Chapter 10 Moody Pierce

5.7K 143 5
                                    

Leaf's POV -

First day ko ngayon sa tapping as in ngayon ko na talaga gagamitin yung acting skills ko.

"Pierce, gising na! Bangon na!" Naka ilang kuhit na ako sa kanya pero hindi pa rin sya nagigising. "Pierce dali na! Bangon na! Anong oras na oh!"

Gumilong sya papunta sa kabilang side ng kama pero yapos yapos nya pa rin yung paborito nyang unan. "I'm sleeping.."

"Pero Pierce! Ngayon ang first day ko, akala ko ba sasamahan mo 'ko?" Pero hindi sya umiimik. "Oh sige na nga matulog ka na dyan."

Pumunta na ako sa kusina, naghanda lang ako ng sandwiches para naman may mamimiryenda ako just incase na magutom. Nagpadeliver na lang ako ng breakfast sa isang fast food, sabe kasi ni Pierce huwag daw akong magluluto tawagin ko daw sya pag may gusto akong kainin. Eh sa nakikita ko mukhang wala syang balak magpagising.

Pumasok na muna ako sa kwarto para makapag paalam at shempre itinakas ko yung susi ng sasakyan nya. Hihihi.

"Good night honey, sweetdreams."

Dahan dahan akong humakbang palabas ng bahay. Matalas kasi pandinig nun.

First time kong gagamitin ang sasakyan nya kaya dapat doble ingat kung hindi magsasalubong na naman ang mga kilay nya. Alam nyo naman yun, masungit.

Nagdrive na ako papunta sa location ng tapping. Around 5:30am na rin nun kaya marami na rin ang tao sa kalsada.

Charles calling....

"Hello Charles!" Buti na lang at malapit lang sa kinauupuan ko yung bag ko. Nandun kasi phone ko. "Baket?"

"I love you."

Bigla kong naihinto yung sasakyan sa sinabe nya. Jusko! Muntik ko ng mabangga yung nagbibisikleta.

"A--anong sabe mo?"

"Ow the I love you?" Shet! Bakit parang biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Anong nangyayare naman sa akin? O baka dahil sa muntik ko ng mabangga yung mama kanina? "Nagpapaalam lang ako kay Ayumi, sya yung sinasabihan ko ng I love you. Sorry."

"Ahh ganun ba? Wala yun noh! Nabigla lang ako... eh bakit ka nga ba napatawag?" Pag iiba ko sa usapan.

"Lawrence told me na tawagan ka baka daw kasi tulog ka pa."

"Hindi. Sa totoo nga nyan papunta na ako sa location."

"Excited huh? Anyway, I have to go. Magcocommute lang muna kasi ako ngayon."

"Bakit naman? Sumabay ka na lang sa akin, gamit ko kasi yung sasakyan ni Pierce."

"No thanks."

"Ihh sige na. Mas malelate ka kapag nagtaxi na pa, sumama ka na lang sa akin tutal hindi ko rin masyadong kabisado yung lugar."

Sinabe nya lang sa akin yung address ng bahay nila at salamat mabilis ko 'yon nahanap. Nasa labas na sya ng gate, hinihintay yata ako.

"Sorry bago lang kasi ako sa lugar na 'to eh."

"No problem. Gusto mo bang mag tour muna sa bahay?" Mukhang maganda yung loob ng bahay nya.

"Next time na lang malelate na rin kasi tayo. Let's go!"

Sumakay na kami ng sasakyan pero ako pa rin ang nagdadrive, "Alam mo ba kung ano ang pang top 4 sa list namin ni Pierce?"

Top list? May ganun? "Ano?"

"Bawal gamitin ang sasakyan ng bawat isa. Kaya sorry kung hindi ako ang magdadrive. I know hindi ako nagmukhang gentleman, pero pag nagsalita kasi si Pierce dapat gagawin. Dahil kung hindi magagalit talaga sya."

I'm His Babymaker (WBM Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon