Truth or dare
Aww. Ang sakit ng ulo ko. Hayy, tinatablan pala ako ng sakit. Napatingin naman ako sa paligid ko, at nakita ko si Anthony sa gilid ng kama ko, tulog na tulog. Napangiti na lang ako, inalagaan niya ako kagabi. Hindi ko alam na may puso din pala ang isang 'to, hindi ko alam na may iba pa pala siyang alam gawin maliban sa asarin ako at mahalin ang ex best friend ko. Natawa na lang ako sa iniisip ko.
"Gising ka na pala, kumusta?" Napatingin naman ako kay Anthony na kinukusot kusot pa yung mata niya. "Okay na ako, thank you." Sabi ko atsaka tumayo sa kama.
"Tara na sa baba, baka kung ano nang iniisip ng mga 'yon." Sabi ko atsaka kami saba'y na bumaba. Pagkababa namin nakita namin sila na tulog na tulog pa sa sala. Dito pala natulog ang mga 'to? At natatawa ako sa pwesto nila. Si Jandi at Bessy kasi ang magkatabi, share pa sila sa isang unan, samantalang si Stephanie at Lisa nasa tig-isang couch, si Luhan at Stephan naman magkayakapan. Hahahaha! Agad kong kinuha yung cell phone ko atsaka sila pinicturan.
"Anthony, picture tayo dali. Groupieee." Hindi naman kumontra si Anthony at nagpost na lang sa tabi ko, pero kita pa din yung anim hahahaha!
"Hoy, gising na. Alas nwebe na po." Sabi ko habang ginigising sila bessy, nagising naman sila at ayon. Riot.
"Waaaaaaaaaah! Anong ginawa mo sakin pre! Kay babes lang ako! Layo!!!" Tinulak tulak niya naman si Luhan na walang kamalay malay at mukhang hindi pa din gising ang diwa.
"Hoy Stephan na unggoy tumahimik ka nga ang ingay mo, que aga aga eh." Sabi ni bessy habang kinukusot kusot yung mata niya. Nagsitayuan na silang lahat at nagbatian ng good morning in their own ways atsaka inayos ang sala. Aba dapat lang, mahiya naman sila sa may-ari ng bahay.
Pagkatapos nilang ayusin yung kama, kanya kanyang unahan sila sa mga banyo, apat naman ang banyo dito, isa sa kwarto ko. Isa dito sa baba, isa sa taas, at isa sa kwarto ng mga magulang ko. Pero syempre dalawa lang ang ipapagamit ko, ang banyo sa taas at yong sa baba. Swerte naman nila kung pati yung banyo sa kwarto ko pati sa isa pang kwarto eh gagamitin nila.
Nung matapos na kaming lahat maligo napag-isipan nanaman nilang mag movie marathon kaya ayon nandito kami ngayon sa sala at nanood ng hindi ko alam kung ano. Napag-isipan kasi naming wag ng pumasok, isa pa wala din namang gagawin atsaka I need a break, sila naman ang umasikaso ng dapat asikasuhin, napapagod din ako. Duh.
Alas syete na nung mapatingin ako sa orasan ng cell phone ko. Grabe, ang bilis ng oras. Tapos na din silang manood kaya nakatunganga lang kami ngayon
"Guys! Mag laro naman tayo!" aya ni Lisa, anong laro naman kaya ang naisip ng isang 'to?
"Anong laro naman yan?" Tanong ni bessy,
"Truth or dare!"
"Pambata." Sabi ni Jandi atsaka inirapan si Lisa, maldita talaga.
"I'm in." Sabi ko, boring naman kasi kung magdamag lang kaming tutunganga dito, diba? Tiningnan naman nila ako na para bang hindi sila makapaniwala na pinatulan ko talaga yung naisip ni Lisa.
"What? Boring naman kung tutunganga lang tayo magdamag dito, hindi ba?"
"Sabagay, pwede ng pagtyagaan." Sabi naman ni Stephan.
"Anong pagtyagaan! Maganda kaya ang truth or dare." Nakangusong sabi ni Lisa,
"Mas maganda ka naman." Nakangiting sabi naman ni Luhan, tekaaa. Anong meron? Namula tuloy si Lisa kaya ayon inasar namin. Wehehehe.
Nagluto muna sila Stephanie at bessy ng makakain namin, bumili naman ang boys ng yelo sa tindahan except Anthony na nasa tabi ko ngayon, wala na pala akong ice cubes sa ref. Wehe, naghanap naman ng bote si Lisa na gagamitin namin sa laro, at kami naman ni Anthony ang gumagawa ng mga tanong at dare para mamaya. Hmmm, ano kayang magagandang tanong? Naisip kasi namin na mas maganda kung bunutan yung tanong pati yung dare. Ayaw pa nga nila na kami ang gumawa nito kaso syempre wala na silang magagawa don. Nyahaha.
![](https://img.wattpad.com/cover/10685689-288-k972406.jpg)
BINABASA MO ANG
A Nerd With Class
Teen FictionSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...