Chapter 45 Be the best man WIN!

3.4K 92 0
                                    

Leaf's POV -

Ngayon na ang wedding monthsary namin ni Pierce, alam ko dapat hindi na masyadong icinecelebrate ang ganitong okasyon. Tuwing taon na lang pero kahit ganun gusto ko lang gawin 'to para naman maramdaman ni Pierce na kada buwan ay hindi nagbabago yung nararamdaman ko para sa kanya. Corny noh? Pero totoo.

Nandito ako ngayon sa Cooking Classes na pinapasukan ko, wala si Celine masama daw ang pakiramdam kaya wala akong maka-usap dito.

"Kaya mo?"

"Oo naman." Sabe ko habang naghihiwa ng sibuyas, "Ang kaso nakaka-iyak lang itong sibuyas." Para na akong tanga dito na nagluluha sa harapan nya.

"Excuse us!" Sabe nya dun sa teacher namin kaya dinala nya ako sa office nya dito. "Ipahinga mo muna yung mga mata mo tsaka mo na ituloy yun." Nag offer sya ng tissue na at nga ice cube ilagay ko daw sa may mata ko. "Alam ko ng mangyayare 'to kaya naghanda na ako."

"Sorry na hah? Hindi kasi talaga ako sanay maggayat pati na rin magluto."

"I understand, everyone experienced that."

"Mukhang matatagalan pa akong ganito, pwede ba akong makahingi ng pavor?"

"Ohm sige. Ano yun?"

Sinabe ko sa kanya na sya na lang ang magluto muna ng mga kakainin ni Pierce mimiyang gabe. Pumayag naman sya at ngayon ay nagsisimula na syang magluto.

"Nag-aral ka ba ng Chef?"

"No. Natuto lang ako dahil sa hilig 'to ng asawa ko." Sabay ngiti sa akin. Yun yon eh! Ginalingan.

"Bakit sya yung nagustuhan mong pakasalan eh gwapo ka naman." Napatingin sya sa akin kaya umiwas ako ng tingin, baka mahuli nya akong nakatingin sa kanya eh.

"Sabihin na nating na love at first sight ako sa kanya. Ang totoo nyan, naniniwala kasi ako sa true love." Napatingin ako sa kanya.

"Ta--talaga!? Ibang klase ka rin ano? Ngayon lang ako nakakilala ng lalaking katulad mo." Nagpatuloy lang sya sa pagluluto.

"Isa pa hindi naman kami kasal."

"Hindi?"

"Oo, ayaw kasi sa akin ng mga magulang nya tapos gusto akong i-fixed marriage nila Lola gaya ng ginawa nya sa inyo ng kapatid ko. Kaya itinakas ko sya hanggang sa nagka anak na kami ng hindi kami ikinakasal."

"Kaya pala. Eh ano bang ikinamatay ng asawa mo?" Hindi kasi ako naniniwala sa kwento ni Pierce eh.

Tumingin sya sa akin, matagal na pagkakatingin. "She died because of a car accident."

Charles POV (Flashback!)

"Honey! Come here! Kakain na tayo."

Naabutan ko syang nakahiga sa kama katabi si baby. 3 days simula nung manganak sya kay Yumi, "Wow! Dinner in bed." Tumabi na ako sa tabi nya.

"Sorry honey, hindi ko pa kasi kayang magluto. Alam mo naman kaanak ko lang. Kaya nagpaluto muna ako kay Manang. Wait, i'll get some water."

"Sige hon." Sabe ko habang nagtatanggal ng butones ng polo ko. Miya miya lang ay nakarinig ako ng may nabasag sa baba kaya dali dali akong bumaba at naabutan ko syang nakatayo, gulat na gulat habang may tumutulong mga dugo sa kamay nya. Kaya agad ko yung tinakpan ng panyo at hindi na sya nakatulala, "Are you okay!?"

"Ye--yes I'am." Binuhat ko sya at ini-upo tapos kumuha na ako ng first aid kit. "Honey?"

"Baket? May masakit ba sayo?"

I'm His Babymaker (WBM Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon