Chapter 8 Raf

6.4K 148 10
                                    

Leaf's POV -

Kinabukasan, tanghali na kami nagising. Napasarap ng tulog dahil naulan at tag lamig na.

"Pierce gising na!" Inaalog alog ko sya.

"Ahhhh!! Leaf naman eh! Mimiya na, can you see na natutulog pa ako." Hindi ko marinig yung sinasabe nya dahil tamad na tamad pa talaga ako.

"Pierce gising na! May pasok ka pa sa opisina."

Ang hirap talaga nya gisingin nakaka inis.

"Sabe ng huwag ka munang maingay eh."

"Pierce gising na!!" Nasipa ko sya kaya nalaglag sya sa higaan.

"Ano ba yan Leaf!?" Hindi ko pa rin pansin sya, basta ako wala pa rin ako sarili. Tulog ang isip habang yung ulo ko ay nakalaylay sa may higaan. "Aish! Umayos ka nga ng pagkakahiga mo, baka malaglag ka!" Pinapalo nya ako sa may binti ko pero wala akong pakelam.

Hanggang sa tumayo na sya at inayos ako ng pagkakahiga, "Pierce naman eh! Natutulog pa ako oh."

"Nasipa mo na nga ako tapos idadahilan mong natutulog ka pa? Bumangon ka na dyan. Ngayon ang schedule mo sa doctor."

Hindi ko na alam ang mga sumunod pang nangyare basta pagkagising ko naka upo na ako sa harapan ng mga pagkain. "Oh ano? Nasa tamang pag-iisip ka na ba?" Sabe nya habang kumakain.

"Paano ako napapunta dito?"

"Nag sleep walking ka!"

"Ta--talaga!?"

"Hindi noh! Shempre binuhat kita papunta dito, ano ba naman yan! Napakapaniwalaan mo rin ano?"

Bwisit pampasira sya ng umaga, sa bagay wala na sya sa mood ngayon. Kumbaga sa battery ng phone. Lowbat na sya, kaya wala na sa mood maging sweet.

Pagkatapos namin kumain ay naligo, nag ayos na sya para pumunta ng opisina. "Ikaw? Hindi ka pa mag-aayos? Naghihintay na yung doctor."

"Ayos na ako."

"Yan ang susuotin mo?" Humarap na sya sa akin.

"Oo bakit ba? Ayoko namang magsuot ng dress na pang red carpet." Iniwan ko na sya dun pero rinig kong pinipigilan pa nyang tumawa. Sira ulo talaga yung taong yun.

Nasa sasakyan na ako dahil na una akong lumabas, ang linis ng kotse nya at ang bango bango pa. Amoy blue berry, "Aray! Ano yun?" May naupuan akong matilos na bagay kaya tumayo muna ako at nakita ko yung hikaw. "Kanino naman 'to?"

Hindi kaya may babae si Pierce? Ahm..

"Baket? Anong nangyare sayo?"

"Ahm wala naman!" Sumakay na ulit ako. "Ang linis ng sasakyan mo ah!"

"Shempre naman."

"At ang bango bango pa, amoy blue berry."

"Yes. Binigyan ako ni Allycole ng perfume para sa sasakyan, do you like it?" Allycole na naman. Psh!

"Oo naman."

Siguro si Allycole din ang naglilinis ng sasakyan nya at siguro sa kanya rin 'tong hikaw, tsk.

Nagmaneho na sya papunta sa hospital pero ako eto nagbabrowse sa internet.

Allycole searching... hindi ko kasi alam ang surname nya.

After 1 minute ang dami ng lumabas. Hays! Paano ko ba sya maisesearch kung hindi ko naman alam ang buong pangalan nya. Badtrip!

Pag dating namin hospital pumunta agad kami dun sa doctor na naka assign sa akin. Kinuha sya ni Lola Elizabeth, magaling daw kasi 'tong doctor.

I'm His Babymaker (WBM Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon