Chapter 27 Revelation

4.2K 108 3
                                    

Pierce POV -

"Wala ka bang trabaho ngayon?" Sabe nya habang namamapak ng gatas yung powder, ewan ko ba sa babaeng 'to. Pwede namang timplahin.

"Meron, baket? Mamimiss mo agad ako?" Pagbibiro ko.

"Asa ka!" Nandito kami ngayon sa dinning area kumakain ng breakfast, "Kaylan ka magkaka day off?"

Ibinaba ko yung kutsara't tinidor na hawak ko at tumingin sa kanya, "Alam mo pwede mo naman sabihin sa akin na huwag na muna akong pumasok dahil pwede naman yun! Hindi 'yung nagbibigay ka pa ng clue na bubuoin ko pa sa isipin ko kung anong ibig mong sabihin." Nagpatuloy na ako sa pagkain.

"Ihh ayoko ng ganun! Ang trabaho ay trabaho! Priority mo yun."

"Baliw ka ba? Anong priority ko ang trabaho? Hoy, mas priority ko kayong dalawa ni baby."

"Ah basta pumasok ka sa trabaho okay?"

"Oo na, eh bakit mo ba tinatanong?"

"Gusto ko kasing manood tayo ng cine."

"Cine? Baket? Ayaw mo bang hintayin na lang yung premier night ng movie nyo?"

"Yun nga!" Hindi sya tumitingin sa akin. "Gusto kitang makasama panonood sa premier night." Ahh! So malapit na pala ang premier night ng movie nila? Wow! Shucks! Tsk!

"Yun lang ba? Shempre naman pwede, first movie mo yun kaya dapat nandun talaga ako."

"Talaga?" Yung mga mata nya nangingintab tapos yung ngiti nyang hindi mapipigilan.

"Oo. Bilisan mo na dyan kumain at idadaan kita dun sa fashion designer ni Lola, ipagpapagawa kita ng gown for that night."

Agad syang tumakbo at niyakap ako, "Thank you! Thank you! Thank you Pierce!"

"Oo na, bilisan mo at maligo ka na."
Walang sagot sagot ay nanakbo na sya pataas ng kwarto. Ngayon ko lang napansin kahit pala ganun ka pasaway ang asawa ko, cute din pala sya tingnan. Lalo na ngayon suot suot nya yung binili kong pajama na strawberry print ganun din yung shirt kasi terno yun at mas nagpacute pa yung buhok nyang yung unahan lang ang nakatali tapos wala pa syang kahit na anong make-up sa mukha, ang gandang tingnan at pagmasdan. Sobrang natural.

Habang hinihintay ko sya matapos nandito lang ako sa loob ng kotse tinitingnan ko yung box nung singsing na ngayon ay na kay Hayley, hindi ko na nakuha nung nagkita kita kami nung isang araw dun sa restaurant. Kasi kapag ginawa ko 'yun alam kong mas guguho ang mundo nya.

Bakit ba hindi matuloy tuloy yung pagpopropose ko kay Leaf? Matutuloy na sana kaso sablay. Aish!

"Seryoso ka dyan ah! Ano yan?" Agad kong itinago yung box.

"Napaka chismosa mo! Nga pala, may tanong ako."

"Ano naman yon?"

"Gusto mo bang magpakasal ulet?"

"Hah!? Hahahahahaha... baket? Kakakasal lang natin last 2 months ah! Gusto mo ulit?" Habang nag aayos ng damit sa pagkaka-upo.

"Hi--hindi naman sa ganun.."

"Kaya ba nagpropose ka? Ahmm, siguro sa susunod na lang may trauma pa ako dun sa nangyare nung isang araw. At isa pa, huwag na muna natin problemahin yun lalo na ngayon magkaka baby na tayo yun dapat ang paghandaan natin. Naikasal na naman tayo at yun ang mas mahalaga." Sa bagay may point din naman sya at isa pa, hindi pa ulit ako nakakabili ng singsing. "Let's go!"

Charles POV -

"Mukhang okay na si Yumi ngayon hindi na tulad nung isang linggo." - Lawrence.

I'm His Babymaker (WBM Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon