Charles POV -
"Kamusta na pakiramdam mo apo?" - Lola.
"Magaling na po ako Lola!" At tumalon talon na sya sa higaan nya.
"Hahahaha mukhang ngang magaling na ang apo ko!" Hinalik halikan naman ni Lola si Yumi. Nag-iimpake na kami ngayon para umuwi tutal magaling na naman si Yumi. "Sa wakas magaling ka na at makaka-uwi na tayo. Miss na miss ko na rin ang mga apo ko! Sana naman okay lang sila."
Alam na ni Lola ang nangyare sa baby nila Pierce at Leaf. Sa una nagalit din sya kay Pierce lalo na si Papa, pero ng kina-usap na sila ni Pierce naunawaan naman sila nila Lola.
"Naka-usap ko po si Pierce kagabe palabas na daw po ng hospital ngayon si Leaf."
"Talaga? Hahaha, mabuti naman at okay na ang apo ko."
"Kaya wag na po kayo mag-alala. They are okay! No need to worry." Pinapalakas ko na lang ang loob ni Lola alam ko kasing mahirap din sa kanya ang mga nangyare.
"Oh! Si Allycole tumatawag." Bakit naman napatawag si Allycole? "Hello apo?"
"Lola.. Lola?"
"What happend? Why are you crying?"
"Si Pi--Pierce po!" Nung marinig ko yun ay agad kong kinuha yung phone ni Lola para ako na ang makipag usap. "Yes, Lola Elizabeth? Sorry pero wala na po si Pierce!" Puro iyak ang mga sumunod kong narinig.
"Apo? Apo? Ano daw nangyare? May nangyare ba sa apo ko?" Tumingin ako sa kanya sakto namang pasok ni Mama at Papa.
"Wal--wala na daw po si Pierce."
Sarah's POV -
Nandito ako ngayon sa may cafe kagagaling ko lang kasi ng opisina.
"Sarah, right?"
"Oh! Celine? Halika, upo ka oh!"
"Thank you at naalala mo pa ako. By the way, anong ginagawa mo dito? Nagpapalipas ng oras?"
"Oo kagagaling ko lang kasi sa trabaho. How about you? Si Roice?"
"Nag shopping lang ako. Ewan ko ba kung nasan si Roice, magdadalawang araw na syang hindi umuuwi tapos ngayon kahit text or tawag wala! Lagi kasi syang na kila Pierce, iniintindi ko na lang. Kaylangan nung tao ng makakaramay ngayon." Sabay inom nya dun sa coffee. "Sandali lang kukuhanin ko lang yung order kong cake." Pagtayo nya bigla namang may nadunggil sya.
"What the hell! You!?" Napatayo naman ako para alalayan si Celine. "And you!?"
"Hay nako! Kaya pala parang ang itim ng aura ko today, kasi may dumaang anak ni Satan." - Celine.
"Do what you want! At isa pa hindi ako kamag-anak ni Satan, baka ikaw?"
"Talaga namang ang basto.." Pinigilan ko na si Celine at ini-upo sya. Tsaka ko sinampal si Hayley.
"Buntis yan eh bakit mo papatulan? Ako ang kalabanin mo." Tiningnan nya akong masama ay hinigit palabas ng cafe.
"Ayokong mag iskandalo dahil marangal akong tao. Pero sa susunod na magkita tayo, papatulan talaga kita." - Hayley.
BINABASA MO ANG
I'm His Babymaker (WBM Book2)
Teen FictionWanted Babymaker Book 1 #2 Highest Rank in Teen Fiction. This is the continuation of the tragical love story of Leafy Sabrina Greigo and Pierce Viel Clotton.