Chapter 25 Bonding Time

4.4K 113 7
                                    

Allycole's POV -

Nandito ako ngayon sa trabaho pero hindi ako makapag concentrate dahil sa sakit ng ulo ko at sa sobrang init ko ay naibato ko na lang yung librong nadampot ko sa lamesa at sakto namang pagpasok niya na halos matamaan na yung private area niya.

"Oh! Ano 'yun? May lumilipad na libro!" Napatingin siya sa akin sabay kunot ng noo, "hayaan mo naman muna ako na magkaroon ng pamilya."

"Sorry, ang sakit lang kasi talaga ng ulo ko. Hindi ko naman alam na papasok ka." Sinisilip silip muna niya kung may iba pa ba akong hawak kaya itinaas ko yung mga kamay ko at lumapit na siya.

"Alam ko ng mangyayari 'yan kaya ibinili kita ng gamot sa hang over. Pansin ko kasi kanina paglabas mo ng condo pa zigzag ka kung lumakad."

"Salamat Soney." Kumuha ako ng tubig para inumin na yung gamot.

"Ano pa pagkakaiba ng hindi ka pumasok sa pumasok ka sa trabaho kung hindi ka rin naman makakapag trabaho ng maayos dahil sa hang over mo."

"There's a lot of urgent files that needs to be done by today kaya kahit hindi ko 'man gusto ay kailangan ko pumasok." Habang hinahanap ko yung mga papel ay nakahawak pa rin ako sa may noo ko.

"Paano na kaya kung hindi ka nakita ni Cliff, sigurado kung saan saan ka na nakarating. Bakit?"

Tinakpan ko kasi ng kamay ko yung lagayan ng mani na kinakain nya, "A---anong sabe mo!? Si--si--si Cliff? Nakita ako ni Cliff?"

"Oo, hindi mo ba tanda? Sasakyan niya yung muntik mo ng madisgrasya kaya noong nakita ka niyang lasing ay dinala ka na niya sa condo niya--"

"Ano?! Dinala niya ako sa condo niya?!"

Ow sh*t! Bakit wala akong maalala? Anong ginawa namin? Anong nangyari? Ganun na ba ako kalasing para hindi maalala ang lahat?!

"Hoy! Mas mapag iisipan pa kita na gawin 'yun kaysa kay Cliff. Walang nangyaring ganun, ano ka ba! Wala lang talaga siyang choice dahil lasing na lasing ka at mas malapit yung lugar niya kaysa sa lugar mo. Kaya alisin mo 'yang madumi emahinasyon sa utak mo."

Inalis naman niya yung pagkakatakip ko doon sa kinakain niya habang nanonood ng tv.

"Wa--wa--wala namang ibang nangyari hindi ba?"

"Wala! Malinis ang intensyon nung tao. Ikaw lang naman ang nag-iisip ng masama."

"Matagal mo na akong kilala 'di 'ba?" Tumango na lang sya habang naka tuon pa rin ang atensyon sa panonood. "Sa tingin mo ba may ginawa akong hindi maganda ng mga oras na 'yun?"

Humarap siya sa akin at tiningnan ako sa mata.

"Tingin ko wala naman."

Medyo nakahinga ako doon ng maluwag pero kung mayroon 'man, hindi naman niya siguro para sabihin pa sa kanila 'di 'ba? Okay na rin na wala silang alam at sa amin na lang yung dalawa.

"Salamat naman. Woo!" Sunod na uminom ng tubig.

"Pero umamin ka sa kanya na may gusto ka kay Pierce."

(⁠@⁠_⁠@⁠;⁠) I'm dead.

"Totoo?" Matamlay kong pagtatanong.

"Oo at mukha naman daw nagsasabi ka ng totoo." Katapusan ko na ba? Bakit ko nasabi 'yun? "Huwag ka mag-alala, wala naman kaming balak na ipaalam pa 'yun kay Pierce. Sa atin na lang 'yun, hindi na kailangan lumabas pa."

"Pero-- hindi naman 'yun totoo. Wala ako sa katinuan ko nun. Lasing ako. Nasabi ko lang siguro 'yun kasi na narinig ko na sinabi ng ibang tao? Posible ba 'yun?" Pagpapalusot ko.

I'm His Babymaker (WBM Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon