Chapter 26 Venz word

3.9K 112 5
                                    

Pierce POV -

Nasa mall ako ngayon para bumili ng mga jacket, pajama, at kung anu ano pa na pwedeng suotin ni Leaf dahil magpapasko na, palamig na ng palamig ang panahon, iniiwasan ko lang din na magkasakit silang mag ina.

Roice calling....

Bakit naman napatawag 'tong asungot na 'to?

"Oh bakit?" Pagtatanong ko habang tulak tulak yung shopping cart dahil namimili pa rin ako ng bibilhin.

"Saan ba ako makakahanap ng pinyang nakaw?"

"Ha?! Bakit naman magnanakaw ka pa ng pinya? Hindi ka na lang bumili? Condom nga nakakabili ka, pinya pa."

"Hindi, hindi naman kasi 'yun patapusin mo muna ako. Si Celine kasi kanina pa ako pinagnananakaw ng pinya. Iniiyakan na nga ako eh."

"Wala 'kang choice magnakaw ka na."

"Pierce naman! Ang hirap naman ng ganitong buntis ang asawa mo."

"Ano ba nangyayari sa asawa mo?"

"Ewan ko ba dito, naglilihi na 'yata. Wala naman akong kaalam alam dito basta ang gumawa lang ng bata."

"Eh bakit naman nakaw na pinya pa?"

"Alam mo naman ang mga babae mahirap intindihin. Kapag nireregla palaging gutom, ang bilis magalit, gusto palaging may away. Paano pa kaya ngayon na buntis na, edi mas malala pa. Para namang hindi mo 'to nararanasan kay Leaf."

"Oo na, eh nasan ka ba?"

"Nasa opisina ako. Nagsabi na lang ako kay Celine na--- magnanakaw na nga ako ng pinya kahit hindi ko na alam ang gagawin."

"Oh sige ganito na lang bibili ako ng pinya tapos iiwan ko sa table ko, ayun kunin mo na lang."

"Pwede na siguro 'yan 'no? Sige hintayin na lang kita dito, salamat pare."

"Huwag ka lang hahantong sa ganun Pierce, please." Itutulak ko na sana yung cart ng may humawak dito. "Hayley?"

"Can we talk?" Seryosong pagtatanong niya.

Ayoko na sana siyang kausapin pa para matigil na but I guess this is the time for us to have a proper closure. Kung ano 'man siguro yung pag uusapan namin hindi na lang ako gagawa ng bagay na hindi magugustuhan ni Leaf. Kaya naman bago ako pumayag ay itinext ko muna si Leaf na makikipag usap lang ako kay Hayley dito na rin sa mall.

"Anong pag-uusapan natin?" Ayoko ng pahabain pa ang oras na 'to na magka usap kami.

"Ayaw mo na ba talaga ako maka usap kaya nagmamabilis ka?"

"Wala na naman kasing dahilan para patagalin pa 'to. So tell me, what is it?"

"I just want to clarify something, so please answer me honestly. Do you really love her? More than you felt for me before?"

"Hindi pa ba sapat na sagot yung iniwan kita para sa kanya?"

"Malay ko ba kung napipilitan ka lang."

"Oo noong una napilitan lang ako na pakisamahan siya pero iba na ngayon. Gustong gusto ko na kasama siya, gagawin ko ang lahat makasama lang siya. Gusto ko palagi siyang nakikita, gusto ko nandyan lang siya palagi sa tabi ko. Maniwala ka, mahal ko si Leaf-- sobra sobra."

Masakit 'man pakinggan pero kailangan. Ayoko na rin kasi mag bigay ng false hope na magkakabalikan pa kaming dalawa, ayoko, tama na.

"Mabilis magsalita Pierce." Inaasahan ko na 'to, yung mahihirapan akong paniwalain siya sa mga sasabihin ko lalo na kapag patungkol dito.

I'm His Babymaker (WBM Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon