Pierce POV -
"Napano 'yang pasa mo?" Pagtatanong ni Soney.
"Aish! Nakakahiya mang aminin pero sige, sasabihin ko na. Si Celine kasi eh! Galit na galit sa akin nung nalaman nyang lalake yung baby sa tyan nya. Sinisisi nya ako, hindi daw ako marunong gumawa ng babae! Eh malay ko ba kung paano gumawa ng ganun! Kung meron nga lang tamang posisyon para magka baby na babae edi sana matagal ko ng nagawa kaso hindi naman ganun kadali 'yun. Kaya ayan, pinag bubugbog nya ako kagabe at talagang hindi nya ako tinigilan hangga't hindi sya napapagod. Kung hindi nga lang buntis at mahal ko yun, sisipain ko talaga 'yun." Sabe nya habang dina dampi dampi yung ice bag sa mga pasa nya.
"Huwag ka kasing mag-aasawa ng anak ng boxing-ero o may lahing basagulero. Tingnan mo yang sarili mo, lagi ka na lang bugbog sa misis mo." - Cliff.
Nandito kami ngayon sa opisina at ilang araw na rin akong busy pati na rin sila, tinutulungan nila ako para sa surprise wedding na gagawin ko para kay Leaf. Matagal ko na talagang balak gawin 'to kasi hindi naman ako nakapag propose sa kanya tapos hindi naman kami nakakapag celebrate ng maayos every month simula ng ikinasal kami dahil ngayon pa lang naman kami nagkaka mabutihan at isa pa, malaki 'yung nagawa kong kasalanan sa kanya nitong nakaraang buwan kaya gusto ko lang bumawi.
Kanina naman gustong gusto ko na sanang umuwi eh ang kaso, ayaw pa ako pauwiin ni Leaf ewan ko ba sa babaeng yun kung bakit. Napapraning na naman yata! Mga babae nga naman, kapag ang mister nila gustong umuwi ng maaga ayaw naman nila papauwiin agad o may papadaanan muna pero kapag naman na late umuwi kung ano ano ang iniisip..😒
"Huwag nga ako ang sermunan nyo! Etong si Soney ang tingnan nyo, ayan oh! Kanina pa 'yan hindi mapakale at tulog! Mukhang lasing na naman yata, hindi pa 'yan nakakatulong sa gawain natin." - Roice.
Kaya hinagisan ni Cliff si Soney ng karton, "Aray! Para saan yun!? Ang sakit sakit na nga ng ulo ko eh, babatuhin nyo pa." Habang nakahawak pa sa ulo nya. Nagising kasi sya sa pagkaka bato sa kanya ni Cliff.
"Ano ka?! Nag-inom ka na naman kagabe noh!?" - Cliff kaya tumayo na si Soney mula sa pagkakahiga sa sofa at umupo na rin sa may pwesto namin habang nagkakamot ng ulo.
"Napasabak lang. May naghamon kasi sa akin ng inuman kagabe, boyfriend nung magandang chixx na nakita ko sa may park! Tapos ang sexy pa at ang laki pa ng... nevermind hindi nga pala kayo mga open minded, basta ayun! Sabe nya kapag nanalo daw sya tantanan ko na daw girlfriend nya, eh sheda! Yung babae pa nga ang patay na patay sa akin at ayaw akong tantanan simula ng makita ako. Alam nyo namang hanggang unang tingin lang ako at one night stand, kasunod non ay tama na! Hindi naman ako naghahabol sa babae." Pagpapaliwanag nya.
"Kung ayaw mo eh bakit ka naman pumatol?"
"Ang yabang kasi eh! Ayoko ng ganung niyayabangan ako." Iba rin itong si Soney eh kapag alam nyang niyayabangan sya at alam nya sa sarili nyang kaya nya, hindi talaga sya magpapatalo.
"Oh tapos anong nangyare?" Pagtatanong ni Roice at matagal tagal bago pa sya nakasagot, iniisip pa 'yata ang mga nangyare kagabe sa kagaguhan nya.
"Hindi ko na alam, sa sobrang kalasingan ko kagabe. Wala akong maalala basta ang alam ko may naka sex ako kagabe, aray!!" Pinalo na naman sya ni Cliff.
"Umayos ka nga! Lasing ka tapos makikipag sex ka sa hindi mo kilala at sa kung sino sinong babae lamb, eh papaano kung mabuntis mo yung babae hah!? O kaya naman may magpakilalang anak mo 'yung dinadala nya kahit na wala naman nangyare sa inyo kasi nga wala kang maalala. Anong gagawin mo?" - Cliff.
"Chill pare! Para namang hindi nyo kilala itong si Soney, lagi yang handa. Sa kotse, sa pantalon, sa wallet at kahit saan lagi yang may condom hindi yan gagalaw ng walang condom. Kaya nga nung una nagtaka ako at hindi nagka HIV 'to sa dami na ng nagalaw nya, yun pala may gamet. Hindi na talaga nakakapag takang malakas gumawa ng kagaguhan ang gago." - Roice.
BINABASA MO ANG
I'm His Babymaker (WBM Book2)
Teen FictionWanted Babymaker Book 1 #2 Highest Rank in Teen Fiction. This is the continuation of the tragical love story of Leafy Sabrina Greigo and Pierce Viel Clotton.