Chapter 69 Pierce is the real father

4.1K 109 6
                                    

Leaf's POV -

"Sino daw yung tumawag?" Habang kumakain sya ng ice cream.

Tiningnan ko yung number nung tumawag. Hindi ko alam kung kaninong number pero parang si Pierce yun, sya lang kasi ang tumawag sa akin ng 'bird brain' pero hindi naman pupwedeng tatawag sya sa akin pagkatapos ng lahat ng nangyare sa aming dalawa. Nag file sya ng divorce at pumunta na sila ng Amerika para dun mamuhay, kaya hindi naman pupwedeng si Pierce 'to.

Inilagay ko na yung phone sa bag ko.

"Wala, wrong number lang."

"Ay! Akala ko naman si Pierce na yung tawag ng tawag sayo at nagsasabe ng 'I love you' hindi pala."

"Na--narinig mo?"

"Oo, narinig ko mga usapan nyo. Naka loudspeaker kaya!" Shet! Paano na loud speaker yun? Aish! Napindot yata ng pisngi ko. "Gusto ka pa nga daw nyang balikan diba? At bird brain pa ang tawag nya sayo. Yung boses--ahmmm-- ka boses ni Pierce pati wala ka na namang naging ex diba? Bukod kay Pierce?"

Hindi kaya si Pierce nga? Hindi eh, hindi yun pupwede. At bakit? Kung sya ng talaga yung tumawag eh bakit naman nya ako babalikan pa?

"Hindi naman siguro, baka ka boses lang. Wrong number mamuka't mo tinatawagan nya yung ex nya at napamali lang ng number na natawagan, ganun."

"Ano yun? Coincident lang na parehas kayo ng pinagdadaanan ganun?"

"Ahh siguro, baka! Maybe! Malay natin."

Bigla namang tumunog yung phone ko kaya dali dali ko itong kinuha sa bag ko na halos mataranta na ako dahil hindi mabuksan, gawa nung may telang sumabit sa may zipper. At ng makuha ko na yung phone ko.

Charles calling.....

"Ano? Natameme ka? Akala mo yung tumawag ulit kanina noh?"

"Hello honey, baket?"

"Where are you? Naka impake na ang mga gamit natin, papunta na tayo sa airport." Oo nga pala ngayon na ang flight namin pabalik ng England. Nakipag kita lang ako saglit kay Celine para makapag paalam ng maayos.

"Oh sige susunod na ako. Bye! I love you."

"Go go na kayo?"

"Oo. Paano ba yan? Mukhang matagal tagal na naman bago tayo makakalabas."

"Hay nako! Wala na akong kasama pagshashopping."

"Si Allycole, diba ikakasal na sila ni Cliff?"

"Oo nga eh kaso hindi kami ganun ka close you know! Mainit ang ulo ko kay Hayley eh bestfriend sya este ex bestfriend sya ni Hayley, kaya medyo hindi kami-- alam mo na."

"Sus! Okay lang yan. Ex na nga diba?"

"Oo nga tama! Ex na nga eh! Echepwera na yon! Ang past hindi na dapat binabalikan diba?"

Ang past hindi na dapat binabalikan? Tsk, eh ano naman sa akin? Psh!

Nag drive na ako pauwi na ng bahay, napatigil ako kasi naka green light. Tamang tama namang sa tabi nun ay may tindahan ng mga phone.

"Miss, kukuhanin ko 'to." Sabe ko dun sa sales lady. Bumili na rin ako ng bagong sim at itinapon yung dati kong phone. "This is your time Leaf to move-on. Okay lang yan para hindi na sya makatawag, para mas madali kang makaka move-on diba? Wooo! Okay lang yan. Okay lang talaga, let him go. Makakalimutan mo din sya, makakalimutan mo din ang dating kayo, makakalimutan mo rin pati mga memories na magkasama kayo hindi mo namamalayan isang araw nakalimutan mo na pala sya."

I'm His Babymaker (WBM Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon