Leaf's POV -
7pm na pero hindi pa rin sya dumarating samantalang kanina pa akong 4pm nandito sa bahay.
Saan na naman ba kasi sila pumuntang dalawa? O baka naman natuloy yung pag paparty nila Cliff? Ah, oo tama yun tama! Hindi nya kasama si Allycole. Sabe nya kasi may boys night out sila, oo tama! Hindi naman siguro magkasama sila ni Allycole MAGHAPON HANGGANG NGAYON!
At ang isa pa ano naman kung magkasama sila ni Allycole?
"ARE YOU JEALOUS?"
Ako nagseselos? Psh, OO BAKET! Eh ano naman sa inyo! Kayo ba ang nagseselos hindi naman diba? Shut up na lang kayo. -__-😠
Kanina pa ako paikot ikot dito sa bahay. Mabuti na nga lang at hindi ako nahihilo sa ginagawa ko. Bigla namang tumunog yung phone ko dahilan para mapatakbo ako ng mabilis.
November 20, 20**
1st wedding monthsary!"Hays! Alam ko yon, kanina ko pa kayang maga alam. Eh yung kumag na yun hindi nya alam. Ang alam nya kasi 19 bwisit!" Maihahagis ko na sana yung phone ng tumunog na naman sya.
Charles calling...
"Hello, Charles?" Bakit na naman kaya sya tumawag.
"I just want to know kung okay ka na? Kung kamusta na yung sugat sa tuhod mo?" Naalala ko tuloy nung napaso ako dahil sa natapon yung inorder ko dati sa mall, at agad yung ginamot ni Pierce.
"Medyo okay na naman. Masakit nga lang kasi nadadali sya nung laylayan ng dress ko." Pag-uwi ko agad akong nagpalit ng short, ang sakit eh. "Pero don't worry napaltan ko na naman sya ng band aid at nalinis na rin." Bakit kasi napaka lampa mo Leaf, anong edad mo na nadadapa ka pa!
"Mabuti naman. Nandyan na ba si Pierce?"
"Ahh wala pa eh.. ang alam ko kasi may lakad sila nila Cliff ngayon." Kung totoo ngang sila Cliff ang kasama nya, psh! Eh ano 'bang pakelam ko kung sinong kasama nya? Pinag-iisip ko lang ang sarili ko. Nasa tamang edad na sya kaya hindi ko na dapat kailangan pang mag-alala.
"Ah ganun ba? Eh nakakain ka na ba?"
"Hi--oo nakakaen na ako! Nag-iwan naman ng pagkain dito si Pierce." Gutom na gutom na nga ako eh. Huhuhuhu!
"Are you sure? Kung gusto mo, ipagluluto kita ng food tapos dalhin ko na lang dyan sa bahay."
"Oh sig---" Nilibre nya na ako ng breakfast at lunch. Nakakahiya na masyado, inaabuso ko na ang pagiging mabait nya sa akin. "Hi--hindi na. Okay na ako, kumain na ako. Don't you worry! Thank you na lang sa pag-aalala mo."
"That's okay, you're my brother's wife and soon to be the mother of my nieces. I should take care of you because you're part of our family." Ang sarap naman pakinggan nun.
"Salamat. Sige na magpahinga ka na, alam kong napagod ka."
"You too. Goodnight!"
"Bye!" Grabe! Ang tagal na naming magkausap ni Charles pero wala pa rin sya. Natabunan na yata sya ng lupa, hindi ba nya alam na nakakaramdam rin ako ng gutom. Psh! "Baby? Are you hungry na ba? Kasi naman yung Daddy mo eh, ginugutom tayo. Walang puso!"
Hindi ko na makakayanan na tumunog na naman ang tyan ko at ayokong mawalan ng malay dito dahil sa gutom, lalo na't wala pa akong kasama. Kaya pinili ko ng bumili na lang ng noodles.
BINABASA MO ANG
I'm His Babymaker (WBM Book2)
Fiksi RemajaWanted Babymaker Book 1 #2 Highest Rank in Teen Fiction. This is the continuation of the tragical love story of Leafy Sabrina Greigo and Pierce Viel Clotton.