Leaf's POV -
Alam ko napaka awkward ng mga nangyayare ngayon. Mabuti na lang talaga at nandyan si Charles para hindi ako mailang kay Hayley. Nag-aya syang kumain ng dinner at dito na daw kami kumaing apat sa bahay, sya na lang daw ang magluluto.
Magkakaharap kaming apat ngayon sa iisang mesa. Katabi ko si Pierce at katabi naman ni Hayley si Charles.
"Sinabihan ko si Pierce na gusto kitang maka-usap. Gusto ko sanang mag sorry sa mga nagawa ko sayo at sa inyong dalawa." Nilalagnat ba sya? Masama ang pakiramdam? O nauntog yung ulo nya? "Alam ko hindi kapani paniwala pero sa maniwala kayo at sa hindi, sincere ako sa mga sinasabe ko. Napag-isip isip ko rin na wala na talagang mangyayare between me and Pierce so I decided to give up para na rin sa ikakasaya ng lahat."
Sabe nila everyone deserves a second chance at siguro naman nagbago na rin sya. Wala namang masama kung patatawarin ko sya diba? In fact, hindi naman grabe ang mga ginawa nya sa amin ni Pierce. At hindi na mahalaga pa sa akin kung may alitan kami ni Hayley o wala, hangga't nasa tabi ko si Pierce kampante na ako.
Pagkatapos naming kumain at magkapatawaran ihahatid na lang daw ni Charles si Hayley kasi wala syang dalang sasakyan.
Pagka-alis ng sasakyan ni Charles nagkasalubong kami ng tingin ni Pierce, pero hindi ko maiwasang tingnan sya ng masama.
"Aish! Anong ibig sabihin ng mga tingin mong yan hah?" Patuloy pa rin ako sa pag tingin ng ganun sa kanya, "Ano?"
"Bakit hindi mo man lang sinabe na kasama mo pala yung ex--- psh! Nevermind!"
Tinalikuran ko na sya at pahakbang na sana ako papasok ng gate ng higitin naman nya ako para iharap ulit sa kanya.
"Eh bakit ikaw? Hindi mo man lang sinabe na kasama mo pala si Char--- este si Kuya hah!?"
"Ano namang masama dun? Kapatid mo naman sya. Eh ikaw? FYI lang hah para malinaw, Kuya mo ang kasama ko na parang Kuya ko na rin pero ikaw EX mo! EX mo yung kasama mo. Hindi ba't parang mas masama pang tingnan yun kaysa sa magkasama kami ng Kuya mo? EX mo yon hah! EXXXXXX!!" Pinamukha ko talaga yun sa kanya para mas maintindihan nya.
"A-- eh diba nga kaya ko sya dinala dito kasi gusto nyang makipag-ayos!?"
"So anong pinapalabas mo? Na ako yung madumi ang utak dito na pinag-iisipan ko kayo ng hindi maganda nung EX MO!" Sabay cross arms. "Sa bagay ano nga namang big deal dun? Eh EX MO NA LANG NAMAN YON! Diba honey!?"
"Oo na po! Sorry na po. Sa susunod, hindi ko na po isasama dito yung EX KO! Para nga naman hindi masamang tingnan na dinala ko yung EX KO SA BAHAY KO, kahit ALAM KO NAMANG MAY ASAWA NA AKO!" Pangiti ngiti pa ang loko. Sipain ko 'to eh!
"Okay! Hi---hindiii naman kasi big deal sa akin kung dinala mo sya dito promised! Mas okay nga yon eh, atleast nakikita ko at alam kong wala namang malisya sayo yun diba?" Tumango sya. "Kaso ang pinagtataka ko, bakit hindi mo man lang ako ininform na maganda pala yung outfit nya ngayon!"
"What!? Anong kinalaman nun?"
"Alam mo kasi kaming mga babae ayaw naming natatalbugan kami ng ibang babae lalo na yung mga naging girlfriend or past ng mga boyfriend o asawa namin. Nakakaramdam kami ng pagka down yun yon! Ang kaso nga dapat ininform mo man lang ako para naman nakapag-ayos ayos ako diba? Ang problema nga lang, bakit kahit anong gawing ayos ko. Angat na angat pa rin sya. Bakit ganun?"
Ngumiti sya at kinurot yung magkabilang pisngi ko, "Insecure ka ba kay Hayley?"
"Gindi nuh.."
"Ano? Anong sabe mo?" Tinanggal ko yung pagkakahawak nya sa pisngi ko.
BINABASA MO ANG
I'm His Babymaker (WBM Book2)
Teen FictionWanted Babymaker Book 1 #2 Highest Rank in Teen Fiction. This is the continuation of the tragical love story of Leafy Sabrina Greigo and Pierce Viel Clotton.