Pierce POV -
"Mukha namang walang nangyayare." - Roice.
"Naka-ilang kape na ba sya at naka tulog na ba 'yan? Bakit ganyan sya katulala ngayon? May nangyare ba?" - Cliff.
"Hello, Uncle!" Napangisi naman ako. "Uncle?"
"Hah?" At ngayon ko lang napansin na nandito na pala silang dalawa habang pinagmamasdan ako, kanina pa siguro ako wala sa sarili.
"Ahh--wala. Bakit nga pala kayo nandito? May meeting ba?"
"Kanina pa kami nandito tinitingnan ka habang nakatulala at nakatingin sa kawalan." - Roice.
"Kanina pa rin kami nagsasalita dito pero mukha namang hindi ka nakikinig at wala ka sa sarili mo! Nag try ka 'bang may drugs?" - Cliff.
"Aish hindi noh, hindi naman ako tanga! Eh ano nga kasing ginaga---" napatingin ako sa table ko. Ang dami na palang mga dapat pirmahan.
"Hindi mo na kasi natapos 'yan kahapon, kaya natatambakan ka tapos ngayon lutang na lutang ka naman. Ano ba kasing pinagkaka busy-han mo hah?" - Cliff.
"Wala. Kamusta na nga pala kayo ni Ally?" Dinulatan naman nya ako. Parang ang ibig nyang sabihin dun ay, huwag 'kang maingay nandito si Roice.
"Ba--ba--- baket? Kayo na ba ulit hah?" Tinapik naman sya ni Roice sabay batok. "Ikaw hah!? Hindi ka 'man lang nagsasabe hahahaha!!! Yeee! So ano ng status nyo!? In a relationship na ba?" Mukha namang problemadong problemado si Cliff ngayon, pasensya na wala rin ako sa sarili ko eh pati eventually malalaman at malalaman rin naman ni Roice 'to.
"Aish--- umayos ka nga, ang daldal mo!"
"Good morning---oh! Nandito pala kayo." Naglakad na sya papasok. Pansin ko naman kay Cliff na biglang namula. "Bakit ang pula pula mo? May sakit ka ba?" Hahawakan na sana sya ni Ally sa noo kaso bigla syang umiwas dahilan para malaglag sya sa upuan. Pasimple namang tumatawa si Roice. Aish! Napaka papasaway. "Ano! Magdahan dahan ka nga!" Tutulungan na sana sya ulit nito pero patuloy pa rin sya sa pag-iwas.
"Wa--wal--hays! Wala akong sakit! Okay lang ako. Natural lang na mamula ang mukha ko kasi may lahi talaga kaming may pagka rosy chicks ang pisngi. Dyan na nya kayo! Marami pa akong gagawin." Lumabas na sya ng opisina at sumunod naman si Roice na natatawa tawa pa. Naiisip ko pa lang yung proposal ni Cliff kay Ally ay ako na ang nahihiya, sobrang torpe ni Cliff pag nandyan si Ally, hindi sya makapag concentrate.
"Anong nangyare dun? Singga ba 'yun?" - Ally.
"Ikaw naman alalang alala, huwag mo ng intindihin si Cliff baka may lovenat lang 'yun."
"Hah? Ano? Lovenat? Bakit? May girlfriend na ba sya?" Halata sa itsura nyang gulat na gulat sya na may halong galit hahahahahaha--- nakakatawa 'tong dalawa na 'to panoodin aba!
"Wala! Wala. Nevermind!" Nagpatuloy na ako sa pagpipirma ng dinala nya yung upuan sa tabi ko at umupo.
"Ano nga!? May girlfriend na ba sya? O may nagugustuhan? Sino? Sino? Maganda ba sya? Maputi ba? Matangkad ba? Ano? Magsalita ka nga!! Kausapin mo 'ko!! Sagutin mo 'ko!!! Meron na ba!?" Inuuga uga nya yung upuan ko kaya ibinaba ko yung pen ko at humarap sa kanya.
"Bakit ka interisado? Gusto mo ba sya? Nagseselos ka ba kung meron 'man? May feelings ka pa ba sa kanya? Ano? Magsalita ka! May chance pa ba kayong dalawa?"
BINABASA MO ANG
I'm His Babymaker (WBM Book2)
Teen FictionWanted Babymaker Book 1 #2 Highest Rank in Teen Fiction. This is the continuation of the tragical love story of Leafy Sabrina Greigo and Pierce Viel Clotton.