Chapter 43 Blessing in the sky

4.1K 105 4
                                    

Leaf's POV -

Pagkatapos ng gabing yun ay umuwi na rin kami may mga gagawin daw kasi si Pierce, hindi ko na inalam pa ang mga nangyare nung araw na yun. Ayoko lang maalala at maisip na may ginawa akong kagagahan, aish! Pero hayaan na lang tapos na naman yun, tatlong linggo na rin naman ako nakakalipas. At sa loob ng tatlong linggo na yun ay wala akong ginawa kung hindi ang pumunta sa mga Guest shows, meeting dun meeting dito tapos bahay na. Hindi na ako makalabas ng bahay.

"Oh eh naka buo naman kayo?"

"Naka buo?"

"Oo, don't tell me hindi kayo nag sex." Kaylangan talaga direct to the point.

"Wa--wala."

"Yung totoo!?"

"Oh sige na nga! Meron, pero isang beses lang at isa pa parehas naman kami lasing nun. Hindi ko alam kung anong mga nangyare."

"Yeeeee!!! Hahahaha! Sabe ko na nga ba hindi pupwedeng wala, eeh! Kilala ko ang mga lalake. Ang lalake ay lalake lalo na ganun pa ang suot mo jusko, ewan ko na lang kung hindi tumayo yung eiffel tower nun. Hahaha!" Ngayon ko lang napansin na karamihan pala sa mga tao dito sa cafe ay nakatingin na sa amin. Aish! Eto naman kasing si Celine eh, punto kung punto magsalita.

"Nasan nga pala si Roice?"

"Ewan ko dun! Ilang araw busy, nakakaloka nga eh. Halos hindi na umuuwi ng bahay lagi na lang nasa condo ni Soney, akala nya siguro wala syang asawa." Si Pierce din busy eh, baka may problema lang sa kompanya. "Hindi ko nga alam kung sasamahan pa ako nun sa hospital."

"Hah? Bakit naman? Anong gagawin mo sa hospital?"

"Lumalaki na ang tyan ko at kaylangan ko na rin mag pa ultrasound." Ultrasound? Buntis? Nakaramdam tuloy ako ng pagkalumo. Namimiss ko na si Baby, ang swerte swerte nilang mag-asawa. Magkaka-anak na sila. :(

"Nakaka inggit ka naman. May aalagaan ka na!"

"Ih, huwag kang mainggit ano ka ba! Sabihin mo kasi kay Pierce gawa lang ng gawa mamuka't mo maka chamba na kayo diba? Pray lang. Oh ayan speaking of! Nagtext na si Roice, maglalunch daw kami at sasamahan na daw nya ako. Ikaw ba?"

"Hindi na, i'm okay! Mag enjoy na lang kayo."

"Oh sige ingat!" At lumabas na sya, sumakay na ng kotse nya.

"Hay nako Roice maging mabuti ka sanang ama, huwag mo ng gayahin yung ginawa sa akin ni Pierce noon." Hays! Naiisip ko na naman yun.

Balak ko sanang yayain si Pierce na sumimba kaso nagtext sya na hindi pa daw sya makaka alis. Pagtayo ko naman ay may nadunggil ako dahilan para matapos yung coffee nya.

"Ay sorry, sor---" Napatigil ako sa pagsasalita nung makita ko yung mukha nya, nakatitig kasi sya sa akin para 'bang kinikilalang mabuti ang mukha ko pero parang nakita ko na ang mukha nya noon, hindi ko lang ma build sa isip ko kung saan.

"Wait..." Tinitingnan nya ako mabuti, "Your face looks familiar... wait... no this cannot be." Nakatingin lang ako sa kanya, kilala ba nya ako? Nagkita na ba kami? "Woaahhh!! You're alive!" Huh? Loko, hindi pa naman ako namamatay. "Is that you, Ayumi?"

"A--ayumi?" Luh, Ayumi daw eh sa pagkakatanda ko 'yun ang pangalan nung asawa ni Charles na matagal ng namatay.

"Yes. Ikaw! Ikaw si Ayumi diba? Tama nga! Oo ikaw nga. Kamusta ka na? Long time no see! Simula nung aksidente wala na akong nabalitaan sayo, sorry pero alam ko patay ka na but I guess I was wrong. Nandito ka nga oh! Nasa harapan ko buhay na buhay, and you looked more beautiful huh?"

"So--sorry pero hindi kasi Ayumi ang pangalan ko. Leaf, Leaf ang pangalan ko at hindi Ayumi. Siguro nagkamali ka lang ng ng nakilala at parang hindi naman ako namatay." Hindi kaya pinaprank lang ako nito.y

I'm His Babymaker (WBM Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon