ANWC: 38

707 31 1
                                    

Visitor

"Aysus! Kinilig ka lang sa kinanta ko e." Balik asar ko kay Anthony, nilalait ba naman boses ko.

"And why would I? You just... sing..."

"Wow, just? For your information, ang kantahan ng isang Margarette Venice Park ay napakalaking prilebihiyo---what the--- prebihiyo--- ugh! privilege na nga lang!" Humagalpak nanaman siya ng tawa, bwiset! Ginagawa akong clown ng mokong na to! Bakit kasi nakakabulol bigkasin yon?

Hindi ko na lang siya pinansin, kumuha ako ng carbonara at garlic bread, isa ang mga 'to sa paborito ko na siyang paborito niya rin. Nagpatuloy na kami sa pagkain pero hindi pa din nawawala ang kaingayan namin. Ganito na ako noon pa man, nagbago lang naman yon ng dahil sa nangyari sakin. At masaya ako kasi unti unti na akong bumabalik sa dati, pero hindi ako babalik sa pagiging tanga at mahina. Hindi na ulit ako magpapaloko sa iba. Hindi na...

"Hoy Anthony, huwag ka ngang naninipa" inis kong sabi sa kaharap ko, nananahimik kasi akong kumakain dito tapos naninipa siya ng naninipa.

"Hindi ako yon"

Inirapan ko na lang siya, kukuha sana ako ng juice ng sipain niya nanaman ako. Ugh! Letse!

"Ikaw ba... talagang hindi titigil? Sasapa---" natigil ako sa panenermon ng biglang may nagdoor bell, napatingin naman ako kay Anthony at sumeryoso na siya ngayon.

May bisita siya? Sino?

Akmang tatayo na sana ako kaso pinigilan niya ako at sinabing siya na daw ang magbubukas. Um-oo na lang ako dahil seryoso pa din ang aura niya, nacucurious na tuloy ako kung sino yung nagdoorbell at mukhang napakaimportante naman non.

Ipinagpatuloy ko na muna ang pagkain ko, nagutom talaga ako e, bat ba. Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa ding pumapasok sa loob kaya nagdesisyon na akong sumunod, agad akong dumiretso sa may pintuan na nakabukas pa, mukhang nakalimutan niyang isara kakamadali. Nakita ko siya sa may gate na may kausap na isang babae... hindi ko makita ang mukha nung babae dahil nakaharang ang likod ni Anthony.

"Anthony? Sino yan?" Natigil sila sa pag-uusap pero hindi humarap sakin si Anthony. Nung tuluyan nakong makalapit sa kanila ay agad na nanikip ang dibdib ko ng makita siya dito. What the fvck is she doing here?

Mukhang shock din siya dahil nandito ako. Bakit? Siya lang ba ang may karapatan na magpunta dito? Oh well, mas may karapatan nako ngayon dahil ako na ang girlfriend at kaibigan lang siya.

"Anong ginagawa mo dito?" Hindi ko na napigilang magtaray sa kanya, naiinis ako.. sobra. Ugh! Hindi ko maintindihan kung bakit lagi na lang siyang sumusulpot, kung bakit kapag masaya ako bigla siyang darating para pawiin yung saya ko. Noong una si Jake, tapos ngayon ay si Anthony naman? Wao.

"Ah.. nandito ka pala.." tinaasan ko lang siya ng kilay at tiningnan yung hawak nitang paper bag at malaking kahon na mukhang cake ang laman. Naks, effort ha.

Mukhang napansin niya naman yata kung san ako nakatingin kaya kusa na niyang sinabi kung bakit siya may dalang cake at regalo.

"Napadaan lang ako... ibibigay ko lang tong gift at cake kay Mark,"

Tiningnan ko naman si Anthony at nakatingin lang siya sakin, tinitingin tingin nito.

"Kunin mo na, papasok na ako sa loob. Mukhang may pag-uusapan pa kayo." Sabi ko, tatalikod na sana ako kaso ay nagsalita siya.

"No. Wait for me. If she wants to say something it's okay if you'll hear it, you're my girl friend so you have the rights..."

Napanguso ako dahil sa sinabi niya, syempre nagpipigil ng ngiti. Bwisit. Kahit na kinikilig ako ay hindi nakatakas sakin ang nagtutubig na mata ni Lucy, hindi ko alam pero parang ramdam ko din yung pain na nararamdaman niya...

"I just want to greet you, happy birthday best buddy. I hope that you're happy now, I... I  miss you." Ngumiti ito ng mapait atsaka biglang niyakap si Anthony, nashock siya at mas lalo ako. Hindi ko alam kung anong irereact ko, sa harap ko talaga Lucy? Wala ka na ba talagang natitirang hiya sakin? Wala ka na ba talagang natitirang concern sa akin? Sa nararamdaman ko?

Ilang minuto na pero mukhang walang planong bumitaw tong si Lucy, buti na lang at si Anthony na ang kusang nagtanggal sa kamay niya dahil kung hindi baka di nako nakapagtimpi at masabunutan ko na siya ng wala sa oras.

"Salamat..." Tipid na sabi ni Anthony, tumingin muna siya sakin bago nagsalita ulit. "Salamat.. Lucy, I'm happy because you didn't forget my birthday. And yes... I'm happy now, I'm happy with Margarette."

Doon na tuluyang bumagsak yung mga luhang kanina niya pa pinipigilan. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Anthony at kita ko din ang pagpapanic sa mata niya. Tumingin siya sakin bago tumingin ulit kay Lucy, hindi ko alam pero humigpit ang hawak ko sa kamay niya.

Nasaktan na ako ng isang beses at hinayaan ko lang yon. Pero ngayon, hindi na ako papayag ganon ulit ang mangyari. Lalaban ako. Ipaglalaban ko ang mga dapat ay sa akin.

"I'm okay... I'n just happy for the both of you.." nahinahon pero humihikbing sabi ni Lucy. Hindi ako gumalaw o nagsalita. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya ng may blangkong ekspresyon.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin, sobrang tahimik na parang may dumaang anghel sa gitna namin. Labag man sa kalooban ko ay nagsalita na ako,

"Do you want to go inside?" Nanlaki ang mga mata ni Lucy at napatingin naman sa akin si Anthony, hindi ko na lamang pinansin ang mga reaksyon nila, hinila ko na si Anthony papasok sa loob ng bahay at hindi naman siya nagprotesta. Hindi ko alam kung susunod si Lucy pero mas gusto kong huwag na nga siyang sumunod dahil pakiramdam ko ano mang oras ay sasabog na lahat ng inis na kanina ko pa pinipigilan.

Ngunit makalipas lamang ang ilanf minuto ay may mga yabag ng sumusunod sa amin papuntang kusina, wow, talagang pumasok at sumunod siya. Binitawan ko na si Anthony atsaka umupo sa upuan ko kanina at ipinagpatuloy ang pagkain, lumipat naman ng pwesto si Anthony sa tabi ko.

"Kumain ka na ba? Saluhan mo na kami," Anyaya ni Anthony kay Lucy na hanggang ngayon ay nakatayo pa din. Anong gusto niyang mangyari? Bigyan pa namin siya ng special treatment?

Ngumiti ito kay Anthony atsaka umupo sa upuang inuupuan ni Anthony kanina which is sa harap ko.

"Thank you.."

Hindi ko na natiis at napairap na lang ako na alam kong nakita nila, ipinagpatuloy ko lang ang pagkain ko at hindi na sila pinansin,

"You want this?" Lagi akong inaalok ni Anthony ng pagkain at naiirita ako dahil lagi ding tumitingin si Lucy. Ano ba ang gusto niyang mangyari?

"Ako na ang magliligpit ng pinagkainan natin," agad kong sabi nung matapos na kaming kumain.

"Tulungan na kita." Tiningnan ko si Lucy bago tumango. Alangan namang tanggihan ko siya.

"I'll call Stephan and the others to come here, is that okay, Marg?" Tinigil ko muna ang pagkuha ng mga plato at hinarap si Anthony,

"Yeah,"

Tumango ito atsaka umalis, tahimik naman kaming naiwan ni Lucy, kinuha ko na ang natitirang mga baso atsaka nilagay sa lababo para makapagsimula na sa paghuhugas. Naiwan naman si Lucy na nagpupunas ng mesa,

Sinimulan ko ng hugasan ang mga plato dahil paniguradong dadami nanaman ito mamaya pag-dating ng barkada, sana lang ay umalis na din si Lucy bago pa dumating sina Maxine para iwas gulo. Maya-maya ay tumabi sa akin si Lucy, nilagay ang basahang ginamit niya kanina sa gilid. Hindi naman ako umimik,

"Venice... Can we talk?"

A Nerd With ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon