Chapter 32 I love you Leaf

4.8K 127 7
                                    

Cliff's POV -

Pag dating ko sa opisina halos karamihan sa mga empliyado ay nag-uusap usap.

"What's going on here?" - Roice.

"Ano? Bagong issue na naman ba 'to?" - Soney, kaya naman kinuha ko yung phone nung isa sa mga empliyado at tama nga ako. This is all about Pierce, Leaf and what!? Si Charles!?

Hindi na ako nakapag pigil pa at nagsalita na ako pero sinigurado kong wala sila Lola dito.

"Kung ano man ang mga nalalaman nyo please huwag na muna sana 'tong makarating pa kay Tita Elizabeth. Isipin nyo na lang na para rin 'to sa kompanya, manahimik na lang tayong lahat at isipin na walang nangyareng ganito. You can go back to your work!"

Naglakad ako palabas at sumunod naman sila Roice at Soney.

Pumunta kami sa may rooftop at nilock ko na yung pintuan para walang makarinig.

"Ano bang nangyayare sa mundo ngayon? Bakit puro na lang problema! Problema! Problema!"- Soney.

"Natural lang na magkaroon ng hindi pagkaka unawaan ang isang mag-asawa pero dapat pa bang hanggang sa kompanya at pag-usapan pa yun? Privacy na nung mag-asawa yun eh!" - Roice.

Bakit umabot ang lahat sa ganito? Alam na siguro ni Pierce ang tungkol dito kaya siguro sya ilang araw ng wala sa sarili. Siguro ngayon naguguluhan ba yun, pero paano na lang si Leaf?

"Pst! Cliff?" Tumingin ako sa kanya, "Lagi ka na lang tahimik kapag ganito ang usapan tapos nag announce ka pa ng ganun kanina. Sabihin mo nga sa amin, baka naman may alam ka sa mga nangyayare ngayon." - Soney.

"Hays! Lagot na naman ako sa asawa ko nito." - Roice.

"Mas mabuti pang kay Pierce nyo na malaman ang kung ano mang tungkol dito."

Pagkatapos namin mag-usap usap tatlo ay napagdesisyunan ko ng puntahan si Pierce sa bahay ng makasalubong ko naman sa parking lot si Charles.

"Baket?" Hinawakan ko kasi sya sa braso bago pa sya makalampas sa akin.

"Tapatin mo nga ako, anong binabalak mo?" Inalis nya yung pagkakahawak ko sa braso nya at tiningnan ako mata sa mata.

"Sino ka para alamin ang mga plano ko?"

"Layuan mo si Pierce at Leaf. Bumalik ka na lang sa Amerika."

"At ikaw? Anong gagawin mo dito? Bakit hindi ka na lang din bumalik sa Europe? Tutal naman dun ka magaling." At naglakad na sya palayo sa akin.

Hindi kaya alam na nya.

(Jusko! Ang daming sikreto mga bes. Nakaka stress!)

Charles POV -

Nakasakay na ako ng elevator ng biglang may tumawag sa akin at eto rin yung tumawag sa akin nung nasa Amerika pa ako.

"Hello."

"Kamusta naman ang pasabog ko? Nag work ba?" Konting konti na lang talaga malapit ko ng malaman kung kaninong boses itong kausap ko.

"Salamat na lang sa mga impormasyong binigay mo sa akin. It helps me a lot!"

"Sabe ko naman sayo that I will help you."

"I don't need your help anymore, nalaman ko man ang totoo it doesn't mean na nakatulong ka. Alam mo bang mas lalo mo lang pinakomplikado ang sitwasyon, kaya please. Leave us alone! Tigilan mo na ako, at si Leaf." Bago pa sya makapagsalita ay pinatay ko na yung phone ko.

I'm His Babymaker (WBM Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon