Chapter 12 I was meant for you

5.5K 138 6
                                    

Leaf's POV -

May tapping sana ako ngayon kaso nagtext si Direct next week na lang daw ulit ako isasalang sa scene.

"Woosh!" Wala akong magawa dito sa bahay, kundi ang umupo at magpalipat lipat ng mga channel sa remote. "Huy!"

Kinuha nya kasi bigla yung remote.

"Wala kang magawa noh?"

"Obvious ba?" Kinuha ko ulit yung remote pero hindi ko pa naililipat ay nakuha na naman nya. "Ano ka ba? Bumili ka nga ng sarili mong remote." Pero ayaw nya talagang ibigay, pinipilit kong kuhanin sa likod nya pero ayaw nya talagang magpatalo.

"Tutal naman wala kang magawa. Let's go!"

"Saan naman?"

"As a model and as new actress, ehem! Pansin ko wala ka ng mga bagong gamit so let's go! Magshashopping tayo." Walang sumunod na salita ay agad akong tumakbo papasok ng kwarto, kinuha yung bag ko at...

"Tara na!"

"Naka-- naka short ka lang? Ganyan lang?"

"Bakit baga?!" At isinuot ko yung shades at cap ko. "Cool diba?"

"Psh! Bahala ka nga dyan style mo yan eh." Naglakad na sya palabas ng bahay kaya sinundan ko na lang sya.

Mabilis kaming nakarating sa mall dahil na rin sa ang bilis nyang magpatakbo ng sasakyan. Ewan ko ba sa kanya, parang may hinahabol.

Pag pasok namin sa mall ang daming tao, sabado nga pala ngayon. "Saan mo gusto unang pumunta?"

"Ahmm pwede kumain muna tayo?" Hindi na sya umangal at pumunta kami dun sa restaurant sa loob ng mall, umorder lang at nagsimula ng kumain.

"Yeee! Diba sya yung nasa magazine na 'to?" Sabe nung isang babae sa labas habang tinuturo turo pa yung magazine nung mga kasama nya.

"Oo nga sya nga!"

"Ang cute nya pala talaga sa personal noh! Bagay talaga sila nung ka partner nya."

Ako ba pinag-uusapan nila?

"Baket?"

"Maganda ba ako ngayon?" Sabay ayos ng buhok at damit, "Ano sa palagay mo?"

"Psh! Kumain ka na lang ginugutom ka lang eh."

"Hays ano nga? May mga fans ako sa labas oh, baka kasi biglang magpa..."

"Kyaaaaahhhhh!!!" Sigawan nung mga babae kanina na nasa labas na ngayon ay nasa loob na at nasa harapan na namin sila.

"Baket?" Nginitian ko sila ayoko kasing isipin nila na suplada ako. "Gusto nyo ba ng autograph?"

"Pierce Clotton!!" Sigaw nung mga babe habang kinikilig kilig pa.

"Pi--pierce Clotton?" Kilala nila si Pierce?

"Woaaahh! Ang gwapo gwapo mo pala sa personal noh? Mas lalo kang nakaka inlove?"

Ahhh so ayun! Si Pierce pala ang kanina pa nila tinitingnan. Grabe!

"Pwede bang pa autograph naman?" Inilabas nila yung magazine at pentle pen. Tumango naman si Pierce at agad yung pinirmahan, pero teka sino yung kasama ni Pierce sa picture? Bakit ganun yung pose nya? -___-

Isosoli na sana ni Pierce yung magazine ng bigla ko itong kinuha, "Ako din. Asawa nya kasi ako, hi!" Pero parang mukha namang hindi sila natutuwa.

Pinirmahan ko yung magazine at nilakihan ko pa, dun mismo sa mukha nung babae. "Thank you Pierce!!" Sigaw nila habang papalabas.

I'm His Babymaker (WBM Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon