Charles POV -
"Charles!? Charles!? Wait!"
"Please Sarah, just let me go and leave me alone! I don't your help!"
"But Charles.." Nahawakan nya na yung kamay ko, "Kahit hindi mo sabihin alam kong kaylangan mo rin ako. Kasi alam mo namang ako lang ang makakadamay sayo, ano pang silbi ko as your girlfriend kung hindi kita tutulungan."
"W--what!? What did you say!? You're not my girl.." Napatigil ako sa pagsasalita ng biglang may sumuntok sa akin.
"Cliff!?" - Allycole.
"Ayos ka rin noh!? Gusto mong agawin si Leaf kay Pierce pero may girlfriend ka na. Tsk! Akala mo kung sino kang anghel sa mga mata ni Leaf pero katulad ka lang ni Pierce, niloloko mo rin sya. Magkapatid nga talaga kayo!"
"Cliff!?" - Sarah.
"Ano!? Magpapaloko ka rin ba sa lalaking 'to!? Hah!? Hindi mo ba narinig kanina? Gusto nyang agawin si Leaf kay Pierce, tapos girlfriend ka pa pala nya. Psh!"
"Can you please mind your own bussiness? My bussiness here is Leaf, not Sarah, not Pierce only Leaf." Naglakad na ako pero hinawakan naman nya ako sa braso. "Get off me! Kahit ano pang sabihin mo, gagawin ko ang gusto ko." Inalis ko yung kamay nya at naglakad na ako.
Lakad lang ako ng lakad hindi ko na napansing hindi na pala sumusunod si Sarah, tama lang yun. I need space.
Gusto ko mang puntahan sa ER si Leaf pero di ko magawa, ayoko lang magsimula ng gulo hihintayin ko na lang na makalabas sya ng hospital.
Pumunta ako sa maliit na chapel dito sa loob ng hospital at natatanaw ko di kalayuan si Pierce. Dumaretso lang ako at hindi ko na lang sya pinansin, nagdasal na lang ako para kay Leaf at sa baby.
"Pinagdadasal mo lang ba si Leaf?" Ayoko man syang kausapin kasi amoy alak sya.
"Yes, and for the baby."
"Tsk! Naaawa ka rin pala sa anak ko? Akala ko kasi si Leaf lang ang gusto mong gumaling at pinagdarasal na wala na yung bata para mas mabilis mo syang makuha."
"May anak din ako, kaya hindi ko gawain ang mga sinasabe mo. Oo gusto kong kuhanin si Leaf sayo pero gusto ko rin naman na mabuhay yung baby. At pag naghiwalay na kayo, kahit anak mo pa yung bata ituturing ko pa rin syang galing sa akin." Patayo na ako ng magsalita sya.
"Desedido ka na bang kuhanin sya sa akin?"
"Sinabihan na kita, hindi ko guguluhin ang buhay nyo at iiwan ko sayo si Leaf. Hindi ako gagawa ng rason para magkahiwalay kayo kahit may dahilan na ako, hindi ko pa rin yun gagawin. Pero hindi ka tumupad sa usapan, sinaktan mo si Leaf at hindi lang si Leaf pati sarili mong anak dinamay mo pa."
Umalis na ako papuntang parking lot. Kaylangan ko na yatang paghandaan ang pagbabalik ni Ayumi sa buhay namin ng anak ko.
Pasakay na ako ng tawagin ako ni Pierce halatang nanakbo pa sya para lang kausapin ako, "Sorry kapatid man kita pero eto lang masasabe ko. Kung dati nagpabaya ako, ngayon hindi na. Hindi ako papayag na maagaw mo sa akin ang mag-ina ko kahit ikamatay ko pa. Gaya lang ng dati, hindi ko hahayaang ipahiram sayo ang pagmamay-ari ko. Sige na alis na ako, ingat ka na lang! Kaylangan na kasi ako ng asawa't anak ko." At nanakbo na sya papunta sa loob.
Sana lang talaga totoo ang mga sinasabe mo, dahil kung hindi baka makalimutan kong kapatid kita.
Pierce POV -
Pag dating ko sa ER hindi pa rin nakakalabas si Leaf, naabutan ko lang si Cliff na masama ang tingin sa akin kasama si Allycole. Si Soney at Roice naman ay agad lumapit sa akin.
BINABASA MO ANG
I'm His Babymaker (WBM Book2)
Teen FictionWanted Babymaker Book 1 #2 Highest Rank in Teen Fiction. This is the continuation of the tragical love story of Leafy Sabrina Greigo and Pierce Viel Clotton.