ANWC: 2

2.8K 106 2
                                        

You proved me wrong

I opened my laptop to send our schedule to Anthony. Pagbukas ko ng facebook ko medyo madami-dami na din pala ang friend requests, messages, at notifications ko. One week kong hindi inopen ang Facebook ko dahil sa sobrang busy, I'm not famous. It's just that madaming nag-aadd at nagmemessage sakin na mga ka-schoolmates ko because I'm the President of our Student council.

Well, di sila ang bumoto sakin, teachers ang pumili sakin kaya ako ang naging president in fact gusto ng mga ka-schoolmate ko maging president ay si Lucy.

Ano namang ine-expect ko diba? Mabait, matalino, good model, pambato sa kahit ano, like beauty pageants, quiz bee, and sports. Well mabait naman ako, kaso ako lang ang nakakaalam, matalino din naman ako, I guess. Good model? I can do that, but I don't want. Joining pageants? Sports? Quiz bee? Pwede din ako. Pero ayoko. Ayos na ko sa ganitong set up. So bakit ko pa guguluhin? To bring her down like what she did to me?

Oh well, yun yung malaking pinagkaiba namin. Kahit ganito ako, hindi ako yung tipo na binababa ang isang tao dahil mas iniisip ko ang sarili ko.

Nakita ko agad yung FR ni Anthony. So I accepted it, Then imemessage ko na sana siya nung biglang nag pop-out yung isang chatbox, at nauna pa talaga siyang mag message sakin.

Mark Lee: Where's the schedule?

Hindi ba siya makapag-hintay? Like seriously? Itatype ko pa kaya!

Venice Park: Can't you wait?

Mark Lee: I hate waiting.

Venice Park: I don't care, ikaw ang may kailangan so dapat matuto kang maghintay.

Mark Lee: Well that's your responsibility right? Sa'yo kami binilin ni Ma'am Presilda, diba?

Ugh! Ano bang problema ng lalaking 'to!?

Venice Park: 7:00am-8:30am Algebra

8:30am-9:30am Literature

9:30am-10:00am Reccess

10:00am-11:00am Florante at Laura

11:00am-12:00noon Lunch Break

12:00-1:00pm Chemistry

1:00pm-2:30pm Computer Lab.

2:30pm-4:00pm How to be a better lady.

Ayan yung schedule from Monday to Friday hindi nagbabago.

Mark Lee: Okay.

Kita niyo na! Hindi marunong mag thankyou! Pigilan niyo ako, sasapatusin ko 'to. Humanda ka sa last subject, hinihingi yung schedule pero di tiningnan. Napangisi na lang ako.

Sineen ko na lang ang last message niya atsaka nag log out. Tss. 11:40 na. At kailangan ko na talagang magpahinga.

***

2 weeks na ang nakalipas since the day ng pagtotour ko kila Anthony. At sa 2 weeks na yun sila lagi ang kasama ko, ayos naman sila, masarap kasama, pero bwisit na bwisit ako kay Anthony, ako lagi ang pinagtitripan eh ._. Katulad kanina.

Nagising ako ng 5:00am ng dahil sa pesteng ring ng phone ko, at kung itatanong niyo kung sino ang letseng tumawag yung buwisit na Anthony lang naman na 'yon. Nung tinanong ko kung bakit, aba ang sabi ba naman, "I just want to know if you're already awake." Tapos binaba! Buwisit talaga eh! Ang sarap niyang tadyakan! Ugh! Ayan hindi na ako nakatulog hanggang sa nag-ready na lang ako para makapasok.

A Nerd With ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon