Pierce POV -
Nandito pa rin kami ni Kalil sa mall and while waiting for his mom, ginugol nung bata yung oras niya sa pagtingin ng mga toys na bibilhin niya.
"Daddy, daddy I have to pee." Bulong niya kaya dinala ko na siya sa cr at na upo na lang muna ako sa bench sa labas mismo ng cr para makita niya agad ako sa pag labas niya.
Habang hinihintay ko siya ay tumunog ang cellphone ko, Tomorrow is Kuya Charles birthday🎈
He's turning 32 by tomorrow still we haven't heard any girl names from him. Naisip pa kaya niyang mag-asawa ulit? I mean, he's totally fine, fine than me I guess. Tsk! Mas gusto nga ni Leaf na siya ang mapangasawa noon ni Kuya kaysa sa akin at--- sa limang taon na nakalipas hindi siya umuwi ng Pilipinas, maybe--- he's still into Leaf? Hindi pa rin kaya siya maka move on kay Leaf kaya hanggang ngayon, wala pa rin?
"Hindi pa siguro ito ang tamang oras para sa kanya," pag tingin ko sa may cr ay naabutan ko siyang nakatulala habang naglalakad papalapit sa akin kaya naman agad ko siyang nilapitan, "why? What's wrong hm?"
"Daddy I think I saw her." Tulala pa rin siya.
"Who?" Habang inaayos ko yung damit niya at tinitingnan kung maayos lang siya.
"My crush daddy! I saw her, I saw her!" Habang nagtatatalon sa tuwa, hindi na siya nakatulala ngayon kung hindi para 'bang na amaze siya sa nakita niya.
Napangiti naman ako at inaayos ang buhok niya, "so you have an another crush? Who? Is she pretty?"
"No Daddy! I only have one crush and it's Leafy and I saw her." Bigla namang bumilis ang pag tibok ng puso ko at agad akong tumayo at tumingin sa paligid, iniisa isa ko ang bawat mahahagip ng mga mata ko.
"Na--nakita mo si Leaf?"
"Yes daddy! Pagkalabas ko po kanina nakita ko siyang nag-aayos ng bag niya, hindi ko na nga po nasundan mukhang nagmamadali. Hindi nyo po ba sya nakita?"
"Opo daddy, pagkalabas ko po ng bayo kanina nakita ko po siyang nag-aayos ng bag niya. Hindi ko na nga lang po siya nasundan kasi mukhang nagmamadali. Hindi niyo po ba siya nakita? Lumampas po siya mismo sa harapan niyo."
Busy ako sa pag tingin sa phone ko kanina kaya hindi ko napansin yung tinutukoy niya pero--- papaanong nakita niya si Leaf? Paanong mangyayare 'yun eh matagal ng patay si Leaf.
"No, I didn't see her."
"Pierce, Pierce?" Si Hayley na ngayo'y nasa harap na namin. "Kanina ko po kayo tinatawag pero hindi ka tumutugon, may nangyare ba hah?"
"Wala naman." Matapos nun at sinundo lang niya si Kalil at dumiretso na ako sa opisina.
Hindi pa rin maalis sa isip ko yung mga sinabi ni Kalil kanina, alam ko na hindi ko dapat 'yon paniwalaan dahil bata siya, hindi niya kilalang kilalan si Leaf at patay na siya pero parang totoo eh, parang totoong nakita mismo ng mga mata niya si Leaf at hindi naman para magsinungaling yung bata.
"I'm in trouble." Napabuntong hininga na lamang ako.
"Gaano ba kalalim 'yang iniisip mo nang makapag handa at makabili na ng salbabida." - Roice.
"Sa tingin ko, sobrang lalim na ang kahit salbabida ay hindi makakasalba. Ano ba 'yang iniisip mo at simula ng dumating ka ay lutang ka? May problema ba?" - Cliff.
BINABASA MO ANG
I'm His Babymaker (WBM Book2)
Novela JuvenilWanted Babymaker Book 1 #2 Highest Rank in Teen Fiction. This is the continuation of the tragical love story of Leafy Sabrina Greigo and Pierce Viel Clotton.