ANWC: 31

961 37 1
                                    

Violet

Ano kayang isasagot nitong mokong na 'to? Siguraduhin niya lang na maayos ang isasagot niya.

"Masungit, maingay, ilan lang po ang mga 'yan sa ugali ni Margarette..." napakunot ang noo ko sa sinabi niya, e kung batukan ko kaya 'to?

"..at ilan lang po ang mga yon sa nagustuhan ko sa kanya. She's strong, I know that she have a lot of problems but here she is, smiling like nothing. I love her 'coz I love her. Hindi dahil sa maganda siya, o sa mabait siya. Ang ganda, nawawala, at hindi din pwedeng pagiging mabait lang ang magugustuhan ko sa kanya, paano ang iba niya pang ugali? Pag hindi na siya naging mabait sa paningin ko mawawala din yung pagmamahal na nararamdaman ko. That's why I love the whole her, tanggap ko din kung sino at ano siya. Mahal ko siya even though she's a nerd."

"But with class.." dugtong ko kaya napatingin sila sakin. Nagkibit balikat naman ako.

Nagpatuloy na kami sa pagkain ng tahimik. Nung matapos na kami ay niyaya ni daddy sina Anthony sa garden kaya kinabahan ako. Maski si bessy ay di din mapakali.

"Go to your room, now."

Napatigil kami sa pagsunod sa kanila papuntang garden nung nagsalita si daddy kaya dali dali kaming napatango at umakyat na sa kwarto. Pagkadating namin sa kwarto ay nagkatinginan kami ni bessy at sabay na ngumuso.

"Nakakatakot talaga ang daddy mo kapag seryoso. Walang duda, sa kanya ka talaga nagmana!" Sabi ni Maxine atsaka umupo sa kama. Sinundan ko naman siya,

"Hindi kaya ako nakakatakot!" Bumuntong hininga ako. "Pero oo nga, nakakatakot si daddy kanina. Pero... bessy alam mo ba, lahat ng hinanakit ko sa kanya sa mga nakalipas na taon ay bigla na lang nawala, alam mo 'yon. Yung feeling na kahit gaano pa kalaki yung tampo ko sa kanya parang mas matimbang pa din yung pagiging anak ko, at pagiging ama niya." Umusog papalapit sakin si bessy atsaka ako niyakap.

"Alam mo bessy, ganyan talaga. Siguro ganyan din ang mararamdaman ko kapag nakita ko na si daddy." Napatango na lang ako sa sinabi niya. Sa aming dalawa minsan ay mas matured siya kaysa sakin, pero minsan naman ay mas isip bata pa siya. Mas madalas na ako yung nasa katinuan.

"Tingin mo bessy, ano kayang pinaguusapan nila?"

Bumalik nanaman yung kaba ko, hindi ko maintindihan pero kinakabahan talaga ako. Baka kasi kung ano ano na ang napag-usapan nila sa baba.

"Wala din akong idea bessy. Pero paniguradong usapang lalaki 'yon." Tumango tango siya,

"Teka... ano na bang status niyo ni Stephan bessy? Sinabi mo kina daddy kanina na boyfriend mo na siya... so it means..." tumango siya kaya napatili ako. Ang bruhang to!

"Shh! Ingay mo! Mamaya mapagalitan tayo!"

"Kailan pa?"

"Enebe. Kenene leng."

"Yak Maxine! Pabebe!"

Nagtawanan naman kaming dalawa, naputol yung tawanan namin ng may biglang kumatok sa kwarto namin. Nagkatinginan pa kami ni bessy. Tatlong klase lang naman ng tao ang pwedeng kumatok dito. Si daddy, ang maid na dala nila, o si Auntie. Imposible naman kasing makaakyat dito sina Anthony dahil paniguradong hindi papayagan ni daddy ang mga yon.

Tiningnan ko si Maxine at tumango lang siya, pagkabukas ko ng pinto ay bumulaga sakin ang mataray at maarteng mukha ni Auntie. Anong ginagawa niya dito?

"Bakit?" Walang kagalang galang na tanong ni Maxine, itong babaeng 'to talaga.

Bigla siyang pumasok at binangga pa ako sa balikat, sinamaan ko na lang ng tingin yung likod niya. Kainis!

A Nerd With ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon