Malamig
"Oh teka... teka... selos agad tong si fafs e! Sinamahan ko lang si Venice!" Tatawa tawang sabi ni Tyler. Buti pa ang mokong na to at nagawa pang tumawa. Hindi siya pinansin ni Anthony kaya tumawa ulit siya sabay iling.
"Lakas ng tama... huwag kang mag-alala fafs, takot ako kay Stephanie, under ako non," pumunta na siya sa motor niya ni hindi man lang siya nilingon ni Anthony at nakatitig lang ito ng matalim sa akin. Anong ginawa ko? Okay, I admit it. I did something wrong. Pero kasi e...
"So paano ba yan Ven, Mark, una na ako. Pag-usapan niyo na ang dapat pag-usapan." This time ay nilingon na siya ni Anthony, agad naman akong nabunutan ng tinik at huminga ng maluwag. Hindi na ako nakakahinga ng maayos kanina dahil kay Anthony!
"Ingat." Tumango naman si Tyler atsaka muling pinaharurot paalis ang motor.
Napaatras ako nung naglakad siya papalapit sa akin, kumunot ang noo niya pero nagpatuloy pa din siya sa paglapit sakin. Kinakabahan na talaga ako.
Nagulat ako nung paglapit niya ay bigla niya akong niyakap, ramdam kong sa pagyakap niyang yon ay parang safe na safe ako. Napangiti na lang ako, sa lahat ng pinagdaanan ko noon, nagpapasalamat ako dahil binigyan ako ng gaya ni Anthony at ng mga panibagong kaibigan, oo, pinagkakatiwalaan ko na sila. Sana lang ay... sana lang ay hindi sila gaya nina Lucy. Sana lang ay totoo ang mga ipinapakita nila sa akin at wala iyong kapalit.
"What do you think are you doing? And where do you think are you going?" Sigaw niya sa akin matapos akong yakapin. Sinimangutan ko siya, matapos niyang yumakap ng mahigpit ay sisigaw sigawan niya na lang ako? Hindi patas yon! Pero dahil may kasalanan ako ay mananahimik na lang muna ako.
Yumuko ako atsaka pinaglaruan ang mga daliri ko, syempre nagpapacute ako para hindi na siya magalit. Aba ano pang silbi ng pagiging maganda ko diba kung hindi ko naman gagamitin.
Dinig ko ang pagbuntong hininga niya, "Let's go, you can stay at my place." His what?
"No, hindi pwede. I need to be alone. I need to think."
"You can be alone, I have 2 rooms, the other one will be your room. You can lock the door and be alone so you'll be able to think what you need to think." Mariin niyang sabi bago kinuha ang maleta ko at naglakad. Sinubukan kong umalma pero hindi niya na ako pinansin. What a boyfriend. Pero sa kabila noon ay napangiti pa din ako. Ang bilis magselos.
Pumasok kami sa Miyaki Academy, nag-usap sila ng guard pero hindi ko 'yon madinig dahil nahuhuli ako sa paglalakad, maya maya ay nakangiting tumango si manong bago binuksan ang gate.
"Oh hija! Mukhang pagod na pagod ka ah.." bati niya nung makalapit na ako sa kanya, hindi kami magkasundo ni manong dahil nga napakataray kong tingnan at isa pa hindi naman ako pala salita.
"Oo nga po, sige po manong. Mukhang naiinip na yung kasama ko..." binigyan niya lang ako ng tango kaya naglakad na ako papalapit sa nag-aabang na si Anthony.
Nung una ay hindi ko alam kung bakit dito sa Akademya ang punta namin, pero ngayon ay napagtanto kong marahil nakapark ang sasakyan niya dito.
Nakasandal siya sa kotse niyang hindi ako pamilyar kung anong klase. Hindi naman ako mahilig sa sasakayan. Wala na sa tabi niya ang maleta ko, mukhang naipasok niya na iyon sa likod.
"Pasok." Sabi niya atsaka binuksan ang front seat, umirap na lang ako at sinunod ang gusto niya. Napatalon ako sa gulat dahil sa lakas ng pagkakasara niya sa pinto kaya ay sinigawan ko na siya.
"Hoy Anthony! Paano kapag naipit ako don!?"
Umikot siya at umupo sa driver's seat at gaya ng pagsasarado niya sa pintuan ko ay padabog niya ding isinara ang kanya.
BINABASA MO ANG
A Nerd With Class
Novela JuvenilSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...