Usapang tanga
Nung narinig ko yung bell agad ko namang ianyos yung gamit ko, akmang lalabas na sana si Anthony kaso pinigilan ko siya at masama ko siyang tiningnan. Awkward naman siyang ngumiti ng sobrang lapad. At Nginitian ko din siya, syempre yung sobrang tamis.
"Ililibre mo ako ng Recess, diba?" Dahan-dahan kong sinabi ng sobrang lapad pa din ng ngiti ko.
"Anong----" hindi na niya natapos ang sasabihin niya nung sinamaan ko siya ng tingin, anong akala niya? Hindi ko siya tatarayan? Ha!
"Venice! Mark! Tara na sa canteen!" Masiglang yaya samin nila Lisa kaya ngumiti ako sa kanila.
"Tara na! Ililibre daw tayo ni Anthony!" Masglang sabi ko,
"What!?"
"Talaga? Yes!"
"Yes naman dude! Hindi ka na kuripot!"
Napangisi ako sa reaction niya atsaka ko siya binelatan, gantihan lang no! Lalabas n asana kami ng biglang may sumulpot sa harap namin.
"Hi guys! Sinong manlilibre? Tara na't kumain!"
"Bessy!!"
"Bebe kooooo!
"Maxineeeee!"
"Hoy! Chillax, bago kayo magtanong ng kung ano tara na muna sa canteen at balita ko may manlilibre, kaya tara't lubusin!" Sigaw ni bessy kaya sumunod na kami sa kanya. Anong ginagawa ng bruha kong best friend dito? Sa pagkakaalam ko iniwan ko siyang sarap na sarap ang tulog sa bahay.
Pagdating namin sa canteen pinagtinginan nanaman kami, syempre sino bang hindi titingin sa ami eh para kaming mga god and goddesses sa ganda. Wahahahha! Nahahawa na ako sa kayabangan ng mga kasama ko. Jusko. -____- umorder na kami ng madaming pagkain, as in madami kaya butas na butas ang bulsa nitong si Anthony, umabot ba naman ng isang libo nagastos eh recess lang 'to. Wahahaha!
"So, anong ginagawa mo dito bruha?" tanong ko kay bessy habang kinakain yung carbonara ko, ang sarap talaga!
"Oh, kasi dito na ako nag-aaral." Hindi na ako nagulat, malamang san pa yan mag-aaral alangan naming bumalik siya doon, tsaka andito ako no. Alam ko naming mahal ako niyan kahit na mas maganda ako sa kanya.
"TALAGA BEBE KO!? Sabin a sinusundan mo kung san ka magiging masaya." Napakunot noo naman si Maxine at mukhang nagtataka sa sinasabi nitong si Stephan, syempre kami din, wala nga akong nagets sa sinabi ng mokong na 'to.
"Anong san ako magiging masaya? At PWEDE BA TIGILAN MO ANG PAGTAWAG SAKIN NG KADIRING ENDEARMENT NA YAN!"
"Alam ko naman kasing sakin ka lang magiging masaya kaya sinundan mo ako dito, at isa pa ayaw mo ba nung bebe ko? Ikaw lang kaya yung tinatawag ko niyan, yung mga chics ko dati ang tawag ko parati babes eh." Anak ng tinapa 'tong Stephan na 'to. Iling na tumawa naman sila Luhan at natawa na din ako,
"HOY! BAKIT KAYO TUMATAWA HA! HINDI-----" hindi na natuloy ni Stephan yung sasabihin niya dahil nakatikim siya ng tadyak kay bessy, wahahahaha.
"Ang ingay mo Stephan, para kang babae, manahimik ka na nga."
"Ang sungit mo Anthony ah! Sabihin mo lang kung labag sa loob mo yung panlilibre samin!"
"Oo nga kuya! Parang ang sakit ng loob mo kasi naisang libo ka!" inasar asar nung magkapatid si Anthony na asar na asar na ngayon bwahahaha.
"Tigilan niyo na nga si Anthony, duh. Kumain na lang kayo at malapit na magbell." Tumigil naman yung dalawa nung sinungitan sila ni Jandi, magsasalita sana ako kaso narinig ko na yung bell. Itong babaeng maldita na 'to pag di ako nakapagpigil makakatikim 'to!
---
Last subject na namin at gustong-gusto ko talaga ang subject na 'to kasi yung tatlong lalaki. Wahahahaha! Tinuturuan kung paano maging maayos na lalaki. Nyahahaha, alangan namang maayos na babae diba? Nako baka mamaya eh magwala ang mga 'to, pilit kasi silang tinuturuan kung paano tumindig ng mala-adonis. Habang kami naman ay kung paano maging isang kagalang-galang na babae, ano pa ban g ieexpect mo sa isang All girls school diba?
"Mr. Lee, hindi ganyan ang tamang tindig, mukha kang tuod dyan na nakakita ng multo. Relax,"
"Isa ka pa Mr. Dela vega, bakit hindi niyo gayahin ang postura nito ni Mr. Joong, ilang araw na ninyo yang ineensayo pero hanggang ngayon ay hindi niyo pa din magawa ng tama." Naku galit na si Sir! Si sir argentina kasi ang nagtuturo sa tatlo habang si Ma'am argentina ang sa amin. Parang ito na yung P.E namin kaya naman after ng subject na 'to talagang bagsak kami sa upuan dito sa room.
"Okay, yan na muna sa ngayon. Class dismissed." Napaupo naman kami kaagad sasinabi ni Ma'am A. Wooooh! Tapos na ang pasakit!
"Grabe! Wala talagang patawad ang dalawang yun." Dinig kong sabi nung kaibigan ni Lucy, ngumiti naman si Lucy sa kanya. Psh.
"Wooooh! Hindi ko expect na ganito pala kahirap maging disente!" Natatawang sabi ni Maxine habang nagpupunas ng pawis,
"Oo nga bebe ko eh, pero ayos lang na maghirap ako, maging disente lang sa paningin ng mahal ko." kumindat pa si Stephan na nagpasimangot lalo kay bessy, kahit kailan talaga waley ang mga banat ng lalaking 'to.
"Nako ate max, wag mo ng pansinin iyan si kuya, talagang may saltik yan." Natatawang sabi naman ni Stephanie atsaka binelatan ang kuya niya.
"Anong sabi mo?" Sabi ng kuya niya at bago pa makapagsalita si Stephanie ay hinabol na siya ng kuya niya kaya nagtakbuhan silang dalawa dito sa room. Kitang-kita ko yung pagmamahal nilang dalawa sa isa't-isa bilang magkapatid, ano kayang feeling ng may kapatid?
"Tama na yan, let's go home na, 5:30 na oh." Sabi ni Jandi na mukhang inip na inip na, samin talaga siya ang pinakaKJ.
"Amina nga yang paper bag mo Lisa, tulungan na kita." Nakangiti namang binigay yon ni Lisa kay Luhan. Ba't ba parating nakangiti ang dalawang 'to.
"Bakit ka nakatingin sa kanila? Naiinggit ka ba kasi walang nagbubuhat ng bag mo?" Inis kong hinarap yung damuhong nagsasalita. Aba! Ang lalaking 'to!
"Nagtataka lang ako paano natiis ng mga kaibigan mo ang makasama ka." Nakangisi kong sabi kaya siya naman ang sumimangot. Mwahahahaha! Akala mo ha!
"Mahal kasi nila ako, kung mahal ka talaga ng isang tao, sino ka man, ano ka man o ano man ang ugali mo, hinding-hindi ka nila iiwan." Aww ha, tagos.
"Pero tao pa din sila, napapagod, nagsasawa, at nasasaktan. Hindi naman habang buhay eh pagmamahal lang ang dapat pairalin dapat puso at isip ang paganahin para walang nagiging tanga."
"Pag ba sinunod mo ang puso tanga na? Nasa nature na ng tao ang pag nagmahal ay dapat handa kang masaktan, hindi pagiging tanga kung nagpaloko ka sa kanya, ang tanga ay yung hinayaan mong lamunin ka ng galit mo." Napatigil naman ako doon, alam kong wala siyang pinapatamaan at nag-iisip lang siya ng pambato sa binabato ko sa kanya. Pero shit lang, tagos eh. Tagos na tagos. So, tanga ako ganon?
Edited: 3/25/16
BINABASA MO ANG
A Nerd With Class
Teen FictionSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...