⌛️After 8 months -
Pierce POV -
Isipin nyo na lang na walong buwan na ang nakakalipas, isipin nyo na lang na mabilis ang panahon (gaya ng mabilis nyang paglimot sayo hahaha)
"Hindi pa ba sya matatapos?"
"Oo nga grabe ang tagal tagal."
"Wala bang lakad si Kuya ngayon?"
"Tsk! Akala ba nya nakaka impress yung ginagawa nya? Nagmumukha lang syang pagong gaya ng pagpapaliwanag nya ang bagal."
"Kapag hindi pa 'to natapos. Promised, babagasin ko na nguso ng lalaking 'to. Pigilan nyo 'ko!"
Biglang tumunog yung messenger ko. "Cut na unli ko guys. Chat muna!" Nagkatinginan naman kaming apat.
"Unahan na lang..."
"That's all for today thank..." Hindi pa sya tapos sa sinasabe nya ay agad na kaming nanakbong apat palabas ng opisina.
Tanggalan na ng mga kneck tie pati na rin ng mga polo na para kaming si Superman na nagpapalit habang nananakbo.
Halos sabay sabay rin kaming sumakay ng kanya kanyang mga sasakyan namin sabay mabilis na pina andar ang mga makina. Parang mag car racing sa bawat daraanan namin, nagkahiwalay hiwalay lang kami nung makadaan na sa crossing.
9 minutes lang ay nakarating na rin kami nila Soney at Roice sa pupuntahan namin. Nanakbo na agad kami papasok at pag dating namin dun ay ang dami ng tao.
My beautiful wife calling....
"Hell..."
"Anong hell hell ka dyan! Nasan ka na!?"
"Nandito na nga po ako oh!"
"Oh sige na babye na!"
"Huwag ng mainit ang ulo, I love..." Bigla naman nyang pinatay.
"Aish! Under ka talaga." - Soney.
"Palibhasa wala ka namang asawa."
"Magkakaroon din ako hintayin nyo lang!" - Soney.
"Daddy!!? Daddy!!? Daddy!!?" Sabay sabay na sabe nila Kalil, Ezekiel at Linnea.
"Okay, Dadies and babies smile!" Sabe nung teacher kaya naman nag smile na lang kami habang buhat buhat namin yung mga bata.
"Woah!! Ang cucute nyo naman po mga Daddies sa mga suot nyo."
Nakakahiya man pero sige na, naka t-shirt akong kulay blue okay na sana kasi panlalaki yung kulay ang malala nga lang ay Hello Kitty yung design. Si Roice naman ay Mickey Mouse at si Soney naman ay Baymax. Baket?
Family Day kasi ngayon sa school ng mga bata at kaming tatlo ang magrerepresent sa mga bawat games. Bakit kami?
Busy kasi ang mga girls kaya kaming mga boys ang nakatoka sa mga GAWAING BAHAY, PAGLULUTO, PAGLALABA, PAGPAPALIGO SA MGA BATA, PAGPAPATULOG AT PATI NA RIN SA PAG AAYOS KAY LINNEA tuwing papasok sya sa school. Nung una sobrang hirap kasi babae ang inaalagaan ko at hindi ako sanay sa mga ganung gawain pero ilang buwan na rin naman ang nakakalipas ay nasanay na rin ako.
Kinareer na naming apat ang pagiging MOMMY/DADDY at the same time.
Ako at si Roice busy sa mga anak namin kasi wala ang mga asawa namin. Si Cliff naman, ayun! Sobrang busy kay Allycole na ngayo'y nagdadalang tao. Oo 7 months ng buntis si Allycole, bilis ni Cliff noh? Wala eh ang motto nya kasi Mas okay na yun sure na naman ako eh at isa pa nasa tamang edad na kami, kaya mas okay na yung buntis kahit hindi pa kami kasal atleast hindi na maaagaw. Galing noh? Parang sira!
BINABASA MO ANG
I'm His Babymaker (WBM Book2)
Teen FictionWanted Babymaker Book 1 #2 Highest Rank in Teen Fiction. This is the continuation of the tragical love story of Leafy Sabrina Greigo and Pierce Viel Clotton.