindi yun ganun, kung ano ano nasa isip nito! Ganito kasi yan nung nawalan ng malay itong si Pierce."

Flash back -

Tatayo na sana ako ng biglang hinawakan ni Pierce yung laylayan ng polo ko. Nandito kasi kami ngayon sa hospital nawalan ng malay itong si Pierce.

"Oh gising ka na, baket? Ano bang nararamdaman mo?" Nagulat ako nung bigla syang ngumiti sa akin at lakas loob na tumayo na parang walang nangyare.

"Ikaw at ako na lang ang nandito! Wala si Soney, walang Roice. Wala din kasi akong tiwala sa dalawang yun eh, hindi marunong umacting."

"Hah!?" Tumingin muna sya sa paligid at tsaka tumingin sa akin at may inilagay syang gamot sa kamay ko. "Ano 'to!? Huy! Layo mo nga sa akin yan! Hindi ako nagdadrugs!"

"Hindi 'to drugs! Aish! Gamot 'to, sleeping pills."

"Oh anong gagawin ko naman dyan?"

At ayun ikinuwento na nya sa akin yung plano nya. Naka-usap na daw nya sila Lola Elizabeth, Mama at Papa nya tungkol dito. Kinunchaba na rin nya yung Doctor at nurse na titingin sa kanya, palalabasin na patay na sya tapos pasikretong paiinumin ko sya ng sleeping pills para hindi magduda si Leaf. Plano nyang mag propose kasi di naman daw nya nagawa yun kay Leaf noon, palibhasa may kasalanan ang loko kaya pati sarili nyang buhay itataya nya para lang mapaniwala nya si Leaf na patay na sya tapos babangon sya ay magpopropose.

Taba ng utak! Ngayon ko lang nalaman na sobrang romantic din pala nitong si Pierce at exotic magplano. Ibang klase!

End of flashback -

"Ikaw na! Ikaw lang yata yung kakilala kong tao na itataya ang sariling buhay para lang makapag propose ng ganun!" - Soney.

"Siguro kung kay Celine ko ginawa yon... aray!!" Pinalo sya ni Cliff gamit yung dyaryo.

"Kay Celine mo gagawin yun eh kita mong buntis yung tao, paano na lang kung may mangyareng masama dun sa bata!? Ito ang utak eh..." Napatigil sya sa pagsasalita nung nakatayo si Leaf malapit sa pwesto namin.

Alam nya na siguro yung nasa isip ni Leaf kaya tumigil na sya sa pagsasalita about sa baby.

"Anong gusto mong kainin?" Pagtatanong ko. Pagka-uwi kasi namin pinatulog ko muna sya kasi isang araw syang hindi natulog.

"Gusto ko sana ng seafood na noodles. Kayo ba? Gusto nyo rin? Magluluto ako!"

"Marunong ba syang magluto?" Bulong sa akin ni Soney.

"Oo kapag noodles lang." Sagot ko, "Sigurado ka bang kaya mo na?"

"Oo naman! Wait nyo lang ako dyan." Nanakbo na sya papunta dun sa kusina.

I'm His Babymaker (WBM Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon