Chapter 74 Special Chapter

4.9K 130 14
                                    

Author's Note -

Sorry po kung napatagal ang pag a-update. Hindi na ako gagawa pa ng excuses kasi puro na lang ako 'sorry' everytime na malelate ako parang kapag may relasyon lang yan. Kadalasan hindi sapat yung puro na lang tayo 'sorry' kasi minsan ang 'sorry' ang isa sa pinakamasakit na salitang maririnig mo sa taong mahal mo. Hahahaha!😁✌🏻️

Ayun so, ang daming nagrerequest ng special chapter kung ano na daw nangyare kasi nabitin daw sila sa ending. Meron rin namang naghahangad pa ng book 3 pero gaya ng sabi ko, ang love story nila Pierce at Leaf at tapos na. Ganyan talaga ang buhay lahat natatapos, pati nga yung mga unbreakable na bagay nagbebreak din kaya huwag kayong magpapauto sa forever dahil WALANG FOREVER! Okay?😒💔

Kung meron man po kayong mga scene na hindi gusto, may mga typo, wrong spelling, wrong grammar or what so ever. Hindi po ako perfectionist! Kaya po sa Prologue pa lang sinasabe ko na po na hindi po ako magaling sa mga english english ganyan. Kaya pag pasensyahan nyo na lang po.

Pero maraming salamat pa rin po dahil sinusuportahan nyo 'ko simula book 1 (Wanted babymaker) to book 2 (I'm his babymaker) so ayun! Thank you po ulit sa pag inspired sa akin na gumawa pa ng mga story, I love you all guys talaga to the moon and back!❤️ dream come true po talaga 'to. Promised! Kayo na po yung nagbibigay sa akin ng lakas ng loob para makatamtan yung matagal ko ng pangarap shempre with the help of my family, friends, god at kayo din po!

Sana sa mga gagawin ko pang story ay masuportahan nyo pa rin po ako.☺️at tatanawin ko po yun na utang na loob. Swear!

So ayun, eto na po yung mga request nyo. Sana mag enjoy kayo! Binigay ko na po yung pinaka best ko.😘😆

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pierce POV -

"Piercccceeeee!!!!? Pierrrccccceee!!!?" Kauuwi ko lang galing ng opisina ay napatakbo agad ako sa kwarto kasi sumisigaw si Leaf. "Bakit ngayon ka lang hah!?" Sabe nya habang nakapamewang.

"Sorry nagka traffic kasi eh!" Ibinaba ko yung paper bag na may lamang almond chocolate.

"Traffic traffic! Tsk, may babae ka noh?" Sabay tutok nya sa akin nung tinidor.

"Wala iih." Ibinaba ko na yung tinidor. "Sabe mo gusto mo ng almond chocolate. Oh ayan, ibinili na kita. Huwag ka ng magalit. I love you!" Panguso nguso kong sabe pero palayo sya ng palayo na para bang nandidiri.

"Siguraduhin mo na lang na wala kang babae hah!? Makita mo lang tamo!"

"Wala po swear! Ikaw lang sapat na." Ang corny ko ngayon noh?

Wala eh, kung sasabayan ko kasi yung init ng ulo nya siguradong mag-aaway lang kami. Naiintindihan ko naman kung bakit napaka moody at napapraning sya kung minsan lalo na kapag nalelate ako ng uwi.

Pero kahit na ganun ang cute cute nya sa suot nya. Naka daster kasi sya na kulay purple, tapos naka tirintas lagi yung buhok nya kasi ayaw daw nyang magmukhang losyang baka daw kasi ipagpalit ko sya. Pero kahit naman hindi nya gawin yun ang ganda ganda pa rin nya, kahit na kung minsan nanlalake yung butas ng ilong nya. Cutecute!😍

Buntis kasi sya, at 7 months na kaya naman inaalagaan ko talaga sya. Sensitive ang pagbubuntis nya at isa pa ayoko ng mangyare pa yung nangyare dati. Kaya naman kinareer ko na talaga lahat. Pagtatrabaho, pag-aalaga kay Linnea pati na rin sa mga gawaing bahay ay ako na.

Leaf's POV -

"Ano nakapag pa ultra sound na ba kayo?" - Celine na nagkakain ng mangga.

"Hindi pa. Balak namin ay mimiya pa, kaso over time sya ngayon sa trabaho nya kaya siguro bukas na."

I'm His Babymaker (WBM Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon