ANWC: 21

1.3K 50 5
                                    

Feelings

Agad ko siyang tinulak palayo sakin, tumawa naman siya.

"H-ha? Sira... sira ulo! Tigil tigilan mo nga ako!"

Napatanga ako dun sa sinabi niya ah, ano daw? Ako? Gusto niyang makita ulit na nagbublush ng dahil sa kanya? Nagblush na ba ako ng dahil sa kanya? Hindi naman ah! Ang kapal niya ha! Tawa pa din siya ng tawa, ang sarap niyang pakainin ng tissue.

"Mabulunan ka sana..." sabi ko dahilan para mas lalo siyang tumawa, pinagtitinginan na tuloy kami ng ibang tao dito. Wala bang hiya ang mokong na to? "Pag ako nabulunan at namatay mawawalan ka ng soon to be handsome boyfriend." Sabi niya atsaka tinaas baba ang kilay. Tinaasan ko naman siya ng kilay atsaka inirapan. "You really have that confidence huh?" Tumango naman siya atsaka nagsalita.

"Ofcrs, and you're really----" pinutol ko yung sasabihin niya at ako na ang sumagot.

"Cute? I know right,"

"Nah. Assuming. It should be maldita, not cute." Sinamaan ko siya ng tingin kaya tumawa nanaman siya, tinuturuan kami ng tamang asal at ng pang maria clarang ugali dito pero lahat yata ng natutunan ko ay mababalewala ng dahil sa hayop na katabi ko.

Hanggang sa makabalik sina Lisa sa upuan namin ay inaasar lang ako ni Anthony. Hindi ko alam kung hobby ba talaga niya ang asarin ako. Kapag ako napikon hindi lang tissue ang isusupalpal ko sa lalaking to. Pati mga pinggan isusupalpal ko talaga sa kanya!

"Mukhang nag-enjoy kayong dalawa dito ah?" Ngiti ni Lex, sinamaan ko naman siya ng tingin, "Oh chill!" Sabi niya atsaka tinaas pa yung dalawang kamay na parang sumusuko.

Walang duda, magkakaibigan nga ang mga to. Ang hilig mang-asar eh.

"Babe, hindi mo pa ba ako sasagutin?" Sabi ni Stephan kay bessy,

"Sino ba ang may sabing sasagutin kita? Wag ka oy, pinapaasa lang kita."

"Boom busted!"

"Pinapaasa lang pala."

"Mga ugok!" Sigaw ni Stephan atsaka ngumuso. Napailing na lang ako. Baliw talaga.

Nagbibiruan pa sina bessy ng biglang tumayo si Anthony, "Let's go Margarette, I want you to see something..." umalis kami sa mesa namin, hindi ko alam kung napansin ba kami ng mga kasama namin, hindi na din ako nakalingon sa kanila dahil hinihila na talaga ako ni Anthony, kahit kailan talaga napagentleman niya! Nakaheels ako like duh!

Dumaan kami sa gitna, sa mismong red carpet... hindi ako mahiyain dahil sanay naman akong tinitingnan pero ngayon? Hindi ko alam pero parang nahihiya ako dahil hawak ni Anthony yung kamay ko, hindi ko siya ikinakahiya... basta... hindi ko alam! Iba kasi yung feeling! Ugh.

Papunta kami sa garden, kung saan ako tumatambay... unti-unti ko ng nakalimutan yung bad memories ko dito, siguro dahil nakakamove-on na ako.

Pero bakit dito kami pupunta? Ano bang meron? Malapit na kami sa garden ng biglang huminto si Anthony kaya napahinto din ako.

"O? Bakit ka huminto?" Tanong ko, umiling lang siya at ngumiti, problema nito?

"Oy oy oy! Teka... ano yan!"

"Ingay mo..." sabi niya habang tinatakpan ng panyo yung mga mata ko. Ano ba to? May ideya na ako pero ayoko namang mag-assume at masaktan lang sa huli.

Matapos niyang takpan ng panyo ang mga mata ko ay naramdaman ko na lang na umalis siya sa tabi ko.

"Damn Anthony! Don't you dare to leave me here coz I'm telling you! I am gonna punch you!"

A Nerd With ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon